Matt Renzo Hernandez POV
February 14, 2008
.
Valentines Day ngayon, kaya naman nagprepare ako ng surprise para kay Beth dito sa gym. Sigurado akong magugustuhan niya to ^_^ , mabuti pa tawagan ko siya.
.
"Hello??"
"Hello Beth, mamaya pumunta ka ng gym ah"
"Bakit? Anong meron?"
"Ah... sabi kasi ni sir, magprapractical daw tayo"
"Oh? sige sige time ng MAPEH diba?"
"Hindi, minove ni sir kasi may meeting daw siya sa time ng class natin, bale mga 4pm daw"
"Oh sige sige bye"
"Bye :)"
.
Phew, buti na lang naniwala siya sa sinabi ko na magprapractical ngayon sa MAPEH haha. 2 hours pa bago mag-4 PM, mabuti pa puntahan ko na sila Marco dun kung maayos na yung gym. Nagprepare ako ng mga balloons na hugis puso, ng bulaklak, ng letters, at ng isang banner na may nakasulat na Happy Valentines Beth. Wala talaga akong alam sa mga ganitong bagay kaya naman halos lahat ng idea na to galing sa mga kaibigan ko. Hanggang sa quarter to 4 PM na, pupunta na dapat muna ako ng restroom para maghugas ng kamay ng bigla akong hinarang ni Celine.
.
"Renzo"
"Celine wala akong oras para sa sasabihin mo"
.
Paalis na dapat ako ng biglang may sinabi si Celine.
.
"Hinimatay si Beth! Hindi ko alam kung bakit pero basta na lang siyang hinimatay"
"Ano?!"
"Kanina ko pa hinahanap sila Anne para magpatulong pero hindi ko kasi sila makita. Nag-uusap lang kami kanina ni Beth, hihingi sana ako ng ta.."
"Nasaan si Beth?!"
"Nasa 4th floor siya, sa may Science room"
.
Agad agad akong tumakbo sa 4th floor para puntahan si Beth. Sobrang kinakabahan ako, hindi ko alam. Sana walang masamang mangyari kay Beth, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Hanggang sa nasa Science room na kami sa 4th floor.
.
"BETH!! Beth! nasaan ka Beth!"
"HAHAHA, medyo tanga ka rin pala Renzo."
"Anong ibig mong sabihin, nasaan si Beh?! Chill ka lang. Nasa mabuting kalagayan si Beth ngayon."
"So hindi totoo na hinimatay si Beth? Hindi totoong nandito siya? Baliw ka na talaga Celine! Nahihibang ka na!"
.
Paalis na dapat ako ng Science room ng bigla akong hinalikan ni Celine..
.
"Ano bang ginagawa mo?!"
"Baliw na ko Renzo! Matagal na kitang gusto pero mas pinili mo si Beth! Nauna ako Renzo. NAUNA AKO! At hindi ako makakapayag na makuha ka sakin ni BETH!"
"Alam mo Celine, kahit anong gawin mo hindi kita kayang mahalin kasi si Beth lang ang mahal ko, siya lang at wala ng iba kaya kung pwede, tama na"
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomantikFirst Love. Lahat naman tayo may first love diba? Paano nga ba natin masasabi na siya na nga talaga ang first love natin? Kapag siya na lang lagi ang nakikita natin? Kapag siya na lang lagi ang bukambibig natin? Kapag kahit sa pagtulog siya ang lama...