Sa OFFICE
Pumunta na ko sa desk ko. Pagkaupong pagkaupo ko pa lang biglang may naglagay ng coffee sa mesa ko, pag tingin ko si Renzo pala ang taong yun. Napatitig lang ako sa kanya tapos ngumiti lang siya sabay alis. WEIRD. Nakita kong may nakadikit na note sa kape na binigay ni Renzo. Note nanaman? Anong trip to. -_-
Good Morning Lunch tayo mamaya, treat ko.
-Renzo
Luh, ayos ah. HAHAHAHA tamis. Pero teka, iiwasan ko na nga pala dapat siya. Kumuha ako ng bagong sticky note at sinulatan ko ng message...
I dont drink coffee na, sorry pero may kasabay na akong maglunch. thanks na lang
-Thalia
Dinikit ko sa coffee yung note at inilapag sa desk naman ni Renzo tapos umalis na ko. Maya maya bigla nanamang lumapit si Renzo, ang kulit ah! ugh May nilapag siyang apple tapos may kasama ulit na note.
Galit ka ba? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? Sorry na, sana tanggapin mo yung APPLE-OGY (apology) ko :)
Ay, PUSH MO YAN TEH, PUSH MO YAN TEH, PUSH MO YAN TEH EH EH EH EH. Ang korni talaga nito ni Renzo kahit kailan -_- . Kumuha ulit ako ng sticky note.
Sorry busog pa kasi ako.
-Thalia
Tapos dinikit ko ulit sa apple at ibinalik kay Renzo. Wala pang 5 minutes, lumapit nanaman siya tapos may nilapag sa desk ko. Mga documents naman tapos may note ulit.
Mam Thalia nasummarize ko na yung report, na-email ko na rin yung presentation. Kung may kailangan ka pa, tawagin mo lang ako.... Tsaka kung magbago man ang isip mo about sa lunch, sabihin mo na lang sakin. Hihintayin kita.
-Renzo
Ang kulit ng taong to, sa sobrang kulit niya nagpaalam munako kay ate Karen na pupuntahan ko lang si Renzo at kakausapin. Pagdatingbko sa desk ni Renzo.
"Pwede ba tayong magusap Renzo"
"Sure tungkol saan ba"
"Tungkol sa mga pinaggagawa mo"
"Bakit? May nagawa ba akong mali?"
"Hindi naman sa ganon kaya lang.. kaya lang hindi na tayo pwedeng maging tulad pa ng dati"
"Pero bakit Thalia? Bakit hindi na pwede"
"Basta mahirap iexplain.. sana maintindihan mo ko"
Paalis na dapat ako nun pero biglang hinila ni Renzo ang kamay ko tapos nagsimula na siyang maglakad ng mabilis habang hila ako papuntang rooftop. Hanggang sa nakarating na kami sa rooftop.
"Renzo ano ba! Bitiwan mo nga ko! Nasasaktan ako"
"Hindi ko maintindihan Thalia, ano bang hindi pwede?! ano bang mali?!"
"Renzo.."
"Akala ko ba okay tayo, akala ko ba ayos ang lahat, akala ko ba wala tayong problema, pero bakit ganon? bakit bigla na lang nagbago ang lahat? bakit bigla na lang nagiba?"
"Im sorry.. (naluha na ko ng makita kong gulong gulo na si Renzo sa mga nangyayari, nagflashback yung araw na iniwan ko siya, naisip kong ganito din ang reaksyon niya nung akala niyang okay kami, okay ang lahat.) Im sorry Renzo, Im sorry"
Bigla akong yinakap ni Renzo nung nakita niyang umiiyak na ko. Hindi ko ineexpect na hahantong ulit kami sa ganitong sitwasyon, sa sitwasyon kung saan kailangan naming isuko ang isa't isa.
"Hindi ko maintindihan kung anong nangyari pero hindi pa rin ako titigil Thalia... hindi ako titigil kasi mahal kita"
Mas lalong hindi ko ineexpect ang sinabi ni Renzo, napabitiw ako sa pagkakayakap ni Renzo.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo Renzo, hindi mo alam"
"Thalia alam ko, alam kong mahal kita at wala akong nakikitang dahilan para hindi kita mahalin"
"Hindi nga kasi pwede! wag mo ng ipagpilitan ang bagay na hindi na pwede.. ayoko ng may masaktan pa ulit kaya please lang Renzo.. itigil na natin to kasi wala rin namang patutunguhan ang mga ito"
"How can I stop my heart from loving you? Ipaglalaban ko ang nararamdaman ko.. ngayon sabihin mo sakin Thalia... mahal mo din ba ako?"
Hindi ako makasagot sa tanong ni Renzo, alam kong alam ng puso ko ang sagot pero iba ang sinisigaw ng isip ko... mahal ko siya pero... pero hindi pwede.. hindi na pwede.
"Thalia, gusto kong manggaling mismo sayo.. mahal mo din ba ko?"
"Babalik na ko sa office"
"Sabihin mo muna sakin kung mahal mo ko, Thalia hindi ako titigil hangga't hindi mo sinasabi sakin ang nararamdaman mo"
"HINDI RENZO! HINDI! kaya tama na Renzo, tama na, please lang.."
Umalis na ko para bumalik sa office, pag dating ko pa lang sa desk ko bigla akong tinawag ni ate Karen.
"Thalia"
"Yes Ma'am Karen?"
"Nandito na sila Suho?"
"Ay oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sayo ate Karen sorry, paano mo nalaman?"
"Dumaan dito si Suho, hindi mo ba siya nakita?"
"Dumaan siya???"
"Oo, hinahanap ka niya kanina, sabi ko pumunta ka lang kay Mr. Hernandez"
"Kay Renzo?!?!?!?"
"Oo tinuro ko pa nga kung saan yunh desk ni Renzo pero sabi niya hihintayin ka na lang niya sa desk mo"
"Ah, thank you ate Karen"
"Pero ang weird eh"
"Bakit?"
"Magcocoffee dapat kami sa may rooftop para makapagusap pero pinauna ko na siya sa taas kaso nung paakyat na ako nakasalubong ko naman siyang pababa na, tapos tinanong niya ko kung anong pangalan ni Mr. Hernandez tapos sinabi ko na Renzo, ayun bigla na lang siyang nagpaalam na mauuna na daw siya"
"Sa rooftop..."
Nakita niya kaya? Imposible.. pero baka nga nakita niya.. nakita nga niya.
"Uhmmm ate Karen pwede bang umuwi muna ko ngayon? Kailangan kong kausapin si Suho-oppa"
"May problema ba?"
"Oo ate Karen, malaking gulo to."
"Ganon ba, sige okay lang tutal kakaunti lang naman ang mga gagawin ngayon, magiingat ka ha"
"Thank you talaga ate Karen"
Nagmadali na kong puntahan ang EXO sa tinutuluyan nila, Kailangan kong magpaliwanag kay Suho-oppa, kailangan kong sabihin sa kanya kung ano talaga ang nangyari..
End of Chapter 52

BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
عاطفيةFirst Love. Lahat naman tayo may first love diba? Paano nga ba natin masasabi na siya na nga talaga ang first love natin? Kapag siya na lang lagi ang nakikita natin? Kapag siya na lang lagi ang bukambibig natin? Kapag kahit sa pagtulog siya ang lama...