Chapter 8

1.1K 17 6
                                    


CHAPTER EIGHT:


October 22, 20** (Saturday) - Fieldtrip/Tour


Jugs' POV


Kakarating lang namin sa Camp John Hay. Sa isang vacation house daw kami magstastay. Nakapunta na ako dito pero 3 years old palang ako nun. At ang katabi ko naman ay si Jacee kasi siya ang partner ko sa tour. Ang magkakapartner ay ako at si Jacee, Ella at Rain, Jasmine at Xian, Tati at Jason, Polly at Dean, Sheryl at Marky. Sila Neo, Marlon at Carlos naman ay kanya kanyang kuha ng babae galing sa klase namin kahit labag sa kalooban ni Neo dahil lalake daw ang gusto niyang kapartner hahaha baliw talagang Neo yan. Nung nakarating na kami sa destinasyon namin, bumaba na kami ng bus. Kinuha ko ang backpack ko at ang dalawang travel bag. Yung isa, kay Jacee at yung isa, saakin. Maliit nga lang yung travel bag ko eh sakanya yung malaki. May backpack pa siya at shoulder bag. Kala mo magiisang buwan dito eh.


"Jugs papicture!"


"Dami mo ng picture kanina pa eh."


"Dali na wag kang KJ diyan!"


"Pft oo na!"


Binigay niya yung DSLR niya saakin at pinicturan ko na siya. Lumapit naman siya saakin at kinuha ang DSLR.


"Wow wala man lang thank you?"


"Hehe thank you. Mwaps!"


"Class tara na sa loob." -Ma'am


Pagkapasok namin sa vacation house, binigyan kami ng tig iisang susi sa magiging kwarto namin. Ang astig ng bahay. 4 storey building siya at sa pinakababa ay ang receiving area at front desk. Room mates kami ni Jacee at may partition naman sa loob ng room kaya hiwalay pa din kami ng higaan. Tiningnan ko yung orasan at 10am pa lang pala. Maguumaga kasi kami umalis ng Manila.


"Class I know you're all tired from the trip so you may now go to your respective rooms and take some rest. Then baba ulit kayo mamayang 12nn for lunch."


"Yes ma'am."


Nag elevator na kami ni Jacee paakyat sa 3rd floor ng bahay at hinanap yung room namin. Nung nakita na namin yung room namin, pumasok na kami at nilagay namin ang mga gamit namin sa kwarto. Nilagay ko na yung traveling bag ni Jacee sa may kama niya. Pumunta na ako sa higaan ko at humiga. May kinuha si Jacee na libro sa bookshelf at sumilip. Ang partition kasi dito sa kwarto ay malaking book shelf.


"Thanks Jugs!"


"Walang anuman. Ge idlip muna ko."


Tatalikod na sana ako at pipikit na para matulog nang nagsalita si Jacee.


"Ha?! Teka teka pasyal na muna tayo!"


"Di mo ba narinig sinabi ni ma'am? Magpahinga daw muna tayo kasi mamayang 12nn kakain tayo ng sabay sabay for lunch."

Best Friends or Best Lovers (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon