CHAPTER THIRTY THREE:
Jugs' POV
Anim na oras pa bago mag New Year at andito ako ngayon sa mall kasama si Kuya Ivan. Hanggang 8 pa naman daw ang mall kaya mabibili ko pa yung mga pinapabili ni Ate Julien saakin. Nabili ko naman na lahat pala maliban na lang sa wine na pinapabili ni papa. Galing na kami ni Kuya Ivan dun sa isang mall pero wala nung wine na pinapabili ni papa.
"Ano nangyare pagkatapos mo halikan si Jacee?"
Di ko pinansin si Kuya Ivan at naglakad na lang ako papuntang wine section. Kanina pa to eh kinukulit ako kung ano nangyare nung Christmas sa Seoul Tower.
"Kuya meron po kayo nung Beringer Quantum na wine?"
"Yung red blend Napa Valley sir?"
"Opo."
"This way po sir."
"Wow Jugs parang wala akong kausap ah!"
"Kuya Ivan kasi mamaya na pakabili ko neto! Mas excited ka pa sa babaeng high school kung magtanong eh!"
"Eh sa naeexcite naman talaga ako sa nangyare sainyo!"
"Oh pwes excited din ako kung anong nangyare sainyo ni Ate Julien nung 25 ng umaga. Kwento dali."
Namula si Kuya Ivan at nag iwas ng tingin. Pano eh sinagot na pala siya ni Ate Julien nung 25 ng umaga pft.
"Ilan po neto sir?"
"Dalawa po."
"Eto po sir."
Binigay na saakin nung salesman yung dalawang wine at pumila na ako sa counter. Tiningnan ko yung price at halos mabitawan ko yung wine. Kaya pala binigyan ako ni papa ng 8k kasi ganito pala to kamahal! Pero at least may sukli pa at akin na yung sukli hehe.
"That'll be 7,180 sir. Nakapromo po kasi sir bale may less 330 ang isa."
"Ahhh sige po."
Binigay ko na yung 8k at may sukli pa na 820 hehe akin na to shempre.
"Yang dalawa 7k?!"
"Oo kuya. Si papa kasi eh alam mo naman yun mahilig sa wine--- oh anong gagawin ko diyan sa wine na yan at atm mo?"
Pano eh inaabot saakin yung atm tsaka yung isa pang wine na Beringer din yung brand.
BINABASA MO ANG
Best Friends or Best Lovers (REVISED)
Teen FictionA best friend is a person who you love and value above other friends in your life. What if you fell in love with your best friend? Is friendship worth risking in exchange for love?