Chapter 37

116 3 0
                                    

"Beth"

Lumabas na ng clinic si Jake.

"Okay ka na ba?"

"Oo, yelo lang katapat nito tapos mawawala din yung maga"

"Pasensya ka na, nadamay ka pa sa gulo ko"

"Wala yun, diba sabi ko naman sayo. Basta pag kailangan mo ko, tawagin mo lang ako at darating ako :)"

"Salamat Jake ^_^ , buti na lang talaga nandito ka para tulungan ako"

"Ayoko ng nakikita kang nasasaktan, ayoko ng nakikita kang umiiyak, ayoko ng nakikita kang nag-iisa.. gusto ko lagi ka lang masaya. gusto kong makitang masaya ang taong mahal ko"

Nabigla ako sa sinabi ni Jake. Hindi naman sa hindi ko alam na may nararamdaman siya para sa akin pero hindi ko lang talaga kayang suklian ang pagmamahal niya lalo pa't mahal ko pa rin si Renzo. Mahal ko pa rin yung taong niloko lang ako. Aba matinde! Ang tanga mo pa din Beth. -_- . Siguro nga hindi makakabuti kung mananatili pa ko dito, siguro tama si kuya, siguro kailangan ko ng bumalik, siguro kailangan ko ng magsimula ng bagong buhay, siguro...

"Beth? Beth? Naririnig mo ba yung sinasabi ko?"

"Huh?"

"Ang sabi ko uwi na tayo, ihahatid na kita sa inyo"

"Ah.. nako wag na Jake, mabuti pa umuwi ka na at magpagaling"

"Ihahatid muna kita"

"Wag na, mas lalo lang akong mag-aalala pag hindi ka pa dumiretso sa inyo para magpahinga"

"Sigurado ka ba? Kaya mo na bang mag-isa?"

"Oo naman! Ako pa! Malakas ata to ^_^"

"Hahaha, sige sige magkita na lang tayo bukas ah"

"Sige sige mag-iingat ka"

"Mag-iingat ka din Beth"

Umuwi na ko para makapagpahinga na din, ng nasa tapat na ko ng gate ng bahay ko, nakita kong naghihintay dun si Renzo. May dala siyang mga bulaklak.. Hindi ko maintindihan pero hindi ko mapigilang maging masaya sa tuwing nakikita ko si Renzo.

"Anong ginagawa mo dito"

"Beth"

Binuksan ko na yung gate para pumasok pero pinigilan ako ni Renzo.

"Beth mag-usap tayo"

"Renzo..."

"Beth sige na, bigyan mo ko ng kahit limang minuto para magpaliwanag"

"Ayoko. Umalis ka na"

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ko kinakausap"

"Bahala ka dyan"

Pumasok na ko sa bahay at nagpahinga. Time check 10:30 PM. Naalimpungatan ako sa pagriring ng phone ko.

"Hello?"

"I have booked your flight, it's Saturday, 8:00 in the morning so you have until tomorrow"

"But oppa"

"I told you this is for your own sake"

"Oppa.."

"I know you're not ready to leave the Philippines but if you stay there for a week or two, you might hurt yourself even more"

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon