Chapter 31

115 1 0
                                    

Matutulog na dapat ako nung araw na yun ng biglang may kumatok sa gate namin.

"BETH!! BETH!!! LUMABAS KA DYAN! KAUSAPIN MO KO!!!"

Biglang nagising diwa ko. DA WHO!? DA WHO ITONG KEMBERLU NA NAMBUBULABOG NG GATEWAY KO. AT HINAHANAP AKECH. LOL. Lumabas ako para tingnan kung sino yung nambubulabog sa labas, pagbukas ko ng gate..

"Anong ginagawa mo dito?"

"Beth! Beth! gusto kitang kausapin"

Bigla niya akong yinakap nung nakita niya ko.

"Nakainom ka ba? May problema ba?"

"Beth sabihin mong mahal mo ko"

Nabigla ako sa sinabi niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto kong kumawala sa nararamdaman ko.

"Ano bang pinagsasabi mo dyan?"

"Beth, sabihin mong mahal mo din ako kasi ako.. sobrang mahal kita. sobra.."

"Tama na, lasing ka lang.. mabuti pang umuwi ka na"

"Beth seryoso ako, seryoso ang nararamdaman ko sayo"

Hindi ko na talaga alam kung anong nangyari,, at syempre hindi niyo rin alam kung ano rin ang nangyayari kasi hindi ko pa binabanggit kung DA WHO ITONG LASING NA ITECH. Well eto na, sasabihin ko na..kaya eto na, sasabihin ko na para matapos na at hindi na magka-chismisan pa, sasabihin ko na para wala nang problema at para hindi na rin kayong lahat nabibitin pa. MAHAL KITA PERO DI MO LANG ALAM, MAHAL KITA PERO DI MO LANG RAMDAM...   LOLOLOLOLOLOLOLOLOLOLOLOLOLOL SOUNDS FAMILIAR BA? GANDA NG KANTANG YAN PROMISE! HAHAHA ANYWAYS BACK TO THE STORY.

"Renzo umuwi ka na"

"Beth, pakinggan mo muna ang mga sinasabi ko sayo"

"Renzo..."

Ng bigla siyang hinimatay.

"Renzo? Renzo! Okay ka lang ba? Ano ba naman kasi yan, iinom inom ka hindi mo naman pala kaya!"

Pinasok ko muna siya sa dorm kasi ayoko namang iwan lang siya sa labas ng nakahiga baka mapano pa siya dyan. Kinarga ko muna siya sa likuran ko hanggang sa pinahiga ko muna siya sa kama. WAG KAYONG MAGIISIP NG MASAMA! NAKA-DORM LANG AKO SORRY WALANG SALA HAHAHA XD. Kumuha ako ng mainit na tubig at pamunas. Habang pinupunasan ko siya, bigla siyang nagsalita.

"Mahal kita, Beth... mahal kita"

"Tss, ayos ah. Tulog na't lahat lahat yan pa din topic mo?"

"Wag mong hawakan ang kamay niya"

Napahinto ako sa sinabi ni Renzo, tulog na't lahat lahat.. nagagawa pa rin niyang sabihin kung anong gusto niyang sabihin.

"Hays Renzo... hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sayo.. bakit ba lagi ka na lang sumusulpot kung kailan gusto ko ng kalimutan ka. Nakakatawa talaga ang tadhana, yung taong pinapangarap mo noon, mahal ka na ngayon ang kaso hindi naman kayo pinapayagan ng tadhana na magmahalan.. kung alam mo lang talaga Renzo.. kung alam mo lang kung anong effort yung ginawa ko para lang makasama ka.. nakakainis lang isipin na mapupunta lang sa wala yung effort ko dati.. kung pwede lang kitang mahalin edi sana hindi ka nasasaktan ng ganyan.. edi sana hindi ko niloloko ang sarili ko at pinipilit ang puso ko na hindi kita mahal.. edi sana tayo na ngayon.. ang saya siguro ng feeling ng ganon noh? sana kahit sa panaginip lang mangyari yun.. yung tayong dalawa lang,, walang ibang hahadlang, walang ibang huhusga, walang ibang magdedesisyon kung hindi tayong dalawa..."

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon