SATURDAY
*ding dong*
"Huh? Ang aga aga namang istorbo nito."
Bumaba na ako para tingnan kung sino yung nagdoorbell. Laking gulat kong nakita ko kung sino yung nagdoorbell.
"Ikaw??"
"Hi :)"
"Anong ginagawa mo dito?"
"Bago ko sabihin kung bakit ako nandito, gusto ko lang malaman kung bakit lagi nalang IKAW ang sinasabi mo pag nakikita mo ko?"
"Bakit ba? Eh bakit ka nga kasi nandito, anong meron?"
"Aalis tayo ngayon"
"Huh? Bakit? Saan tayo pupunta? At bakit naman ako sasama sayo"
"Wala lang, hihintayin kita dito ah, bibigyan kita ng 30 minutes para mag-ayos"
"Hoy JAKE! tigilan mo ko sa kalokohan mo, bakit naman ako sasama sayo.. ni hindi ko nga alam kung bakit nandito ka at bakit naman ako sasama sa.."
"Time starts now"
Napatakbo ako papasok ng bahay, dali-dali akong nag-ayos ng buhok, nagbihis, nag-ayos ng gamit.. Pumunta ako sa may salamin habang naglalagay ng lipstick.
"Teka, bakit ba ako nag-aayos? Ano ba tong ginagawa ko? HAHAHAHA Elizabeth Bianca Garcia, ano nanaman bang katangahan yan? UGHHHH"
~ It's going down, I'm yelling timber. You better move, you better dance ~
"Hello?"
"You have 1 minute left"
"Huh? Teka nga! Bakit naman ako sasama sayo! Sabihin mo nga sa akin, ano bang meron at pinagmamadali mo ako"
"Wag ka ng maraming tanong, bilisan mo na dyan"
"ABA! bahala ka, hin.."
" 30 seconds left"
"Ano ba! tigi.."
Grabe ka! Grabe ka talaga Jake! Binabaan mo nanaman ako for the second time! UGHHHH! letse.
Bumaba na ko para puntahan si Jake. Pag labas ko ng gate, tinignan ko ng masama si Jake.
"You look pretty"
Biglang nag-iba yung mood ng mukha ko, bigla akong naguluhan.. hindi na ko makatingin sa kanya.. nanghihina na yung mga tuhod ko.. hindi ako makapagsalita..
"Okay ka lang Beth?"
"Ahhhh. hmmmmm. HOY! SAAN BA TAYO PUPUNTA AT BAKIT PINAGMAMADALI MO KO?!"
"Basta, halika na :)"
Bigla niyang hinawakan yung kamay ko at hinila papunta sa sasakyan na dala niya.. Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari.. naguguluhan na ko.. bakit? Anong sitwasyon to? Bakit nandito ako? Bakit hawak niya yung kamay ko? Bakit namumula ako? Bakit kinakabahan ako? Bakit siya may sasakyan? Teka.. 3rd year highschool pa lang kami ah!
"HOY! May lisensya ka ba?!"
Tiningnan lang niya ko sabay ngiti. Ang weird talaga ng taong to.. Sumakay na kami sa sasakyan papuntang kawalan -__________- wala talaga akong idea kung saan kami pupunta. realtalk. Ang tahimik, nasusuffocate ako sa mga nangyayari. Hanggang sa..
"Ang tahimik mo ata Beth"
"Sira ka ba! Bigla mo na lang akong hinila papunta kung saan, hoy kung may balak kang kidnapin ako, wala kang mapapala! wala kaming pera!"
"Ayos lang, pwede namang ikaw na lang ang pang-ransom"
Bigla siyang tumingin sakin tapos ngumiti. yung ngiti niya.. yung ngiting hindi ko makalimutan.. yung ngiti niya nung araw na tinakpan niya yung mga mata ko.. yung ngiting nakapagpagulo sa nararamdaman ko..
Nakatitig lang ako sa kanya.. hindi ako makaget-over.
"Wag mo kong titigan, baka matunaw ako niyan"
"HUH?! HOY JAKE, wag kang feeling dyan! tinitignan.. matunaw. tss. siraulo"
Napatingin ulit ako sa kanya, nakangiti lang siya habang nagdridrive.. hinawakan ko yung dibdib ko.. ang bilis ng tibok ng puso ko..
"Ano bang nangyayari sakin?"
999999999999999999999999999999999999999999999999999999999999
23th Chapter ^_^ .. hope you like it guys..
Dont forget to VOTE :))))))))))))))
Leave your comments below.
#SheenaDC
KAIBIGAN O KA-IBIGAN??
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomanceFirst Love. Lahat naman tayo may first love diba? Paano nga ba natin masasabi na siya na nga talaga ang first love natin? Kapag siya na lang lagi ang nakikita natin? Kapag siya na lang lagi ang bukambibig natin? Kapag kahit sa pagtulog siya ang lama...