Hindi pa rin ako susuko hanggang sa mapatawad ako ni Beth. Naghintay pa rin ako sa labas ng bahay nila hanggang sa umuulan na. Ilang oras na akong naghihinty dito. Ng biglang nagbukas ang gate nila Beth. Sobang nanghihina na ako dahil sa sobrang ginaw.
"Anong ginagawa mo pa din dito?! Ano ka ba! Nababasa ka na ng ulan oh!"
"Hindi ako aalis dito Beth hangga't hindi mo ko pinapayagang magpaliwanag"
"Renzo mabuti pang umuwi ka na, baka magkasakit ka pa nyan oh!"
Hindi ko na alam kung anong nangyari dahil bigla ng nagdilim ang paningin ko, pag-gising ko nasa loob na ko ng bahay ni Beth. Nakangiti siya sakin.
"Good Morning"
"Beth"
"Nagugutom ka ba? Teka kukuha lang ako ng pagkain, wag ka munang tumayo.. may sinat ka pa"
Tumayo ako para yakapin si Beth, sobrang namiss kong mahagkan ulit si Beth. Sobrang namiss ko ang mga ngiti niya, ang malambing niyang boses, sobrang namiss ko si Beth ^_^.
"Im sorry, Im sorry Beth.. Hindi ko talaga ginusto yung nangyari sa Science room, bigla na lang akong hinalikan ni Celine. Promise walang kahit na ano samin, sana paniwalaan mo ko"
"Naniniwala ako ^_^ , wag ka ng magworry dyan, magbreakfast na lang tayo"
"Talaga? Naniniwala ka na sakin?"
"Oo, naniniwala ako sayo Mr.Matt Renzo Hernandez :)"
"Yes! so okay na tayo? Pwede na tayong bumalik sa dati? YES! Pwede na tayong kumain ulit ng sabay, magreview ng sabay, maglakad ng sabay, magdate, magkulitan, magkwentuhan.."
"Tara, magbreakfast na tayo Renzo"
Habang kumakain kami, hindi ko mapigilang magkwento, magtanong at magsabi ng kung ano anong bagay, ganito siguro talaga pag sobrang namiss mo ang isang tao.
"Anong gusto mong gawin natin ngayon? Gusto mo bang mamasyal? O kumain sa labas? Magice- skating kaya tayo, O kaya bili tayo ng mga damit, yung couple shirt ^_^ , gusto mo bang sumakay tayo ng mga rides? Magzipline kaya para maiba naman. O gusto mo bang magswimming na lang tayo, mag-outing tayo. Magpicnic.Manuod ng sine. Ma..."
"Hahahaha, ang dami mo namang gustong gawin, marami pa namang ibang araw eh, ganito na lang. Ano ba ang pinakagusto mong gawin natin?"
"Hmmm, gusto kong pumunta ng simbahan kasama ka, tapos mangangako tayo sa isa't isa na kapag nasa wastong edad na tayo papakasalan kita at wala ng makapaghihiwalay sating dalawa, pero dahil masyado pa tayong bata para dun gusto kong ipakita kay God kung sino yung taong gusto kong makasama panghabambuhay at hihilingin ko sa kanya na tulungan niya kong wag kang maagaw ng ibang tao :)"
"Ganon ba?"
"Umiiyak ka ba?"
"Huh? Hindi, masaya lang akong marinig yan galing sayo :)"
"Wag ka ng umiyak ^_^ mabuti pang magready ka na tapos magkita na lang tayo malapit sa simbahan, uuwi muna ko para magpalit ng damit. Hihintayin kita dun ah, bilisan mo ^_^"
"Sige sige"
Umuwi na ko samin para maghanda, gusto kong maging presentable. Gusto kong ikasal kami ni Beth ngayon kahit hindi pa totoong kasal, ang mahalaga makakasama ko si Beth ngayon sa altar.
Pumunta na ko sa meeting place, napaaga ata ako sa sobrang kaba. Nagdala ulit ako ng bulaklak para mukha talaga kaming ikakasal ^_^.
"Renzo!"
Napatingin ako kay Beth, sobrang ganda niya. Natameme ako habang papalapit na siya.
"Huy! Wala ka man lamang bang sasabihin sakin?"
"Huh? Ah haha, hi Ms. Elizabeth Bianca Garcia.. will you be my unofficial wife?"
"Hahahaha, I will Mr. Matt Renzo Hernandez ^_^"
Pumasok na kami ng simbahan ni Beth. Kinakabahan ako pero napakasaya ko dahil kasama ko si Beth ngayon at okay na kami. Ito na ata ang pinakamasayang araw.
"Beth"
"Hmm?"
"I will love you... forever :)"
"I will also love you Renzo.. forever ^_^"
"God, ito nga pala si Elizabeth Bianca Garcia, ang babaeng mamahalin ko habambuhay"
"God, huwag niyo pong pababayaan si Renzo. Mahal na mahal ko po tong taong to"
"Para namang mawawala ka nyan, hinahabilin mo na ko kay God"
"Huh? hmmmm."
"Bakit?"
"Renzo, I love you, kahit anong mangyayari.. lagi lang akong nasa tabi mo.. wag mong kakalimutang gawin yung homework mo pag kauwi mo ng bahay, wag kang kain ng kain ng matamis, uminom ka lagi ng tubig, tumingin ka sa dinadaanan mo lagi para wala kang mabangga, pag malungkot ka, sumakay ka lang sa mga rides, wag na kayong mag-aaway ni Jake, wag ka ng magpapaulan.. lagi mong..."
"Beth? okay ka lang ba?"
"Basta lagi mong tatandaan Renzo, nandito lang ako lagi" sabay turo sa puso niya.
"Alam ko :) wag ka ng umiyak dyan, alam ko namang hindi mo ko iiwan eh"
Yinakap ako ng mahigpit ni Beth. Kinabahan ako sa mga sinabi ni Beth, parang may mali. Hindi ko maiwasang magduda pero pinilit ko na lang kalimutan ang lahat dahil ang mahalaga magkasama na ulit kami ni Beth at wala ng makapaghihiwalay pa ulit sa aming dalawa.
.
KINABUKASAN
Bigla akong naalimpungatan sa pagring ng phone ko.
.
"Hello?"
"Hello Renzo"
"Sino to?"
"Si Jake to, may kailangan kang malaman.."
.
Nagmadali ako papunta sa airport. Kung ganon kahapon nagpapaalam na pala sakin si Beth, Ang tanga ko! Hindi ko man lamang napansin yun. Sinubukan kong tawagan si Beth pero hindi ko siya macontact.
"Wag mo kang aalis Beth, sabi mo hindi mo ko iiwan"
Nagmadali na ko papasok ng airport. Tumakbo na ko kung saan saan, hinanap ko si Beth kung saan saang parte ng airport pero.. pero huli na ang lahat, wala na siya dito.. iniwan niya nako. Hindi ko na napigilan si Beth sa pag-alis...
.
End of Chapter 41
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomantizmFirst Love. Lahat naman tayo may first love diba? Paano nga ba natin masasabi na siya na nga talaga ang first love natin? Kapag siya na lang lagi ang nakikita natin? Kapag siya na lang lagi ang bukambibig natin? Kapag kahit sa pagtulog siya ang lama...