Chapter 47

83 3 0
                                    

KINABUKASAN

SA OFFICE

"Hala nasira pa ata yung aircon ng office ni Ate Karen."

sabi ko habang sinusubukang i-on yung aircon hanggang sa biglang may humawak sa balikat ko.

"Anong ginagawa mo dyan?"

"AY KIMCHI!"

"Kimchi?"

"Bakit ka ba kasi nanggugulat?"

"Ah, may papapirmahan kasi dapat ako kay Ma'am Karen, pinuntahan kita sa table mo pero wala ka kaya dumiretso na ko dito sa office niya."

"Ah ganon ba? Sige iwan mo na lang dyan sa table yung documents, ako na bahala magpapirma kay Ma'am"

Nilapag na ni Renzo yung documents sa table pero hindi pa din siya umaalis sa office.

"May kailangan ka pa ba?"

"Ikaw.. kailangan mo ba ng tulong dyan sa aircon? Kanina mo pa kasi kinakalikot yan eh"

"Ah, ayaw kasing gumana eh.. may sira ata"

"Ganon ba? Sige bumaba ka na dyan sa upuan, ako na mag-aayos"

Pababa na dapat ako ng bigla akong madulas at muntikan ng mahulog, MUNTIKAN NA! mabuti na lang ay nasalo ako ni Renzo.

"Ayos ka lang ba?"

Nabigla pa din ako sa nangyari, ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Napalunok ako sa sobrang takot sa nangyari. Hanggang sa mapatingin ako sa mga mata ni Renzo. Naalala ko lahat ng nangyari sa nakaraan. Naalala ko yung mga oras na masaya kaming naglalakad sa altar. Naalala ko nung nangako kaming tanging kaming dalawa lang panghabambuhay. Naalala ko ang mga nangyari noong ako pa si Beth Garcia...

"May masakit ba sayo Thalia?"

"Huh? Ah wala.. sige.. salamat.. uhmm aalis na ko"

"Saan ka pupunta? Hindi ba hihintayin mo si Ma'am Karen na dumating?"

"Huh? Ah hindi na.. pupunta na lang ako sa kanila tutal sira naman yung aircon eh, sige maiwan na kita"

Umalis na agad sa office at pumunta ng bahay ni Ate Karen. Umalis ako hindi dahil sa sirang aircon kung hindi dahil sa bumabalik nanaman yung dati kong nararamdaman para kay Renzo at ayokong malaman niya yun.

SA BAHAY NI KAREN

"Oh.. anong ginagawa mo dito??"

"Ma'am dinala ko na po yung mga papers dito,, nakalimutan ko po kasing sabihin sa inyo na nasira po yung aircon ng office niyo so naisip ko na lang po na ideliver dito sa bahay niyo yung mga papers na kailangang mapirmahan and yung mga draft po ng new product na galing po sa marketing department."

"Ah ganon ba, sige pasok ka then ilapag mo na lang sa table ko"

"Yes Ma'am"

"Magcoffee ka muna dyan, maliligo lang ako"

"Ah sige po Ma'am"

Pumunta muna si Ate Karen para maligo, masyado ata akong maagang pumunta XD. Hanggang sa natapos na si Ate Karen maligo at mag-ayos.

"Thalia let's start na, para makauwi ka na din ng maaga"

"Yes po Ma'am"

Patuloy pa din si Ate Karen sa pagbabasa ng mga documents at pagpipirma. Habang ako, ginagawa ko naman ang trabaho ko biglang secretary niya. ^_^

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon