Chapter 21

143 0 0
                                    

"BETH!"

Tinatawag niya ko pero ayokong lumingon kaya napapikit na lang ako habang tinatakpan ang tainga ko hanggang sa...

"Aray!"

At dahil nga sa nakapikit ako, nakabangga ako ng tao. ang engot lang.

"Okay ka lang?"

"Sorry sorry, sorry talaga hindi ko sinasadyang banggai.."

Totoo ba to? Si Renzo... Si Renzo nasa harapan ko. Ang taong nabangga ko ay walang iba kung hindi si Renzo...si Renzo Matt Hernandez..

"Okay ka lang Beth? Bakit parang nagmamadali kang maglakad kanina? Nakita ko kayong magkasama ni Jake kani-kanina lang, may nangyari ba?"

"Huh ah eh"

Napatingin ako sa likod ko, nandoon pa din si Jake.. sa lugar kung saan tinakpan niya yung mga mata ko.. sa lugar kung saan nakaramdam ako ng kaba... im confused.

Napatingin ako kay Renzo, nakatingin pa rin siya sa akin. Naghihintay ng sagot sa tanong niya.

"Ah eh.. wala sige mauuna na ko"

Tumakbo na ko papuntang gym.. grabe anong nangyayari.

SA GYM

Umupo muna ko sa bleachers. Grabe hinihingal ako kakatakbo. Time Check. 6:55AM na... 5 minutes na lang start na ng first subject ko. Pero wait kailangan ko munang habulin ang hininga ko, napagod ako.. kakatakbo.. ang bilis pa din ng tibok ng puso ko.

"Ang bilis pa din ng tibok ng puso ko.. dahil ba to sa nangyari.... hindi hindi! tumakbo kasi ako kaya ganito.. pero ang weird talaga eh..."

~ It's going down, I'm yelling timber. You better move, you better dance ~

Biglang nagring yung phone ko.

"Hello?"

"Hoy Beth nasaan ka na? 3 minutes na lang magstart na yung klase. Pumunta ka na dito"

"Ah oo sige"

Binaba ko na yung phone ko. Handa na ba ako? Handa na ba akong makita si Renzo? si Jake? Handa na ba akong maalala ulit yung nangyari kani-kanina lang? Handa na ba talaga ako? O handa na akong magcutting class? HAYYY EWAN! Makapasok na nga ng first subject.

Pumunta na ako sa room namin. Pagkapasok ko ng room wala pa yung prof. Naupo na ko sa upuan ko. Binato ako ng maraming tanong ni Anne pagkaupo ko pa lang.

"Hoy saan ka galing? Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang muntik ka ng malate? Nasaan ka kanina? Kanina pa kita tinetext pero hindi ka naman sumasagot? Anong nangyari sayo? Dahil ba to sa nangyari kahapon? Yun kay Celine? Okay lang yun ano ka ba.. kakausapin na lang namin siya ni Marie kaya wag ka ng mag-alala dyan. Mamaya pun...."

Hindi ko na naiinitindihan yung mga sinasabi ni Anne. Nagblack out na ata yung utak ko. Napatingin ako kay Renzo.. Nakita kong nakatingin din siya sa akin kaya umiwas agad ako ng tingin. Napatingin naman ako sa may kaliwa.. kung saan nakaupo si Jake.. napatingin ako sa kanya, at nakita kong nakatingin din siya sa akin kaya umiwas ulit ako ng tingin.. ANO BA TO TITIGAN FACTOR?! Mababaliw na ko sa mga nangyayari ngayon. CAN SOMEONE HELP ME!

HAYSSS. gulong gulo na ko sa totoo lang.. SI RENZO ANG GOAL KO KAYA AKO NANDITO SA SECTION NA TO,,. PERO BAKIT SI JAKE ... BAKIT NAIISIP KO SI JAKE SA TUWING NAIISIP KO SI RENZO?? BAKIT NAAALALA KO SI JAKE SA TUWING MAKIKITA KO SI RENZO?? BAKIT?! T_T

999999999999999999999999999999999999999999999999999999999999

21th Chapter ^_^ .. hope you like it guys..

Dont forget to VOTE :))))))))))))))

Leave your comments below.

#SheenaDC

 TSK TSK.. LANDOT. LANDI + HAROT

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon