CHAPTER FIFTEEN:
Jugs' POV
Buong araw ko pinagisipan kung dapat ko bang tanungin si Jacee kung nagkabalikan ba sila ni Jan o ano. Halos di na nga ako nakinig sa klase eh. Kaya pagkatapos ng klase, pumunta muna ako ng coffee shop at bumili ng kape. Baka sakaling marelax yung utak ko pag uminom ako ng kape. Pagkatapos ko bumili ng kape, umuwi na ako para makapagpahinga na. Pero di ko inaasahan ang maaabutan ko sa labas ng bahay namin. Pinark ko na ang sasakyan ko at dali daling bumaba.
"Jacee? Bat ka nandito?"
"Jugs pwede ba tayo magusap?"
Napahigpit ang hawak ko sa kape ko pagkatanong nun ni Jacee. Bakit niya ko gusto makausap? Alam niya na kayang may gusto ako sakanya? Masyado ba akong halata?
"O-oo naman. Tara sa loob."
Binuksan ko na ang gate at pumasok na kami ng bahay. Nilapag ko muna ang kape at bag ko sa mesa habang umupo naman si Jacee sa couch. Umupo naman ako sa tabi ni Jacee.
"Ano pala ang gusto mong pag usapan? Mukhang seryoso yan snorlax ah."
"Di naman ganun kaseryoso mokong. Ata hehe."
Naiilang na tumawa si Jacee kaya mas lalo akong kinabahan sa mga sasabihin niya.
"Ano ba yung gusto mong pag usapan?"
"K-kasi ano..."
"Ano?"
"I've decided na sayo ko to unang sasabihin kasi ikaw ang best friend ko."
Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Jacee.
"Pasuspense ka pa snorlax. Sabihin mo na kasi. Ano ba kasi yun?"
Wag. Wag mo ituloy---
"I gave Jan another chance."
Sabi ko na wag eh.
"H-ha?"
"Nag usap kami. He apologized and asked for another chance."
"At pinagbigyan mo siya?"
"Everybody deserves a second chance---"
"Chance para ano? Saktan ka niya sa pangalawang beses? Mambabae siya sa pangalawang beses?"
"I don't want to think of it that way. He cried and knelt in front of me. Naramdaman ko naman yung sincerity niya eh. Kaya pinagbigyan ko siya. But I told him that was the last chance---"
BINABASA MO ANG
Best Friends or Best Lovers (REVISED)
Fiksi RemajaA best friend is a person who you love and value above other friends in your life. What if you fell in love with your best friend? Is friendship worth risking in exchange for love?