MATT HERNANDEZ POV
Pumunta ako sa office ni Thalia para tignan kung nandun pa siya. Hanggang sa napansin kong nakabukas pa yung ilaw sa may office niya. Pumasok ako para yayain na siyang umuwi.
"Hi"
"UGHH! Ikaw lang pala! Nakakainis ka, bakit nandito ka pa, hindi ka ba pumunta sa office dinner?"
"Anong dinner?"
"Yung dinner, diba sabi ni Diane pumun... HALA! Hindi ko ba nasabi sayo kanina?"
"Hindi."
"LAGOT! Di bale, 10:30 naman ang start nun.. nandun pa sila.. dali pumunta ka na dun"
"Ikaw?"
"Ako? uuwi na ko"
"Nagdinner ka na?"
"Hindi pa, bibili na lang ako ng cup noodles dyan"
"Cup noodles?! Hindi pwede, kumain ka ng kanin baka himatayin ka dyan eh"
"Huh? Ewan ko sayo uuwi na ko, sige bye"
Palabas na dapat ng pinto si Thalia ng pigilan ko siya. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko to ngayon pero.. pero gusto ko lang talagang makasama ngayon si Thalia.
"Sasama na lang ako sayo"
"HUH?!"
"Ako na bahala sa kakainin mo"
"Teka nga teka nga, sinong may sabing pwede kang pumunta sa bahay ko?!"
"Ako.. ikaw, gusto mo bang itanggi ko kay Diane na sinabi mo sakin yung about sa dinner?"
"HUH! Sinabi ko kaya sayo"
"Sinabi mo ? Wala akong maalala eh"
"UGHHH! OO NA ! SIGE NA! SUMAMA KA NA! Wag mo akong isusumbong kay Diane ah!"
"Yes Ma'am! ^_^"
Pumunta na kami sa condo na tinutuluyan niya. Ang ganda ng lugar, hinanap ko kaagad yung kusina.
"Tuloy ka, sorry medyo makalat. Hindi ko naman ineexpect na pupunta ka dito eh"
"Maayos naman ah, nasaan ang kusina"
"Nandun sa kaliwa, sige pupunta lang muna ko sa kwarto ko"
Habang nasa kwarto si Thalia, nagsimula na kong tignan kung ano yung pwedeng kong lutuin. Wala masyadong laman yung ref at cabinet ni Thalia kaya ang hirap isipin kung ano ang pwede kong lutuin. Nagsimula na kong magluto para kay Thalia.
"Ang bango naman nyan"
"Malapit ng matapos to, umupo ka na dyan"
"Okay po"
"Hindi ka ba nag-grogrocery?"
"Minsan,, bakit?"
"Walang laman ang ref mo eh, puro tubig, mga easy to cook food"
"Ahhh, baka naubos, wala kasing masyadong time tsaka bihira lang naman kasi akong kumain dito eh, matatapos ka na ba dyan?"
"Oo, isasalin ko na lang"
Alam kong nasa likod ko lang si Thalia at nakaupo nung mga oras na to, hindi ko alam pero parang bumalik sakin yung alaala namin ni Beth. Nung araw na ganitong ganito rin yung eksena sa bahay niya.

BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomanceFirst Love. Lahat naman tayo may first love diba? Paano nga ba natin masasabi na siya na nga talaga ang first love natin? Kapag siya na lang lagi ang nakikita natin? Kapag siya na lang lagi ang bukambibig natin? Kapag kahit sa pagtulog siya ang lama...