MONDAY
This is it. Ang oras ng paghahatol T.T
"Pfft. Okay. Beth. Kaya mo yan. Keri mo yan. Wag kang matakot. Kasama mo si Renzo sa laban na to"
"Sino kausap mo Beth?"
"Ah wala Anne, tara punta na tayo sa room natin"
Sa room. After 1 hr.
"Okay class, don't forget your project"
"Yes Sir"
Habang inaayos ko yung gamit ko.
"Uy Beth, anong kakainin natin for lunch? Gusto ko magrice kaso gusto ko magdiet, ano sa tingin mo? Magpasta na lang kaya ko? Kaso carbs din yun eh. Water treatment kaya?"
"Kahit ano Anne, sus parang dati naman hindi natin iniintindi yang kakainin natin"
"Sus. Okay. HAHAHA tara sa cafeteria"
"Beth"
Napahinto kami sa paguusap ni Anne ng biglang lumapit samin si Renzo. Napatayo ako bigla at napabulong sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Bakit ka bumubulong? Sinusundo kita"
"Huh? Kakatapos lang ng klase natin, saan naman tayo pupunta?"
"Kailangan ba talaga nating bumulong? Kakain tayo ng lunch, sabay tayong kakain ng lunch simula ngayon"
"HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!"
Napasigaw ako sa sinabi ni Renzo. Nagtinginan samin lahat ng kaklase namin. Nakatingin lang ako kay Renzo ng bigla siyang ngumiti sabay hawak nung kamay ko.
"Anong ginagawa mo Renzo?"
Habang pilit kong inaalis yung kamay ko na hawak niya. Kaso nga lang ang higpit ng hawak niya T.T , napatingin ako sa mga kaklase namin. Lahat sila nakatingin samin ni Renzo habang nagbubulungan. Napatingin naman ako kay Anne na nasa tabi lang namin, halatang gulat siya sa kung anong nangyayari ngayon.
"Be.. Be... Beth? Anong eksena to? Teka ano yan? Pakiexplain Beth"
"Huh? Ah ano kasi Anne, teka magpapaliwanag ako, wag kang magiisip ng masama, kalma lang, ano kasi eh, nagbibiro lang to si Renzo, wag mo siyang intindihin"
Biglang tinaas ni Renzo yung kamay ko habang hawak niya.
"Guys, i-congratulate niyo naman kami ni Beth, kami na"
Napatingin ako bigla kay Renzo, nanlaki ang mga mata ko sabay tingin sa mga kaklase ko.
"Tek. teka... nagkaka..."
"WWWWWWWWHOOOOOOOOOOOOOH! *clap clap* CONGRATULATIONS"
"Teka..."
"Congrats Renzo at Beth!"
At ayun na nga, tuwang tuwa ang mga kaklase ko sa nalaman nila. Habang si Anne, tulala pa din at hindi makapaniwala sa nangyayari. Inabot ni Renzo yung bag ko at nilagay sa balikat niya.
"Anne, hihiramin ko na muna tong si Beth ah"
"Huh? Teka Renzo, saan tayo pupunta?"
Naglakad na siya papalabas ng room habang hila hila niya yung kamay ko. Hindi ko pa rin alam kung anong nangyayari at kung anong pwedeng mangyari. Habang naglalakad kami sa hallway, nakasalubong namin si Jake.
![](https://img.wattpad.com/cover/3111949-288-k86245.jpg)
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomanceFirst Love. Lahat naman tayo may first love diba? Paano nga ba natin masasabi na siya na nga talaga ang first love natin? Kapag siya na lang lagi ang nakikita natin? Kapag siya na lang lagi ang bukambibig natin? Kapag kahit sa pagtulog siya ang lama...