February 14, 2008
Halos mag-aapat na buwan na simula nung pag-aaway namin ni Celine, simula nung naging kami ni Renzo, simula nung nawala ang friendship namin ni Celine at simula noon.. madalang na lang kaming makapag-usap nila Anne at Marie kasi lagi nilang kasama si Celine. Hindi naging madali sakin ang apat na buwang lumipas. Naranasan ko ng mapatid, itulak, batuhin ng mga papel, maitago ang kung ano ano kong gamit, ma-bash sa online at kung anu-ano pang uri ng pambubully, pero lahat yun kinaya ko, kinaya ko kasi mahal ko si Renzo.. pero ngayon na siguro ang pangyayari na hindi ko na kayang itago ang inis at galit sa puso ko..
2 hours before the event.
Biglang nagring yung phone ko.
"Hello??"
"Hello Beth, mamaya pumunta ka ng gym ah"
"Bakit? Anong meron?"
"Ah... sabi kasi ni sir, magprapractical daw tayo"
"Oh? sige sige time ng MAPEH diba?"
"Hindi, minove ni sir kasi may meeting daw siya sa time ng class natin, bale mga 4pm daw"
"Oh sige sige bye"
"Bye :)"
Hmmm. Bakit ba feeling ko may weird na mangyayari? Ewan. Habang naglalakad ako nakita ko si Anne na naglolocker.
"Anne!"
Lumingon sa akin si Anne, nginitian niya ko sabay alis.
"Teka lang Anne" sabi ko sabay takbo papalapit sa kanya.
"Anne, iiwasan mo nanaman ba ko?"
"Beth, sorry"
"Sorry? ano ko ba hindi mo kailangang humingi ng tawad ^_^"
"Maging matatag ka Beth"
"Huh? Bakit?"
"Basta, sorry kung hindi kita matutulungan ngayon, naguguluhan na din ako eh"
"Ano bang sinasabi mo?"
"Basta, sige mauuna na ko ah bye"
"Tek...."
Nagmamadali ng umalis si Anne. Ano kaya yung sinasabi niya? Maging matatag? Ano ba yun? Ang weird talaga. Dumiretso na ko ng library para gawin yung homework namin dahil may free time pa naman bago yung practical namin sa MAPEH. Time check. 2:30pm.
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
Storie d'amoreFirst Love. Lahat naman tayo may first love diba? Paano nga ba natin masasabi na siya na nga talaga ang first love natin? Kapag siya na lang lagi ang nakikita natin? Kapag siya na lang lagi ang bukambibig natin? Kapag kahit sa pagtulog siya ang lama...