"Tada! Ayan, mag-almusal na tayo"
"WOAHHH"
"So ano? Nakajackpot ka ba?"
"OO! HUH?! Hindi! ah oo ah Hindi.. EWAN!"
"Hahahahaha, kumain ka na ^_^"
Habang kumakain kami, bigla na lang lumabas sa bibig ko yung tanong na maski ako hindi ko inaasahan.
"Bakit ako Renzo?"
"Huh?"
"Sabi mo kagabi... na ano.."
"Ah, bakit hindi ikaw ^_^"
"Ano ba ayusin mo yung sagot mo, ano nga?"
"Kasi ikaw si Beth, the fact na ikaw si Beth sapat na rason yun sakin para mahalin ka"
"Anong meron ba si Beth na wala ang iba? Na wala kay Celine?"
"Well... hmmm. maganda ka, mabait ka, masayahin, madaling makagaanan ng loob"
"Ano ba yan! May mas maganda pa sakin, marami ring taong mabait, masayahin."
"Pero hindi sila si Beth"
"UGHHH! EWAN! Ang gulo mo, hindi ko maintindihan yang rason mo"
"Ganito na lang, mahal kita Beth, yun na yun tapos!"
"Tsss."
"Ako naman ang magtatanong sayo"
"Ano? Basta wag math ah nako"
"Mahal mo rin ba ako?"
Biglang nagising diwa ko sa tanong ni Renzo. Hindi ko alam kung magsasabi ako ng totoo, hindi ko alam kung dapat ko bang aminin ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung ngayon na ba ang tamang oras para dito..
"Nauuhaw ka ba? Teka kukuha lang ako ng tubig"
Tumayo muna ko para kumuha ng tubig ng bigla niya kong yinakap mula sa likod.
"Mahal kita Beth"
"Renzo.."
"Wag mong isipin ang mararamdaman ng iba, sabihin mo sakin kung ano talaga ang laman ng puso mo"
Humarap ako kay Renzo, tinitigan ko siya... Hindi ko alam pero..
"Hindi pwede Renzo.. hindi pwede"
"Beth naman, hindi pa ba sapat na nagmamahalan tayong dalawa?"
"Renzo hindi mo naiintindihan eh, hind tayo pwedeng dalawa, malabo yang sinasabi mo"
"Pero Beth mahal kita!"
"Mahal din kita Renzo! Mahal din kita.."
Napaiyak ako habang sinasabi yung mga salitang yun.. Para bang sa isang iglap sumabog lahat ng bulkan, umulan ng yelo sa buong mundo, nagpatugtog ng gimme gimme lahat ng tao at nagsitalon lahat ng higante sa mundo. SOBRA YUNG HEARTBEAT KO, SOBRANG BILIS. Yung tipong parang nag-gimme gimme muna yung heart ko at nilalasap yung beat.
"Pero Renzo, bawal to eh, bawal kitang mahalin"
"Beth naman, ikaw lang laman ng puso ko!"
"Tanga! Dugo laman ng puso mo!"
"Beth naman eh! Seryosohin mo naman ako"
"Seryoso ako Renzo, hindi talaga tayo pwede.. maraming masasaktan"
"Paano naman ako? Hindi ba ko masasaktan?"
"1 vs. 2 , talo ka.. mas madami silang masasaktan kumpara sayo na iisa lang"
"Beth!!"
"Sorry okay sorry (tono sa My Love from Another Stars) O sige pwede umupo muna tayo at pag-usapan natin ng dahan dahan? Hindi yung para tayong nagfifilm ng teleserye"
Naupo muna kami para magpakalma. JUSKO! kala mo nasa The Legal Wife kung makapagpalitan ng punchline kanina.
"Oh game, let's sort this thing"
"Paano na? Paano tayo Beth? Hindi mo ba ko pwedeng bigyan ng chance na mahalin ka?"
"Paano sila? Kung pagbibigyan kita, paano sila? Paano si Celine? Paano si Jake?"
"Paano ako? Paano ka?"
"Puro naman tayo paano eh! Nagtanong ka, tapos sinagot ko ng tanong tapos sinagot mo din ng tanong. Para mo naman akong tinanong ng kung given ang x, solve for y in a+b=c nyan eh"
"So ano na nga, pwede bang maging tayo?"
"Hindi ko din alam Renzo, hindi ko alam, paano ko ieexplain sa kanila to"
"Wag kang mag-alala, sabay nating haharapin ang mga problema basta bigyan mo lang TAYO ng chance"
Hindi ko alam pero para akong napanatag sa sinabi ni Renzo, para bang wala na akong pakialam sa kung ano man ang mangyari bukas. Para bang masaya na ko na kaming dalawa ang iniisip ko. Hindi ko na nasagot yung sinabi ni Renzo, tumayo na lang ako at yinakap siya sa likod. Siguro sapat na yun para pakalmahin ang sitwasyon at para sabihin na magiging okay din ang lahat ^_^End of Chapter 33

BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomanceFirst Love. Lahat naman tayo may first love diba? Paano nga ba natin masasabi na siya na nga talaga ang first love natin? Kapag siya na lang lagi ang nakikita natin? Kapag siya na lang lagi ang bukambibig natin? Kapag kahit sa pagtulog siya ang lama...