Epilogue:

4.5K 92 68
  • Dedicated kay to all my readers ★
                                    


EPILOGUE:


Jugs' POV


Akalain niyo yun, 2nd year college na ako. Nakayanan ko ng isang taon na wala si Jacee sa tabi ko. Araw araw naman kami nag uusap pero araw araw ko din siya namimiss. At hindi pa siya isang linggo sa korea nun eh sinagot niya na agad ako. Shempre sobrang saya ko nung sinagot niya ko kahit LDR kami, pinadalhan ko siya ng regalo. Halos every monthsary namin amp korni na kung korni pero wala eh mahal ko. Ang dami na din nangyari sa isang taon na yun. Lumago na din ang business namin at si Ate Julien ang pinapamanage nila mama at papa. Si Kuya Ivan naman graduate na din at shempre sila pa din ni Ate Julien. Gusto ko talaga siya maging brother-in-law eh. Si Ate Mikee at Kuya Jay naman, engaged na! Ang alam ko ngayong taon daw ang kasal nila eh.


Ang barkada naman, magkakasama pa rin. Iba iba kaming course pero nasa iisang school pa rin kami. Si Marlon at Carlos lang ang napahiwalay saamin. Lumipat na sila sa Shinhan para makasama sila Jane at Pauline. Iba talaga nagagawa ng pagmamahal. Yung mga couples naman sa barkada staying strong pa din maliban kay Jane, Marlon, Jason at Tati. On and off si Jason at Tati pero alam namin na magkakabalikan din yun. Sila Marlon at Jane naman, ayaw din kasi saamin sabihin ni Marlon kung bakit di sila okay ni Jane pero baka magkaayos lang din naman sila. Si Mai tumigil muna sa pag aral kasi nagmemedicate siya at salitan kami sa pagbisita sakanya sa hospital. Si Jan at Lyka naman, ayun nasa ligawan stage na. Nililigawan na din ni Jan si Lyka. Buti na lang narealize ni gago na deserve naman nila ni Lyka ang isa't isa.


Business administration major in Financial Management pala ang kinuha kong course. Gusto ko din kasi makatulong sa business namin pagkagraduate ko ng college at para pareho kami ni Jacee ng course. Sabi niya kasi Business Ad din daw ang kinuha niyang course kasi gusto niya magbusiness. Shempre supportive best friend ako slash boyfriend ni Jacee!


"HOY JUGS TAMA NA PAGMUNI MUNI! 1ST DAY OF EXAMINATION TAS MALALATE KA!" -Kuya Ivan


"JUGS! NAKAHANDA NA YUNG ALMUSAL! BUMABA KA NA!" -Ate Julien


"OPO! BABABA NA!" 


Bumaba na ako ng dining room at umupo na.


"Jugs! Ayusin mo exam mo. Wag kang boploks during exam niyo." -Kuya Ivan


"Wow Kuya Ivan. Nagsalita ang hindi naboboploks sa exam nung 2nd year college siya!"


"Hahahaha at least graduate na!" -Kuya Ivan


"Hoy hoy hoy. Kumain na kaya kayo diyan. Pag umpugin ko kayong dalawa diyan eh." -Ate Julien


"Sorry Ate Julien."


"Sorry labs hehe." -Kuya Ivan


"Nga pala Jugs, eto yung susi ng kotse mo. Mag ingat sa pagdrive ha. Sasapakin kita pag nagasgasan mo kotse mo." 


"Oo naman Ate Julien. Baka nga mag one year to na walang gasgas eh. Ako pa! Galing ko kaya mag maneho!"

Best Friends or Best Lovers (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon