Chapter 10

1.1K 21 3
                                    


CHAPTER TEN:


Jacee's POV


Nag unat unat ako at nilibot ko ang paningin ko sa kwarto. Shet nakatulog pala ako dito sa kama ni Jugs! Bumangon na ako at dali daling nag ayos ng susuotin ko mamaya. Kinuha ko ang blue dress mula sa maleta ko at jacket kasi baka sermonan na naman ako ng bespren ko na daig pa ang tatay ko kung manermon. Inayos ko na din yung DSLR pati yung mga dadalhin namin mamaya sa Asin Hot Springs kasi magswiswimming ang buong barkada dun.


"Good morning Snorlax."


Nilingon ko si Jugs na kakalabas lang ng CR at nakabihis na. Nakablue polo siya at jacket. Wow gaya gaya. Nakablue din ang mokong.


"Good morning din mokong."


"Nakatulog ka ba ng mahimbing--- ay di na pala tinatanong yan. Malamang oo. Ang lakas ng hilik mo eh para kang si Snorlax."


Sinimangutan ko si Jugs at hinampas sa braso. Kaaga aga nangangasar na naman siya!


"Ang aga Jugs ah!"


"Hahahaha to naman di mabiro! Maligo ka na nga para makaalis na tayo."


"Oo na mokong!"


"Ang gwapo ko namang mokong."


"Pucha."


Napamura na lang ako at pumasok na ng CR para maligo. Iba talagang klase yang bespren ko. Ang kapal ng mukha noh? Gwapong mokong daw amp. Sarap ipacheck up sa psychiatrist parang araw araw may saltik.


- Wright Park -


"Jacee! Horseback riding tayo!"


Nilingon ko si Jugs na may hawak hawak ng dalawang kabayo. Yung isa black, yung isa white. Aaahhh ang ganda nung white! Blonde kasi yung hair niya hihi.


"Akin yang white ah."


"Oo na. Sakay na dali. Bigat mo pa naman baka magreklamo yung kabayo sayo."


Guys pigilan niyo ko. Sisipain ko na talaga tong isang to. Inirapan ko na lang si Jugs habang inaalalayan niya ako sumakay sa kabayong puti. Sumakay na din siya sa kabayo niya at ngumisi saakin.


"Pogi ko talaga. Wagas ka kung makatitig eh."


"Ang kapal mo talaga noh. Yang kabayo ang tinitingnan ko hindi ikaw!"


"Sus! Palusot pa eh."


"Manahimik ka diyan. Teka papicture muna tayo. Manong papicture naman po."


Best Friends or Best Lovers (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon