Chapter 36

128 2 0
                                    

*ding dong*

*ding dong*

*ding dong*

*ding dong*

"Huh? Sino kaya yun? Ang aga aga naman?"

Kinuha ko na yung bag ko para pumasok sa school. Pag bukas ko ng gate nakita ko si Renzo. Bigla niya kong nilapitan at hinawakan yung mga kamay ko, inalis ko kaagad yung mga kamay niya.

"Anong ginagawa mo dito"

"Beth, mag-usap tayo"

"WOW! Bakit pa Renzo? May kailangan pa ba tayong pagusapan?"

"Beth naman, isang buwan mo na kong hindi kinakausap, may problema ba tayo?"

"Ay grabe Renzo, grabe talaga. Isang buwan na ang nakakalipas, March na ngayon hindi mo pa din alam kung bakit ganito tayo? Try mo ring mag-isip minsan, ewan ko ba, matalino ka naman pero simpleng pagiisip lang kung ano yung ginawa mong mali, hindi mo pa magawa? Akala ko ba matalino ka"

"Beth sabihin mo na lang kung ano ang problema natin para maayos natin diba"

"Ay kahit hindi na Renzo, kahit wag na!"

"Beth ka..."

"BETH"

Napatingin ako sa taong tumawag sakin, si  Jake, tinawag ako ni Jake sabay kaway.

"Uy Jake, kanina ka pa dyan?"

"Hindi naman, kakarating ko lang, ano tara na? Pasok na tayo sa school"

"Sige sige"

Bago ako umalis tumigil muna ko at tumingin kay Renzo.

"Renzo, tama na, pagod na ko.. mabuti pang itigil na natin to"

Sumakay na ko sa sasakyan at iniwan na si Renzo sa tapat ng bahay ko. Sa byahe. Habang red pa yung stoplight, kinausap ako ni Jake.

"Okay ka lang ba?"

Nakatingin lang ako sa window ng sasakyan, hanggang sa tumulo na yung luha ko. Hindi ko pa rin pala kayang maging matatag, nasasaktan pa din ako, nasasaktan pa din ako sa tuwing naaalala ko yung araw na yun, sa Science room, si Renzo, si Celine.

"Eto o"

Napatingin ako sa inabot ni Jake.

"Punasan mo na yang luha mo, malapit na tayo sa school baka isipin nila pinaiyak kita"

Tapos ngumiti lang si Jake, buti na lang talaga nandito si Jake para damayan ako.

"Salamat, salamat Jake"

"Wag kang mag-alala, basta pag feeling mo gusto mo ng umiyak tawagin mo lang ako, dadarating ako ^_^"

"Weh? Seryoso yan ah! Paano pag hindi ka pumunta"

"Hindi mangyayari yun, promise ^_^"

"Salamat talaga, HAYYYYYYYYYYYYYYY, gumaan nanaman ang nararamdaman ko dahil sa clown na kasama ko :)"

"Hahahah, baka naman gwapong clown"

"Aishhhh, hahahaha"

SA SCHOOL.

"Maglolocker lang ako Jake"

"Sige sige, may kukunin lang muna ko sa lost and found. Hintayin mo na lang ako dito, babalikan kita"

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon