SATUR-DATE
"Gusto mo ba ng popcorn? o fries?"
"Kahit popcorn na lang"
"Sige hintayin mo ko dito, bibili lang ako"
"Sige ^_^"
Nandito na kami sa labas ng cinema 5 para manuod ng THE AMAZING SPIDERMAN ni Jake. Anong nararamdaman ko sa date namin ngayon ni Jake?? Syempre masaya... excited na parang hindi ko maintindihan.. Sinusubukan kong ituon ang lahat ng atensyon ko kay Jake para naman makalimutan ko na ng tuluyan si Renzo.
"Beth?"
"Oh, ang bilis mo ng bumili ng popco..."
Speaking of.. Hindi ako makapaniwala na nandidito rin siya, nandito mismo siya at nasa harapan ko pa. Ang taong gusto ko ng kalimutan at pilit ko ng iniiwasan.. Nandito siya.. nandito si Renzo.
"Anong ginagawa mo dito Beth?"
"Ha? Ako? Uhmmm, ano kasi eh.. hmm.. manunuod ako ng movie"
"Ahh, ako din eh, cinema 5 ka ba?"
"Oo"
"Nako tamang tama pareho tayo, sino nga pala kasama mo?"
"Ha? Ah.. eh"
"Beth okay lang ba ang barbeque flavor? Ubos na kasi yu.. O anong ginagawa mo dito ngayon pre?"
"Jake? Ikaw yung kasama ni Beth?"
"Ako? Oo. May date kami ngayon ni Beth eh"
O_____________________O Naguguluhan ako, gusto kong pigilan si Jake na sabihin yung mga salitang yun, kaso hindi dapat. Halatang hindi makapaniwala si Renzo sa mga nangyayari, hindi niya maintindihan kung bakit nangyayari ang lahat na to. Tumingin siya sakin na para bang nagtatanong kung bakit? bakit Beth? T__________T wag kang ganyan Renzo, hindi ko din alam!!!!
"Eh ikaw pre? Sino kasama mo?"
"Kasama ko si...."
"Kanina ka pa ba nandito Renzo? Sorry natraffic kasi ako eh"
Napatingin ako dun sa babaeng bigla na lang sumulpot kung saan na parang kabute. IKAW?!
"Celine? Anong gina..."
"Uy Beth! Nandito ka rin pala! AHHHH, so may date kayo ni Jake? Bakit di mo man lamang shineshare samin yan"
"Ha? Ahhhh. hahaha baka nakalimutan ko lang he-he-he-he"
"Bakit hindi na lang tayo magdouble date? ^_^"
Suggest ni Celine sabay kapit sa braso ni Renzo. T_T sakit
"Pwede rin! Cinema 5 din ba kayo?"
"Oo! kayo din ba Jake?"
"Oo Celine, sakto! Tara pasok na tayo"
Pumasok na kami sa sinehan. 3D yung pinili namin kasi sabi nila mas sulit daw panuorin ang THE AMAZING SPIDERMAN kapag naka-3D siya. Umupo na kami sa may bandang taas ng sinehan at ang seating arrangement namin.. sa may dulo si Jake tapos ako sunod tapos si Renzo tapos si Celine. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang arrangement ng pag-upo namin at hindi ko rin alam kung bakit parang masaya na may halong kaba ang nararamdaman ko..
End of Chapter 29

BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomansaFirst Love. Lahat naman tayo may first love diba? Paano nga ba natin masasabi na siya na nga talaga ang first love natin? Kapag siya na lang lagi ang nakikita natin? Kapag siya na lang lagi ang bukambibig natin? Kapag kahit sa pagtulog siya ang lama...