Chapter 23

998 17 1
                                    



CHAPTER TWENTY THREE:


Xian's POV


Gusto ko magsaya pero di ko magawa. Di ko na lang pinapahalata sa barkada na problemado ako kasi nakakahiya naman kay Jacee. Birthday celebration niya tas makikita niya na problemado ako. Pano eh si Mai kasi nung october pa kami wala. Pero kahit wala na kami, nag aalala pa rin ako para sakanya. Siya yung nakipagbreak saakin. Nafall out of love daw siya. Gusto ko pa sana siya ipaglaban pero bakit mo ipaglalaban yung taong maaga kang sinukuan? Ang nakakainis lang, gusto ko sanang magkaibigan parin kami kahit wala na kami kasi okay naman yung paghihiwalay namin. Di naman kami nag away kaso di ko na siya nacocontact. Sabi din ng classmates niya di na daw pumapasok si Mai after ng sembreak. Aaminin ko, masaya ako sa tuwing magkasama kami ni Jasmine pero kung papapiliin ako kung si Jasmine o Mai, si Mai pipiliin ko kasi mahal ko pa si Mai. Kaso sinukuan na ako ng taong yun eh. Di ko alam kung nagkulang ba ako bilang boyfriend niya o sadyang may di saakin sinasabi si Mai. Aalamin ko kung ano yun. Alam kong walang iba si Mai. Mabait na tao yun eh kaya nga nagkagusto ako sakanya kasi sobrang bait niyang tao. Pero alam kong may di siya sinasabi saakin. Ang bilis niya akong bitawan eh. Mahal naman namin ang isa't isa. Pupuntahan ko siya sakanila pakabalik namin.


"Uy Xian."


"Yo Jason."


"Yosi?"


"Ge salamat pre."


Kumuha ako ng yosi mula sa kaha at sinindihan eto. Tumabi naman saakin si Jason at pareho lang kami walang imik habang humihipak ng yosi namin.


"May tanong ako Xian pre."


"Ano yun?"


"Pag nalaman mo bang may nilalanding iba yung babaeng gusto mo, susukuan mo ba siya?"


"Paanong susukuan? Bakit nililigawan mo ba yung babaeng yun?"


"Oo."


"Hmmm hindi ko siya susukuan pero tatanungin ko siya kung sino yung nilalandi niya at kung bakit siya nagpapalandi eh may manliligaw siya."


"Ahhh. Hahahaha tangina di ko kasi alam irereact ko eh."


"Bakit? Anmeron?"


Inabot saakin ni Jason yung phone niya at may pinakita saakin na picture.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Best Friends or Best Lovers (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon