Special Chapter (Rain & Ella)

1.7K 33 3
                                    


SPECIAL CHAPTER 1:


Ella's POV


Hay nakong college life to. Ang bilis ng panahon noh? Parang kelan lang. Parang kahapon lang kami grumaduate ng high school. Andito nga pala ako ngayon sa garden ng school namin. Wala lang. Trip ko lang tumambay dito sa garden. Ang boring kasi eh. Si Jugs pala pumuntang Korea kahapon. Sinundan si Jacee. Things you do for your love nga naman. Si Rain? Ayun! Nagdodota. Vacant namin ngayon eh. 2 and a half hours yung vacant namin kasi absent yung next prof namin. Kaya ayun nagdodota na naman. Since elementary, ang hilig na talaga niyan sa computer games. Nakakainis nga eh! Minsan, nawawalan na ng oras sakin dahil sa dota.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


♫♪ If you wanna know here it goes gonna tell you this the part of me that'll show if you're close gonna let you see everything, but remember that you asked for it ♫♪


Tumunog ang phone ko at natuwa ako nang nakita ang pangalan na tumatawag sa screen ng phone ko.


"Hello?"


"Ella bebe ko?" 


Shempre pabebe muna tayo. Kunware nagtatampo ako.


"Sige na, mag laro ka lang ng dota diyan. Yan naman mas ikinasasaya mo diba? Diyan ka na---"


"Pfft. Nagtatampo ba ang bebe ko?"


"Bebe your face. At may gana ka pang tumawa ah?"


"Bebe naman, wag ka na magtampo. Sorry na oh."


"Ewan ko sayo. Nakakainis ka."


"Sorry na kasi bebe. Minsan lang naman ako mag laro ng dota---"


"MINSAN? WOW AH! ANG THREE TIMES A WEEK PALA SAYO AY MINSAN LANG! GALING MO RIN EH!"


"B-bebe masakit sa tenga."


"Che! Diyan ka na nga!"


Binaba ko na yung tawag kasi nakakainis talaga siya. Bahala siya! Dun siya sa dota niya! Yun na ang mahalin niya! Makapunta na nga sa room. Naiinis talaga ako sakanya. Lagi na lang siya nagdodota. Mas konti na ang babe time namin dahilsa pag dota niya! Pag punta ko sa room, tinatry kong buksan yung pinto pero nakalock. Ang OA naman ng mga kaklase ko! Di naman niyan lalabas yung lamig ng aircon eh! Kelangan pa talaga ilock?

Best Friends or Best Lovers (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon