"Giniginaw ka ba?" tanong ni Jake sa akin.
"Hindi, okay lang ako" ^_^
Maya-maya napansin kong nilagay ni Celine ang ulo niya sa balikat ni Renzo. Medyo strike two na tong babaeng to ah. At gustong gusto mo naman Renzo , letse ka! Humanda ka sakin!
"Ah Jake, giniginaw ako" sabi ko habang pinapakita na parang giniginaw talaga ako.
"Ganon ba?" sabi naman ni Jake sabay akbay sakin.
Nilagay ko rin yung ulo ko sa balikat ni Jake, para fair! kala mo ikaw lang! HMP! Nakita kong napatingin sa amin si Renzo, at I swear nagseselos siya. HAHAHAHAHA MISSION ACCOMPLISHED! asdfghjkl!
"Celine giniginaw ka ba?"
"Huh? Uhmmm. Medyo"
Napatingin ako sa kanila nung marinig ko si Renzo ng tanungin niya si Celine. AT ABA NAMAN! Inakbayan ni Renzo si Celine!! GAYA GAYA! TAE akala mo dyan! HUMANDA KA TALAGA SAKIN!
"Jake, nilalamig ka rin ba?"
"Ako? okay lang ako basta wag ka lang lamigin"
"Tss, sira ka talaga, patingin nga ng mga kamay mo"
"Bakit?"
"Basta" sabi ko sabay kuha nung kamay ni Jake.
"Hindi ka pala nilalamig ah! Baliw ka talaga, anlamig lamig na ng kamay mo oh"
Hinawakan ko yung kamay ni Jake, to put this in a simple way, MAGKAHOLDING HANDS KAMI! HAHAHAHAA ANO KA NGAYON RENZO! AKALA MO HA!
Tinignan ako ni Renzo na para bang nagseselos na naiinis na ewan. Natapos ang movie ng naka-akbay sa akin si Jake habang hawak ko ang kamay niya at nakalagay pa din ang ulo ni Celine sa balikat ni Renzo. After makalabas nung mga tao sa sinehan, lumabas na din kaming apat.
"Grabe ang ganda nung movie!" sabi ni Celine
"Nag-enjoy ka ba?" tanong ni Renzo.
"Syempre naman! Basta ikaw ang kasama, masaya ^_^"
TSSSSS, SAMPALIN KAYA KITA BACK AND FORTH PARA MAGISING KA SA KATOTOHANANG MASAYA KA DIN NAMAN PAG KASAMA MO KAMI NILA MARIE AT ANNE! tssss
"Wow naman, magkaholding hands na sa sinehan, hanggang paglabas hawak kamay pa din, ang tamis ah baka langgamin na kayo dyan!"
Hindi ko napansin na hawak ko pa rin pala yung kamay ni Jake. Nawala sa isip ko sa sobrang focus ko sa kung anong susunod na paglalandian ang gagawin nila Celine at Renzo.
"Ahh, haha ang sweet nga nyan ni Beth, ayaw niya kasi akong pakawalan kaya ganyan"
"Hoy letse ka Jake, anong pinagsasabi mo dyan" sabi ko sabay bitaw sa kamay niya pero kinuha ulit ni Jake yung mga kamay ko.
"Nagbibiro lang ako ^_^ saan mo gusto kumain"
Nagulat ako sa paghawak ni Jake sa kamay ko, napatingin ako kay Renzo. Nakatingin lang siya sa mga kamay namin ni Jake.
"Ah Jake, mauuna na kami ni Celine baka naman masyado na kaming nakakaistorbo sa date niyo, nakakahiya naman" sabi ni Renzo na parang may inis sa tono niya.
"Hoy hindi pre ah! diba nga double date tayo, tara na kain na lang tayong apat"
"Oo nga naman Renzo, tara na. Hayaan mo silang magmoment nila Beth, magmoment na lang din tayo habang nagdodouble date with them ^_^"
ABA TALAGA NAMAN! PIGILAN NIYO KO PLEASE, kung hindi ko lang kaibigan to matagal ko ng sinapak to.
Pumunta na kami sa may Max's Restaurant para magdinner. After naming kumain, nagsi-uwian na kami.. hinatid ako ni Jake sa bahay ko samantalang si Celine.. well siguro hinatid din siya ng date niya sa kanila. Mukhang nag-enjoy ang bruha tss.
End of Chapter 30

BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
Любовные романыFirst Love. Lahat naman tayo may first love diba? Paano nga ba natin masasabi na siya na nga talaga ang first love natin? Kapag siya na lang lagi ang nakikita natin? Kapag siya na lang lagi ang bukambibig natin? Kapag kahit sa pagtulog siya ang lama...