"Anne"
Nilapitan ako ni Anne at yinakap.
"Alam ko kung anong nanyayari sayo ngayon, naiintindihan kita"
"Anne, naguguluhan na ako"
"Beth, kalma ka muna. Inhale.. Exhale.. relax ka lang.. pwede mo namang sabihin sa akin kung anong gumugulo sa isip mo"
"Hindi ko na alam Anne, hindi ko na alam kung anong tama"
Sinabi ko kay Anne kung anong nangyari nung Sabado at nung Linggo. Kinuwento kung anong nararamdaman ko, kung kailan pa to nagsimula..
"Bakit ngayon mo lang to sinabi sa akin?"
"Natatakot kasi ako, natatakot ako kay Celine, natatakot ako sa kung anong pwede niyang isipin at gawin pag nalaman niyang gusto ko din si Renzo, natatakot akong mawala ang friendship"
"Pero kahit anong tago mo, malalaman at malalaman niya din yan"
"Anong gagawin ko Anne?"
"Isipin mo kung anong mararamdaman ni Celine, para sakin mas mabuti pa kung kakalimutan mo na lang si Renzo... bakit hindi mo subukang mahalin si Jake?"
Hindi ko alam, pero siguro nga tama si Anne, baka nga dapat bigyan ko ng pagkakataon si Jake.. Mas maganda siguro kung si Jake ang pipiliin ko at hindi si Renzo, alang-alang kay Celine at sa friendship namin. Alang-alang sa ikabubuti ng lahat..
Uwian na namin. Mag-isa lang akong uuwi ngayon, may mga lakad kasi ang mga kaibigan ko kaya ayun.
"Beth!"
Napatingin ako dun sa taong tumawag sa akin. Si Renzo.. Tumatakbo siyang papalapit sa akin habang nakangiti, yung ngiti niya, yung ngiting minahal ko. Napangiti din ako. Hanggang sa nagflashback sa akin yung sinabi ni Anne.
"Isipin mo kung anong mararamdaman ni Celine, para sakin mas mabuti pa kung kakalimutan mo na lang si Renzo... bakit hindi mo subukang mahalin si Jake?"
"Isipin mo kung anong mararamdaman ni Celine, para sakin mas mabuti pa kung kakalimutan mo na lang si Renzo... bakit hindi mo subukang mahalin si Jake?"
"Isipin mo kung anong mararamdaman ni Celine, para sakin mas mabuti pa kung kakalimutan mo na lang si Renzo... bakit hindi mo subukang mahalin si Jake?"
"Isipin mo kung anong mararamdaman ni Celine, para sakin mas mabuti pa kung kakalimutan mo na lang si Renzo... bakit hindi mo subukang mahalin si Jake?"
"Isipin mo kung anong mararamdaman ni Celine, para sakin mas mabuti pa kung kakalimutan mo na lang si Renzo... bakit hindi mo subukang mahalin si Jake?"
"Isipin mo kung anong mararamdaman ni Celine, para sakin mas mabuti pa kung kakalimutan mo na lang si Renzo... bakit hindi mo subukang mahalin si Jake?"
"Isipin mo kung anong mararamdaman ni Celine, para sakin mas mabuti pa kung kakalimutan mo na lang si Renzo... bakit hindi mo subukang mahalin si Jake?"
"Isipin mo kung anong mararamdaman ni Celine, para sakin mas mabuti pa kung kakalimutan mo na lang si Renzo... bakit hindi mo subukang mahalin si Jake?"
"Isipin mo kung anong mararamdaman ni Celine, para sakin mas mabuti pa kung kakalimutan mo na lang si Renzo... bakit hindi mo subukang mahalin si Jake?"
Nawala yung ngiti sa labi ko. Nawala yung saya.
"Beth, pauwi ka na?"
"Ah oo"
"Hatid na kita sa inyo"
"Huh? Ah eh, actually may pupuntahan pa kasi ako"
"Ah ganon ba.. sasamahan na lang kita"
"Ay nako hindi na, may kasama kasi ako eh, kasama ko sila.."
"Sila Anne? Nakita ko sila kanina na pauwi na, sabi nila may pupuntahan daw sila ngayon"
-_____- wala na ata akong kawala dito.
"Ah hindi sila, may iba pa akong.. friends ^_^"
"Hmmm, sino naman?"
"Si... si...."
*It's going down, I'm yelling timber. You better move, you better dance*
"Ah hello? Oh JAKE.. Ha? Ngayon? Wala naman masyado, ngayon na? okay lang..saan? Sige sige. Oh sige hintayin mo na lang ako dun ah, sige sige bye"
THANK YOU! thank you talaga Jake at tumawag ka!
"Si Jake?"
"Ah.. ah oo eh, may pupuntahan daw kasi kami eh, sige mauna na ako ah, bye"
Naglakad na ako papalayo.
"Teka Beth!"
Napalingon ako kay Renzo.
"Ingat ka" sabi niya sabay ngiti.
"Ikaw din" sabi ko.
Naglakad na ko papalayo. Palayo kay Renzo... at papunta kay Jake... Tama ba to? Katangahan nanaman ba tong gagawin ko? Pero baka nga tama talaga si Anne, tama siya na ito dapat ang gawin ko, na dapat ko ng kalimutan si Renzo, na dapat kong bigyan ng chance si Jake... na dapat kong i-sacrifice yung feelings ko alang alang sa pagkakaibigan namin ni Celine...
End of Chapter 27
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomantikFirst Love. Lahat naman tayo may first love diba? Paano nga ba natin masasabi na siya na nga talaga ang first love natin? Kapag siya na lang lagi ang nakikita natin? Kapag siya na lang lagi ang bukambibig natin? Kapag kahit sa pagtulog siya ang lama...