Chapter 4

1.3K 20 4
                                    

CHAPTER FOUR:


Jacee's POV

- October 3, 20**, Monday -

Naglalakad ako ngayon papunta ng classroom pero ayoko talaga pumasok. It's been a week since that phone call with Jan and I'm still sad and heartbroken because of that jerk. But I'm not just sad because of that. Last week kasi, sabi ni Ella pumunta daw ako sakanila after class tulungan ko daw siya mamili ng snacks and drinks for her birthday. Pumunta nga ako pero akala ko sila Neo ang maabutan ko dun pero sila ni Jugs ang naabutan ko dun. They were hugging each other. Nainis lang ako kasi I called Neo and the others tas tinanong ko sila if pinapunta sila ni Ella dun, sabi nila hindi. I don't know if Ella did that on purpose. Alam ko naman na nililigawan ni Jugs si Ella at wala akong balak sirain kung ano man ang meron sila. Ang nakakainis pa kasi Jugs has not been answering my calls nor replying to my texts since friday night. Usually tumatawag yun palagi every night bago kami matulog. Walang halong malisya pero nakaugalian na din kasi namin yun since then. Kaso wala siya ni isang tawag o reply. Nakakalungkot na nakakainis diba? Ella is my best friend too, same with Jugs pero parang I feel betrayed.


"Jacee!"

Nilingon ko kung sino ang tumawag saakin.

"Teka lang Jacee!"

Huminto ako sa paglakad at hinintay si Carlos.

(a/n: Carlos' picture below.)

)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Kaaga aga sumisigaw ka hahaha good morning."

"Hahahaha masaya lang ako. Good morning din Jacee!" –Carlos

"Kamusta?"

"Okay lang naman. Ikaw ba? Kamusta na kayo ng manliligaw mo?"

"Wala."

"Ha? Anong wala?"

"Wala as in wala na. Ayaw na daw saakin ng gago."

"Hala kelan pa?"

"Nung 26. Last monday."

"Bat di mo sinasabi saamin? Upakan namin gusto mo?"

"Yung girls lang ang nakakaalam plus si Neo. Nah hahahaha no need. Ayoko na magsayang ng oras sa taong sinayang ako."

"Tama yan! Ikaw pa ba! Madami pa naman diyang lalake na hindi ka sasayangin at papahalagahan ka."

"Hahahaha oo naman."

"Basta nandito lang ang barkada--- teka si Jugs oh nasa labas ng classroom. Mukhang hinihintay ka ayieee---"

Hinila ko naman si Carlos palayo ng classroom. Leche to ang ingay eh di na nga kami okay eh.

"Shhh Carlos ano ka ba. Di kami niyan okay ni Jugs. Tsaka siguradong si Ella ang hinihintay niyan."

"Bakit naman si Ella?"

"Nililigawan niya si Ella."

"Ay weh? Bat di ko alam---"

Tumahimik naman si Carlos nang dumaan sa harapan namin si Ella. Sinundan namin siya ng tingin at tama nga. Si Ella ang hinihintay ni Jugs. Nagyakapan pa nga ang dalawa bago pumasok ng room eh.

"O-oo nga noh." –Carlos

"Sabi sayo eh."

"Eh bat di kayo okay?"

"Since friday night kasi di siya nagrereply sa mga texts ko o sumasagot sa mga tawag ko."

"Ah magkaaayos din kayo niyan. Kayo pa? Eh para kayong aso't pusa eh. Magaaway tas magbabati. Magkakaayos din kayo. Basta pag kelangan mo ng kausap, nandito lang ako."

Tinapik ni Carlos ang braso ko at nginitian ko lang siya.

"Hay oo na. Salamat Carlos ah."

"Walang anuman. Tara na. Magbebell na din eh."

"Sige."

Jugs' POV

Tss. Nakakatamad pumasok. Gustuhin ko man magcutting class, di pwede. Kasi nangako ako kay Ella na babawi ako sakanya. Nililigawan ko kasi siya. Di ko alam nagseselos na pala siya kay Jacee. Sa best friend niya. At alam niya naman na mag best friend lang din kami ni Jacee. Pero naguguilty din ako. Nung friday pinapunta ni Ella si Jacee sa bahay nila. Sabi ni Ella magpapatulong daw siya si Jacee para sa birthday niya pero ang totoo, gusto kausapin ni Ella si Jacee. Nakita ko si Jacee sa may gate nila Ella nung friday. Sakto nasa labas kami ni Ella nun at yakap yakap ko si Ella kasi nga nagusap kami at nangako akong babawi ako sakanya. Ayun nagwalk out si Jacee. At nung friday ng gabi, di ko sinasagot ang mga tawag ni Jacee o di ako nagrereply sa mga texts niya kasi magkausap kami ni Ella sa telepono. Sabi ko nga babawi ako kay Ella diba? Pero kasi nagiguilty ako. Miss ko na din kasi si Jacee eh. Miss ko na best friend ko.

"Good morning class."

Kakausapin ko na lang si Jacee mamaya habang kasama nila Neo si Ella sa canteen mamayang break time.

"Good morning ma'am."

"May announcement pala ako. Before kayo magbakasyon ngayong November, magkakaroon tayo ng field trip sa Baguio okay? I'll give the parent's permit to your president at bibigyan niya kayo ng tig isa."

Kanya kanya namang reaksyon ang mga kaklase ko.

"Wow Baguio!"

"Nice one!"

"Excited na ako!"

"Ireready ko na ang mga damit ko!"

"Di na ko makapaghintay!"

"Class settle down. Any questions?"

"Ma'am, how about the seating arrangements?"

"Since you're 32 in class, 16 boys and 16 girls, get your partner and you'll sit together on the bus and you'll be partners during the tour okay. Pakilista na lang sa papel kung sino ang magkakapartners during the tour and kindly give it to your president. By the way, same room din kayo ng partner niyo. Kayo na bahala pumili ng partners niyo. May partition naman ang kwarto kaya magkahiwalay pa rin kayo ng higaan okay?"

"Okay ma'am."

"That would be all for today. Class dismissed."

Pagkaalis ni mam, kanya kanya naman kuhanan ng partners ang klase. Tiningnan ko si Ella at nakita kong naguusap nila ni pareng Rain. Bago ko aminin kay Ella na gusto ko siya, sobrang close na talaga nila ni Rain. Di na ko magtataka kung sila na ang mag partners. At napangiti naman ako nang dahil dun. Ibig sabihin, pwede ko maging kapartner si Jacee orayt! Bigla namang tumunog ang phone ko. May nagtext pala.

From: Jacee bespren :)

Jugs usap tayo sa gazebo. Mauna na ko dun. Hihintayin kita ah.

Agad naman akong nagreply sakanya.

To: Jacee bespren :)

Sige sige hintayin mo ko diyan.

Napangiti naman ako at agad agad akong lumabas ng classroom. Sana magkaayos na kami.

Best Friends or Best Lovers (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon