THALIA'S POV
Naamin ko na... naamin ko na kay Renzo kung sino talaga ako.. naamin ko na ang totoo.
"Renzo ako si Beth.."
Yinakap ako ni Renzo pagkatapos kong sabihin yun. Yinakap niya ko ng mahigpit sabay bulong..
"Sa wakas inamin mo din"
Nagulat ako sa sinabi ni Renzo. Napabitiw ako sa pagkakayakap niya.
"Anong ibig mong sabihin Renzo?"
"Matagal ko ng alam ang tungkol dyan"
"Pero kailan pa?"
"Naalala mo nung pumunta ako sa condo mo, nakita ko yung photo album.. nakita ko yung picture nating dalawa"
"Bakit hindi mo man lang sinabi sakin na alam mo na pala?"
"Dahil gusto kong malaman kung bakit kailangan mong itago sakin ang pagkatao mo, gusto kong malaman kung bakit mo ko iniwan, kung bakit hindi ka man lang nagparamdam, kung bakit bigla na lang nagiba lahat."
"Im sorry.. Im sorry Renzo.. sorry kung iniwan kita noon ng walang pasabi, sorry kung hindi ko sinabi sayo ang tunay kong pagkatao, sorry sa lahat Renzo,sorry"
"Bakit Thalia, bakit mo ko iniwan six years ago"
"Kasi natatakot ako"
"Natatakot saan?"
"Natatakot ako kung hanggang saan tayo dadalhin ng nararamdaman natin sa isat isa, natatakot ako na baka hindi pala talaga tayo ang nakatadhana.."
"Diba sinabi ko naman sayo na kakayanin natin ang lahat basta ang mahalaga magkasama tayo"
"Oo Renzo, yun din ang akala ko pero nagiba ang lahat nung sunud sunod na yung mga problema na hinarap natin, hindi ko na kayang makitang may nasasaktan pa, hindi ko alam kung kakayanin ko pa kapag nagpatuloy pa tayong ganito"
"Pero Thalia minahal kita! Minahal kita ng sobra!"
"Minahal din kita Renzo, sobrang minahal kita kaya ko nagawang iwan ka dahil ayoko ng masaktan ka pa"
"Pero mas nasaktan ako nung iniwan mo ko, anim na taon Thalia! anim na taon kong tinanong ang sarili ko kung saan ako nagkulang, kung ano ang dahilan kung bakit kailangan mo kong iwan?!"
"Renzo..."
Tumulo na ang luha sa mga mata ni Renzo. Hindi ko na rin kinaya ng makita kong lumuluha na si Renzo.. Pinunasan ko yung luha ni Renzo sabqy hawak sa pisngi niya.
"Sorry Renzo, sorry sa lahat"
Yinakap ko si Renzo para icomfort siya. Alam kong huli na para humingi ng sorry dahil anim na taon siyang nasaktan dahil sa naging desisyon ko. Bumulong ako kay Renzo habang yakap ko siya.
"Alam kong huli na para humingi ng sorry, alam ko ring huli na rin para aminin sayo kung ano ang nararamdaman ko pero sana Renzo, sana maging masaya ka, sana makalimutan mo ang anim na taong sakit na idinulot ko..."
Tinanggal ko na ang mga kamay ko sa pagkakayakap kay Renzo. Tinitigan ko si Renzo sa mga mata niya.
"Closure.. sa loob ng anim na taon ito ang kulang satin.. at ngayon, masasabi ko ng handa na tayong harapin ang buhay ng hindi magkasama.. salamat sa oras, ala ala, at pagmamahal.. at dahil ikinasal ka na ngayon.. sana maging masaya ka sa piling niya, sana mapunan niya ang mga pagkukulang ko sayo noon.. thank you Renzo and... and goodbye"
![](https://img.wattpad.com/cover/3111949-288-k86245.jpg)
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomansaFirst Love. Lahat naman tayo may first love diba? Paano nga ba natin masasabi na siya na nga talaga ang first love natin? Kapag siya na lang lagi ang nakikita natin? Kapag siya na lang lagi ang bukambibig natin? Kapag kahit sa pagtulog siya ang lama...