KINABUKASAN SA OFFICE.
Pumunta ako sa office ni Thalia, nagbabakasakaling makasabay ko siyang maglunch. Pagbukas ko ng pinto, wala siya sa desk niya.
"Hinahanap mo ba si Thalia?"
"Ay good morning po Ma'am Karen"
"Wala siya, hindi siya makakapasok ngayon"
"Bakit po?"
"May sakit kasi siya, nilalagnat ata"
"Ganon po ba, siguro pupunta na lang ako sa condo niya"
"Ah Mr. Hernandez, kung nagbabalak kang pumunta sa condo niya siguro wag muna ngayon kasi panigurado nandun yung pinsan niya baka hindi ka papasukin"
"Bakit naman po?"
"Ang totoo niyan.. hindi ko alam kung nasa lugar ako para sabihin sayo yung about sa pagkatao ni Thalia pero.."
"Alam mo din Ma'am Karen yung about kay Beth?"
"Alam mo na?"
"Ah, oo nung isang araw pa.."
"Kung ganon.. alam na ba ni Thalia na alam mo na?"
"Hindi pa, hindi ko pa nagagawang sabihin sa kanya"
"Mr. Hernandez, sa pagkakaalam ko at naikwento sakin nung pinsan ni Thalia na ikaw daw yung dahilan kung bakit umalis siya sa Pilipinas at maisipang bumalik sa Korea, hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo before pero sana naman wag mo ng hahayaan pang umiyak ulit si Thalia, wag mo siyang hahayaang sarilihin lahat ng problema."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Look Mr. Hernandez, ayaw na ayaw ng pinsan ni Thalia na nasasaktan ang prinsesa niya dahil parang kapatid na rin ang turingan nila sa isat isa. Come to think of it, hindi ka iniwan ni Thalia dahil lang sa gusto ka niyang saktan.. hindi magagawa ni Thalia yun"
Hindi ko ineexpect na marinig yung dahilan kung bakit ako iniwan ni Beth, na ako yung dahilan kung bakit niya ginawa yun, na sobrang nasasaktan si Thalia.. Siguro nga kailangan ko munang bigyan ng space si Beth o si Thalia.. siguro nga kailangan ko munang makapagisip isip para sa ikabubuti naming dalawa. Siguro nga oras na para ako naman ang magsacrifice para sa aming dalawa.
Dalawang linggo ang lumipas.. dalawang linggong wala kaming komunikasyon ni Thalia.. dalawang linggo na ang humupa pero siya pa din talaga.. at ngayon.. ngayon ay nakaharap ako sa Panginoon.
"Lord, naalala mo pa ba yung pinangako ko sayo 6 years ago? Sana tulungan mo kong matupad yun :)"
"Kuya tara na, mahuhuli na tayo sa reception"
"Oo Cess, susunod na ko"
Pumunta na kami sa reception kasama ang mga guests.
"Kuya i-meet mo na yung iba pang guests"
"Sige sige Cess, mabuti pa umupo ka muna alam ko namang napagod ka kanina eh, nasaan nga pala si Josh?
"Nasa kabilang table, inaasikaso yung ibang guests.. kuya nakakapagod pala noh?"
"Sobra"
"Nakakapagod pala talagang ikasal, akala ko haharap lang sa altar, mag sasabi lang ng I Do, tapos yun na yun pero hindi pala ganon kadali yun"
"Kaya nga sama sama tayo dito, tulong tulong ^_^ at tsaka ang mahalaga naman ay maging masaya kahit gaano pa kahirap at tsaka isa pa simula ngayon magiiba na ang buhay ng bride"
"Oo nga kuya eh, hindi magtatagal magkakaroon na rin kami ng pamilya.. eh ikaw kuya? Kailan ka ba haharap sa altar kasama si ate ganda?"
Napangiti lang ako sa tanong ni Princess, gustuhin ko man na makasama si Thalia habambuhay, depende pa rin kay Thalia kung ganon din ba ang nararamdaman niya.
Lumapit samin si Josh
"Nakita niyo ba yung bag ko na black?"
"Bakit, may problema ba?"
"Oo kuya, nandun kasi yung cd na prinepare ko para kay Cess"
"Para sakin?"
"Oo sana kaso nawawala nga eh"
"Eh saan mo ba naiwan Josh?"
"Feeling ko nga sa simbahan eh, di bale babalikan ko na lang"
"Wag na Josh, mas kailangan ka dito.. ako na lang ang maghahanap.. ang mabuti pa asikasuhin niyo na yung mga guests niyo dito.. Kasal niyo to kaya dapat lang na nandito kayo."
"Salamat talaga kuya! mwah!"
Binalikan ko na yung simbahan kung saan kinasal yung kapatid ko. Pero... pero hindi ko ineexpect na makita si Thalia dito.. Nakaupo siya malapit sa altar. Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito? Lumapit ako ng kaunti sabay tawag sa pangalan niya.
"Thalia?"
Napatingin si Thalia sakin
"Renzo?"
Unti unti akong lumapit sa kanya kasabay ng paglapit din niya.
"Anong ginagawa mo dito? Diba kakagaling mo lang sa kasal?"
Nabigla ako sa sinabi ni Thalia, paano niya nalamang ikakasal ang kapatid ko ngayon?
"Paano mo nalaman?"
"Pumunta ako sa department niyo kanina para hanapin ka"
"Bakit mo ko hinahanap?"
"Huh? Ah.. may kailangan ka kasing malaman."
"Ano yun?"
"Ako... ako si Beth.."
Sa wakas... sa wakas inamin na ni Thalia/Beth ang tunay niyang pagkatao. Pero bakit? Bakit ngayon lang? Bakit ngayon niya lang sinabi?
End of Chapter 60

BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
Любовные романыFirst Love. Lahat naman tayo may first love diba? Paano nga ba natin masasabi na siya na nga talaga ang first love natin? Kapag siya na lang lagi ang nakikita natin? Kapag siya na lang lagi ang bukambibig natin? Kapag kahit sa pagtulog siya ang lama...