Introduction

4.6K 50 24
                                    

*Prologue*

Ano ba ang requirement na dapat I comply sa pagmamahal?

Kailangan ba na mutual?

Ang pagiging selfless ba?

O ang masaktan muna?

Takot ako…………

NBSB kasi eh………

Paano kung panain na ako ni kupido?

Bahala na…………….

Ipapaubaya ko na lang lahat kay sergeant Keroro. 

*Pretzels' POV

Pretzel's POV

Ako ay isang pagkain na tinatawag na Pretzel; Gusto mo ba akong kainin? Joke lang,pero pretzel talaga name ko. I search mo pa sa Google at makikita niyo lahat ng info's tungkol sa akin. Baka nga makakita pa kayo ng mga scandal ko eh. Kidding... Marami akong pangarap sa buhay. Isa na doon ang maging isa sa Presidente ng bansa. O diba ang babaw lang ng pangarap ko? Ano pangarap mo? Ay wala pala tayo sa isang talk show noh? Ay ang korni ko na. pasensya na. di ko na kasi maisip kung ano gagawin ko ngayon eh. 

 Freshmen ako ngayon. Kumbaga inosente pa sa lahat. Nandito ako ngayon sa loob ng dorm ko at ina-unpack yung luggage ko na sa tingin ko ay mga sampung maleta yata lahat lahat. Hindi naman ako masyadong prepared no? Pero mabuti nang maraming dala kesa kulangin ako sa mga gamit diba? Sus! ang layo pa naman ng pinanggalingan ko, kung tutuusin tatawid pa ako ng ilang mountain ranges at lalangoy pa ako ng ilang ocean, Aaay exage lang talaga eh no? Di naman mashadong malayo house namin eh over lang talaga ako mag kwento.

Anyway, maganda naman itong dorm ng bagong school ko at kung tutuusin halos kasing-laki siguro nito ang bahay namin. May elevator. Hanggang fourth floor at parang hotel. Uy hindi na ako nagiging exage sa pagkukwento ko ngayon ah. totoo na 'to pramis.

First time kong mawawalay sa parents ko. Namimiss ko na nga yung kuko sa paa ng daddy ko eh na parang ang shape eh oblate spheroid,. 'de joke lang, ang lapad kasi ng kuko niya sa paa eh namimiss ko tuloy. Shunga shunga lang te? haay ano kaya ang uunahin ko sa mga ito? yung pinakamaliit? o yung pinakamalaki? Haaay Naninibago lang siguro ako kasi sa totoo lang ngayon lang talaga ako naging malaya ng ganito. Walang driver,walang bodyguards at walang maids.Kaya naman matinding sanayan talaga ang kailangan ko rito kaya hayan pinapatawa ko na lang 'tong sarili ko.

 Sa tantiya ko, mahihirapan ako nitong makapag cope-up sa new environment ko. O diba parang hayop lang sa zoo? new environment . :))

Ang problema ko lang eh Hindi ako marunong maglaba, o sige mamalantsa na rin, hmm okay pati  ang magluto ay hindi ko rin nagagamay , minsan ang magsampay, ang maghugaas na rin siguro ng pinggan, Sige na nga pati na lahat siguro halos ng gawaing bahay na may "mag" sa unahan kaya naman, major overhaul talaga ang ke kailanganin ko nito. WhooOO. Hindi naman ako maarte. Actually sinubukan ko na nga halos lahat ng mga iyan pero ang resulta eh mga sunog na niluto at minsan nasusugatan pa ang kamay ko. Kaya sumuko na lang siguro ang mga nagtuturo sa akin at nag declare na banned na ako sa kusina at bawal na akong humawak ng kahit anong panlinis.

Accidentally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon