Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa nangyari kahapon. Bumangon agad ako para pumunta sa SM at mag-grocery.
"Saan ka pupunta kuya?"
"Mag-grogrocery"
"Huh? Madami pa tayong pagkain dyan"
"Hindi para satin, para kay Beth, ay Thalia, ay basta para sa kanya"
"Okayyyyy. Ingat ka!"
Pinili ko yung mga paboritong kainin ni Beth, natutuwa ako kasi alam ko ng si Beth at Thalia ay iisa lang. Matapos kong mag-grocery, papunta na dapat ako ng parking lot ng makita kong nakatayo sa gilid si Beth/Thalia.
"Thalia"
Lalapitan ko na dapat siya ng biglang may bumusinang sasakyan, napatingin ako sa taong bumaba sa sasakyan na yun. Nilapitan niya si Thalia para kunin yung mga bitbit ni Thalia. Pagkatapos ay inakbayan niya ito pasakay ng sasakyan. Nakaramdam ako ng selos, siya yung lalaking nakita ko sa picture kahapon, yung lalaking nasa picture frame. Pumunta na ko ng parking lot at nagdrive papunta sa condo ni Thalia. Ng makarating na ko dun, hinintay ko munang umalis yung mga bisita ni Thalia bago ako umakyat sa condo niya. Nung umakyat na ko, magdodoorbell na dapat ako pero parang hindi ko pa magawang kausapin si Thalia, natatakot ako kung ano ang maaari kong masabi pag kaharap ko na siya kaya iniwan ko na lang yung pinamili ko sa gilid ng pinto, naglagay na din ako ng note para alam niyang galing sakin yun.
SA OFFICE.
Pinuntahan ko si Thalia sa office niya, naglapag ako ng kape sa desk niya kasama ng isang note para yayain siyang kumain mamaya. Gusto ko kasing aminin sa kanya yung nararamdaman ko, wala na akong pakialam kung si Beth man siya o si Thalia.
Good Morning Lunch tayo mamaya, treat ko.
-Renzo
Maya-maya pa ay lumapit sakin si Thalia sabay lapag ng kape na binigay ko sa kanya kasama ng isang note.
I dont drink coffee na, sorry pero may kasabay na akong maglunch. thanks na lang
-Thalia
Hindi ko maintindihan kung bakit niya binalik yung kape kaya nagsulat ulit ako ng note para tanungin kung may nagawa ba akong mali.
Galit ka ba? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? Sorry na, sana tanggapin mo yung APPLE-OGY (apology) ko :)
Nagbigay ulit si Thalia ng note kasabay ng pagbabalik niya nung mansanas na binigay ko.
Sorry busog pa kasi ako.
-Thalia
Binabalik ni Thalia lahat ng binibigay ko kaya naisipan kong documents naman ang ibigay ko sa kanya para hindi niya na mabalik yun.
Mam Thalia nasummarize ko na yung report, na-email ko na rin yung presentation. Kung may kailangan ka pa, tawagin mo lang ako.... Tsaka kung magbago man ang isip mo about sa lunch, sabihin mo na lang sakin. Hihintayin kita.
-Renzo
Hindi ko inaasahang lalapit ulit si Thalia sakin.
"Pwede ba tayong magusap Renzo"
"Sure tungkol saan ba"
"Tungkol sa mga pinaggagawa mo"
"Bakit? May nagawa ba akong mali?"
"Hindi naman sa ganon kaya lang.. kaya lang hindi na tayo pwedeng maging tulad pa ng dati"
"Pero bakit Thalia? Bakit hindi na pwede"
"Basta mahirap iexplain.. sana maintindihan mo ko"
Hindi ko maintindihan kung bakit biglang nag-iba ang kilos ni Thalia. Bago pa siya umalis, hinila ko na yung kamay niya paakyat ng rooftop. Hindi ko na kayang maghintay pa ng isang araw para aminin ang nararamdaman ko.
"Renzo ano ba! Bitiwan mo nga ko! Nasasaktan ako"
"Hindi ko maintindihan Thalia, ano bang hindi pwede?! ano bang mali?!"
"Renzo.."
"Akala ko ba okay tayo, akala ko ba ayos ang lahat, akala ko ba wala tayong problema, pero bakit ganon? bakit bigla na lang nagbago ang lahat? bakit bigla na lang nagiba?"
Ito rin yung mga katagang gusto kong sabihin kay Beth nung araw na iniwan niya ko. Nung araw na akala ko okay ang lahat.
"Im sorry.. Im sorry Renzo, Im sorry"
Yinakap ko si Thalia nung makita ko siyang umiiyak. Alam kong nasasaktan din siya sa mga nangyayari. Alam kong hindi niya gustong masaktan kaming pareho..
"Hindi ko maintindihan kung anong nangyari pero hindi pa rin ako titigil Thalia... hindi ako titigil kasi mahal kita"
Inamin ko na kay Thalia kung ano ang nararamdaman ko. Halatang nagulat si Thalia sa sinabi ko. Bigla siyang bumitaw sa pagkakayakap ko.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo Renzo, hindi mo alam"
"Thalia alam ko, alam kong mahal kita at wala akong nakikitang dahilan para hindi kita mahalin"
"Hindi nga kasi pwede! wag mo ng ipagpilitan ang bagay na hindi na pwede.. ayoko ng may masaktan pa ulit kaya please lang Renzo.. itigil na natin to kasi wala rin namang patutunguhan ang mga ito"
"How can I stop my heart from loving you? Ipaglalaban ko ang nararamdaman ko.. ngayon sabihin mo sakin Thalia... mahal mo din ba ako? Thalia, gusto kong manggaling mismo sayo.. mahal mo din ba ko?"
"Babalik na ko sa office"
"Sabihin mo muna sakin kung mahal mo ko, Thalia hindi ako titigil hangga't hindi mo sinasabi sakin ang nararamdaman mo"
"HINDI RENZO! HINDI! kaya tama na Renzo, tama na, please lang.."
Nagulat ako sa sagot ni Thalia.. Nasaktan.. Hindi ko alam kung anong gagawin, hindi ko alam kung ano ba dapat ang iisipin ko sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ko sa mga sinasabi niya. Lumipas ang araw na gulong gulo pa din ako. Umuwi na ko para makapagpahinga. Dumiretso na agad ako sa kwarto ko ng biglang nagring yung phone ko.
"Hello? Oh Josh bakit ka napatawag?"
"Hihingi sana ako ng favor sayo pre kung okay lang"
"Sure ano ba yun?"
"About sana kay Cess"
"Anong meron sa kapatid ko?"
End of Chapter 57
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomanceFirst Love. Lahat naman tayo may first love diba? Paano nga ba natin masasabi na siya na nga talaga ang first love natin? Kapag siya na lang lagi ang nakikita natin? Kapag siya na lang lagi ang bukambibig natin? Kapag kahit sa pagtulog siya ang lama...