Chapter 59

77 2 0
                                    

MATT HERNANDEZ POV

"Hello? Oh Josh bakit ka napatawag?"

"Hihingi sana ako ng favor sayo pre kung okay lang"

"Sure ano ba yun?"

"About sana kay Cess"

"Anong meron sa kapatid ko?"

"Magpropropose kasi ako sa kanya"

"Sa wakas! Buti naisipan mo yan."

"HAHAHA kaya nga kailangan ko ng tulong mo eh"

"Sige ano.. bukas?"

"O sige, samahan mo kong mamili ng singsing kuya Renzo"

"Oo naman pre"

KINABUKASAN

Pumunta kami ni Josh sa Jewelry shop para maghanap ng singsing para sa kapatid ko na kay Cess. Habang nagtitingin kami ng singsing bigla akong tinanong ni Josh.

"Ayaw mo bang pumili na din ng singsing kuya?"

"Ako?"

"Oo, para sa babaeng gusto mo.. yung laging kinukwento sakin ni Cess, si ate ganda daw"

Dahil sa sinabi ni Josh, naisip kong.. siguro nga panahon na para tuparin ko yung pangako ko kay Beth/Thalia na papakasalan ko siya pagdating ng panahon. Nagtingin tingin na rin ako ng singsing. Habang pumipili ako ng singsing, si Thalia lang iniisip ko.. iniisip ko yung mga bagay na gusto niya.. iniisip ko kung paano ko ibibigay ito sa kanya.. Hanggang sa may nakita akong singsing na babagay kay Thalia/Beth.

"Miss pwedeng patingin nito" habang tinuturo ko yung singsing na nakadisplay.

"Yes sir"

Nilabas nung babae yung singsing. Tinignan ko ng malapitan..

"Sir for proposal po ba?"

"Huh? Ah oo"

"Sigurado pong matutuwa yung pagbibigyan niyo nyan ^_^"

"Talaga? Sana nga :) Sige kukunin ko na to"

"Sige po sir, sa counter na lang po"

Umuwi na kami ni Josh para pagplanuhan yung gagawin ni Josh na proposal. 

"Gusto ko yung talagang magugulat si Cess"

"Ano kaya kung sa amusement park ka magpropose?"

"Oo nga noh, tutal gustong gusto niyang pumunta dun tuwing magdadate kami kasi sinabi mo daw na masaya dun"

Napagplanuhan na namin ni Josh yung gagawin niyang proposal. Ingat na ingat kami ni Jsoh para hindi malaman ni Cess yung plano namin. Biglang pumasok si Cess sa kwarto ko kung saan naguusap kami ni Josh.

"Kuya hindi pa ba uuwi si Josh? Kanina pa kayo nag-uusap dyan.. nagseselos na ko!"

"Hahaha sira, humihingi lang ako ng payo sa boyfriend mo"

"Oo nga Cess. Tinatanong niya ko kung paano niya ba susuyuin si ate ganda"

"Ay nako Josh, kung ano ano na nga ang sinabi ko dyan kay Kuya pero palpak pa rin siya eh"

"Ano ka ba Cess, naghahanda lang ako sa oras na gagawin ko na yung mga suggestions mo"

"Bakit kaya hindi ka magpropose sa kanya?"

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon