Chapter 26

1K 14 2
                                    


CHAPTER TWENTY SIX:


Jacee's POV


Napaidlip pala ako. Tumingin naman ako sa orasan at isang oras din pala ako nakatulog. Hindi idlip yun eh tulog na yun eh pft. Natigil ako sa pagmumuni muni nang biglang nag ring ang phone ko. Oh? Si Xian? Dali dali ko namang sinagot ang tawag ni Xian.


"Hello?"


"Jacee."


Mukha atang malumbay yung boses niya. Anyare dito?


"Woy ikaw ha. One week ka ng di pumapasok. Ano bang nangyare---"


"Kelangan ko ng kasama."


Ano daw? Nag away ba sila ni Jasmine?


"Ha? Si Jasmine? Asan?"


"May pasok pa."


"Kahit rin naman ako may pasok ah?"


"Kakatawag ko lang kay Marlon. Absent daw kayo ngayong hapon."


"Ahhh. Hehe joke lang. Bat ka pala napatawag?"


"Sabi ko naman sayo, kelangan ko ng kasama. Kelangan kita. Kelangan ko kayo. Alam kong ikaw at si Marlon lang makakatulong sakin ngayon."


So I guess kailangan ko talaga siyang puntahan. Kelangan niya daw kami eh.


"Okay okay. Asan ka ngayon? Puntahan kita diyan sa bahay niyo."


"Wala ako sa bahay ngayon."


"Ha? Eh asan ka ngayon?"


"Nasa hospital."


Hala? Bakit siya nasa hospital?!


"Nasa hospital ka?! As in nakaconfine ka?! Bakit anyare sayo?! Ayos ka lang ba?!"


"Hindi. Walang nangyari sakin."


"Eh bakit nasa hospital ka?"


"Si Mai."


Natigilan ako bigla sa sinabi niya.


"Si Mai?"


"Si Mai ang nasa hospital ngayon."


Best Friends or Best Lovers (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon