"Hi"
"UGHH! Ikaw lang pala! Nakakainis ka, bakit nandito ka pa, hindi ka ba pumunta sa office dinner?"
"Anong dinner?"
"Yung dinner, diba sabi ni Diane pumun... HALA! Hindi ko ba nasabi sayo kanina?"
"Hindi."
"LAGOT! Di bale, 10:30 naman ang start nun.. nandun pa sila.. dali pumunta ka na dun"
"Ikaw?"
"Ako? uuwi na ko"
"Nagdinner ka na?"
"Hindi pa, bibili na lang ako ng cup noodles dyan"
"Cup noodles?! Hindi pwede, kumain ka ng kanin baka himatayin ka dyan eh"
"Huh? Ewan ko sayo uuwi na ko, sige bye"
Kinuha ko na yung bag ko, palabas na dapat ako ng pinto kaso pinigilan ako ni Renzo.
"Sasama na lang ako sayo"
"HUH?!"
"Ako na bahala sa kakainin mo"
"Teka nga teka nga, sinong may sabing pwede kang pumunta sa bahay ko?!"
"Ako.. ikaw, gusto mo bang itanggi ko kay Diane na sinabi mo sakin yung about sa dinner?"
"HUH! Sinabi ko kaya sayo"
"Sinabi mo ? Wala akong maalala eh"
"UGHHH! OO NA ! SIGE NA! SUMAMA KA NA! Wag mo akong isusumbong kay Diane ah!"
"Yes Ma'am! ^_^"
Pumunta na kami sa condo na tinutuluyan ko.
"Tuloy ka, sorry medyo makalat. Hindi ko naman ineexpect na pupunta ka dito eh"
"Maayos naman ah, nasaan ang kusina"
"Nandun sa kaliwa, sige pupunta lang muna ko sa kwarto ko"
Pumasok na ko sa kwarto at nagpalit na ng damit, tapos lumabas na ko para puntahan si Renzo.
"Ang bango naman nyan"
"Malapit ng matapos to, umupo ka na dyan"
"Okay po"
"Hindi ka ba nag-grogrocery?"
"Minsan,, bakit?"
"Walang laman ang ref mo eh, puro tubig, mga easy to cook food"
"Ahhh, baka naubos, wala kasing masyadong time tsaka bihira lang naman kasi akong kumain dito eh, matatapos ka na ba dyan?"
"Oo, isasalin ko na lang"
Nakatitig lang ako kay Renzo habang nagluluto siya. Napakaperfect niya talaga kahit anong angggulo <3
"Ang swerte siguro ng mapapangasawa mo no"
"Bakit mo naman nasabi yan?"
"Magaling kang magluto, matalino, gwapo, ano pa bang hindi mo kayang gawin?"
"Hahaha, salamat sa compliment"
"May hindi ka pa ba nagagawa sa buong buhay mo?"
"Ako? Hmmm, nagawa ko na ata lahat bukod sa isang bagay."
"Ano yun?"
"Yung ipinangako ko sa taong malapit sakin"
"Pangako? ano naman yun?"
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomanceFirst Love. Lahat naman tayo may first love diba? Paano nga ba natin masasabi na siya na nga talaga ang first love natin? Kapag siya na lang lagi ang nakikita natin? Kapag siya na lang lagi ang bukambibig natin? Kapag kahit sa pagtulog siya ang lama...