"Beth!" sigaw nung lalaking kumakaway sakin habang papasok ako ng Mcdo.. Si Jake. Halatang masaya siya na binigyan ko siya n pagkakataon para kausapin ako.
"Uy Jake, kanina ka pa ba?"
"Medyo lang, mabuti naman pumayag ako ngayon"
"Oo naman, para ito lang naman eh"
"Siya nga pala, ano gusto mong kainin? Gusto mo ba ng burger? Coke float? ano?"
"Kung ano order mo ^_^"
"Sige oorder lang ako ah ^_^"
Habang hinihintay ko si Jake, nakita ko si Renzo na naglalakad sa kabila ng kalsada. Tumatawa habang nakikipagkwentuhan.. Tinignan ko kung sinong kasama niya.. Napahinto ako nung malaman ko kung sino yung kasama niyang maglakad..
Si Celine.
"Ah, hahaha maganda yan, perfect match silang dalawa, problem solved, hindi ko na kailangang problemahin pa ang mararamadaman ni Celine.. dahil... dahil... dahil masaya naman silang dalawang magkasama..."
"Ta-da! ito na yung order mo" habang ibinababa niya yung tray.
"Okay ka lang ba Beth? May problema ba?"
"Huh? Ako? Nako wala, tara kain na tayo"
"Ayan, kumain ka ng ice cream, alam mo ba, kapag malungkot ka, makakabuti sayong kumain ng matamis para naman mag-iba yang mood mo"
Napahinto ako sa sinabi ni Jake. Naalala ko yung sinabi sa akin ni Renzo nung nasa park kami.
"Alam mo ba na magandang kumain ng matamis kapag malungkot ka"
"Alam mo ba na magandang kumain ng matamis kapag malungkot ka"
"Alam mo ba na magandang kumain ng matamis kapag malungkot ka"
"Alam mo ba na magandang kumain ng matamis kapag malungkot ka"
"Alam mo ba na magandang kumain ng matamis kapag malungkot ka"
Nagflashback yung mga nangyari nung araw na yun. Kung gaano kami kasaya. Kung gaano namin na-enjoy yung araw na yun ng magkasama. Napangiti ako habang binabalikan yung mga ala-alang yun.
"Woah! Hindi ko alam na ganun pala kaeffective ang ice cream"
"Huh?"
"Hindi mo pa nakakain yung ice cream ngumingiti ka na eh"
"Ah.. salamat ah"
"Salamat Beth"
"Para saan naman?"
"Salamat kasi pumayag ka na samahan ako ngayon, akala ko iiwasan mo din ako tulad ng ginawa mo kanina"
"Huh? Kanina? Ahhhhh, nako may naiwan lang ako sa ano kaya ako nagmadali kanina"
"Beth, pwede ka ba this Saturday?"
"Saturday? teka kikidnapin mo nanaman ba ako?!"
"HAHAHA, hindi ah! kaya nga ako nagpapaalam sayo ngayon eh, yayayain sana kitang manuod ng movie, kung okay lang sayo"
Napaisip ako sa offer ni Jake.. naalala ko nanaman yung naalala ni Anne. PAULIT ULIT?! HAHAHA
"Isipin mo kung anong mararamdaman ni Celine, para sakin mas mabuti pa kung kakalimutan mo na lang si Renzo... bakit hindi mo subukang mahalin si Jake?"
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomansaFirst Love. Lahat naman tayo may first love diba? Paano nga ba natin masasabi na siya na nga talaga ang first love natin? Kapag siya na lang lagi ang nakikita natin? Kapag siya na lang lagi ang bukambibig natin? Kapag kahit sa pagtulog siya ang lama...