CHAPTER EIGHTEEN:
Jacee's POV
November 18, 20** (Jacee's Birthday Party)
Akalain niyo yun? 18 years old na ko. Shet natanda na ko at pwede na ko makulong emegerd. Anyway, kakarating lang namin dito sa Caramoan Island. We'll be staying here for 3 days and 2 nights. Bale nauna kami dito nila Kuya Jay at Ate Mikee. Remember Ate Mikee? Siya yung best friend ni Kuya Jay na nakita ko sa baguio and guess what? Sila na! Pinuntahan ni Ate Mikee si Kuya Jay nung bakasyon at umuwi sila dito ng magkasama hihi sana all.
"Shet kuya ang ganda talaga dito!"
"Shempre naman. Dapat special ang birthday ng kapatid ko. O siya hintayin mo na sila dun sa may dalampasigan. Kami na bahala dito ni Ate Mikee mo." –Kuya Jay
"Oo nga Jacee kami na bahala dito. Dapat buhay prinsesa ka ngayon because it's your day." –Ate Mikee
Kinindatan ako ni Ate Mikee. Grabe ang ganda niya talaga tas ang sexy niya talaga. Nakatwo piece siya ngayon pero nakashorts naman siya na pambaba.
"Hehehehe sige po."
"Jay kasi palagay na ako ng sunblock sa likod!"
"Mamaya ka pa naman magswiswimming ah. At tsaka, magsuot ka nga neto. Kita masyado cleavage mo."
Sinuotan ni Kuya Jay ng tshirt si Ate Mikee kaya bumusangot si Ate Mikee hahahaha wala eh ganyan talaga kaover protective si Kuya Jay.
"Wow Jay as if naman may mamboboso saakin dito ah. At tsaka beach to! Para saan pa tong suot kong two piece kung magsusuot ako netong tshirt?!"
"Ah basta. Suotin mo yan. Mamaya na pag magswiswimming tsaka mo hubarin."
"Oo na oo na. Lagyan mo na ako sunblock dali."
"Mamaya na nga."
"Bahala ka nga ako na lang maglalagay!"
Natawa kami pareho ni Kuya Jay sa nakabusangot na mukha ni Ate Mikee habang naglalagay siya ng sunblock sa likod niya.
BINABASA MO ANG
Best Friends or Best Lovers (REVISED)
Teen FictionA best friend is a person who you love and value above other friends in your life. What if you fell in love with your best friend? Is friendship worth risking in exchange for love?