SA OFFICE
"Mam, ngayon po yung launching ng new product ng company so kailangan niyo pong umattend dun, mga around 9am po, then after po nun may meeting po kayo sa Chua Corporation mga around 11am po, and then mayroon po kayang lunch meeting kay Mr. Lopez para po sa resort na ipapatayo, tapos after po nun may mga bagong company po na gustong makipagkita sa inyo para naman daw po sa pagiinvest.. and........................"
"WAIT!!"
"Bakit po Mam?"
"Isa-isa lang. nahihilo ako.. andami mong sinabi.. hinay hinay lang.. okay.. iready mo na yung speech ko para sa launching ng new product, tapos ihanda mo na din yung proposal para kay Mr. Chua, ayusin mo na yun ah natapos ko ng gawin yun, tapos yung ibigay mo sa akin yung listahan ng mga names ng gustong maginvest para sa company natin,, kuha mo?"
"Yes Mam, uhmmm mam paano po yung lunch meeting niyo with Mr. Lopez.. saan po kayo maglulunch para mapareserve ko na po"
"Ahhhh.. si Keith... tawagan mo siya, sabihin mo siya na ang mamili at magpareserve para mamaya"
"Sige po Mam"
.
Lumabas na ko ng office ni Ma'am Karen, kung ganon nagkaayos na yung dalawa? HAHAHA ang sweet ^_^ . Ibig sabihin kailangan nila ng maraming time para sa isa't isa. Kung ganon ako na lang magaasikaso sa mga new applicants ^_^. Maglulunch na kaya pinahanda ko na yung car, kailangan lang talaga ng time sa isa't isa para maayos na ang lahat. HAHAHA feeling ko tuloy nag-ala-matchmaker ako sa ginagawa ko kay ate Karen at Mr. Keith XD.
.
"Mam nakaready na po yung car papunta sa resto na pinareservan po ni Mr. Lopez"
"Huh? Ah oo. sige susunod na ko"
.
Habang nageenjoy si Ma'am sa lunchdate nila ay este lunch meeting, aasikasuhin ko na ang mga new applicants. Pumunta na ko sa room kung saan magiinterview ako ng mga new applicants. Isa-isa na silang pinapasok. Nakakapagod din pala ang maginterview.
.
"Next"
.
Pumasok na yung applicant sa room.
.
"Okay Mr. Hernandez, I'm.."
"Beth?"
.
Napahinto ako sa pagtingin ng resume niya at napatingin ako sa applicant. Nabigla ako ng makita kong si Renzo pala ang nasa harapan ko. Si Renzo pala ang Mr. Hernandez na to. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, bumalik nanaman ang kaba at halo halong nararamdaman ko na naramdaman ko six years ago.
.
"I'm sorry Mr. Hernandez but I'm Miss Thalia and can you please sit down"
"Paanong..."
"So What is your greatest strength? and What is your greatest weakness?"
.
Nagpatuloy ang interview namin hanggang sa natapos na lahat ng ininterview ko, palabas na ko ng room ng makita kong naghihintay si Renzo sa gilid. Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso na ko papunta sa office ni ate Karen.
.
"Beth, teka lang.. Beth.. I mean Ms. Thalia"
.

BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomantikFirst Love. Lahat naman tayo may first love diba? Paano nga ba natin masasabi na siya na nga talaga ang first love natin? Kapag siya na lang lagi ang nakikita natin? Kapag siya na lang lagi ang bukambibig natin? Kapag kahit sa pagtulog siya ang lama...