DESTINED TO BE THE PERFECT TWO(3)

1.2K 68 1
                                    

RPOV

Yung paglalasing ko at pag-iyak dahil sa ex boyfriend ko ay pawang pagpapanggap lamang.
Hindi naman talaga ako broken-hearted. Kailangan ko lang talagang daanin sa mabilisan si Glaiza dahil napaka-pakipot nya.😣
And lastly,wala naman talagang nangyari sa amin, nakatulog sya sa ibabaw ko kaya hindi nya nakuha yung V-card ko. Sinabi ko lang na may nangyari sa amin para hindi na sya makatanggi 😂.
Alam ko naman na gusto nya din ako,pilit lang talaga nyang isinasara yung puso nya sakin.

At dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay napapayag nya ako na itago muna namin yung relasyon namin dahil natatakot sya sa family ko.
Hindi kasi open-minded yung family ko tungkol sa ganitong uri ng relasyon.

Paano nga ba nag-umpisa ang lahat ?
Na-love at first sight ako sa kanya ng ipakilala sya sakin ni Jae Eun.
Gabi-gabi ini-imagine ko na sana matutunan nya akong mahalin,na sana ay magustuhan nya rin ako.
Gusto kong lagi syang iniinis dahil doon lang ako nagkakaroon ng pagkakataon na mapansin nya,
Lumipas pa ang ilang bwan bago ko sya napangiti at yun ay nung nagdrama ako sa kanya sa Cr. Tawang tawa sya na halos nakapikit na sya.

We became best buddy after that.
Inis na inis ako kapag tinatawag nya akong bes dahil feeling ko paulit-ulit akong na-fe-friendzone.

Pero ngayon ?
AKIN NA SYA at hindi ko na sya pakakawalan kahit anong mangyari.

Hindi sya sweet na tao.
Oo ramdam ko yun,Ni hindi nga nya hinahawakan yung kamay ko in public or kahit kaming dalawa lang.
Pero okay lang yun sakin,atleast alam kong nandyan lang sya at nakikita ko sya kapag gusto ko.

Hindi sya yung ideal girlfriend ko pero kapag mahal mo ang isang tao,matututunan mong tanggapin kung ano ang hindi nya kayang ibigay.

Pero may hangganan ang lahat ng pagtitiis.
Hindi pwedeng lagi na lang akong maghahabol sa kanya,Hindi pwedeng lagi na lang akong magtatanong kung kailan sya pwedeng i-date,Hindi pwedeng ako na lang palagi ang mag-aadjust.

"Rhian,pwede bang wag mo muna akong tawagan ? Medyo busy kasi sa office,hindi kita maaasikaso." Sabi ni Glaiza over the phone.

Pinilit kong itago ang paghikbi sa boses ko bago ako sumagot .

"Ganon ba ?" Nahihirapang tanong ko sabay hinga ng malalim. " su-sure..no problem." Pilit kong pinasigla yung boses ko.

Hindi ko na sya hinintay sumagot.
I turned off my phone and let out the small sobs.
Hindi ganito yung relasyong pinangarap ko para sa aming dalawa.
Wala naman akong mapagsabihan dahil tago nga yung relasyon namin,--o ako lang ang nag iisip na may relasyon nga kami ?

Nagpasya akong magpahangin sa labas at magpunta sa park para magdivert ng atensyon at makalimutan ko kahit sandali yung sakit na  nararamdaman ko.

"Manong,magkano po yang tinda nyong cotton Candy ?" Tanong ko sa tindero na nasa tabi ng Park.

"10 pesos lang miss." Sagot nito.

"Pagbilhan nyo nga po ako ng isa,yung color pink po sana :)" Sabi ko at mabilis naman nya itong ibinigay sa akin. Pagkatapos kong magbayad ay naupo ako sa bench.

"Ate,may nagpapabigay po sa inyo." Tawag sa akin ng isang bata bago iabot sakin yung long-stemed rose.

"Kanino galing ?" Takang tanong ko.

"Sa kanya po." Sabay turo nya sa isang mascott na nakatayo sa di kalayuan.

Nag-waved ito saakin that's why i waved back.
Naglakad sya palapit sa akin at naupo sa tabi ko.

"Hi ?" Bati ko sa kanya kahit hindi ko naman alam kung sasagot ba sya o ano dahil nakasuot sya ng mascott.

Inakbayan nya ako kaya nagulat ako.
Baka mamaya bigla nalang akong tutukan nito ng kutsilyo.😣

"Alam mo ba,may girlfriend ako." Nakangiting kwento ko. " she's beautiful. I love her so much.." Malungkot na kwento ko. "But it looks like..ako lang yung nagmamahal. Parang ako lang yung kumakapit at lumalaban para sa aming dalawa.."

Inalis ni Mr.Bear yung kamay nya sa pagkakaakbay sakin pagkatapos ay tumayo na sya pero agad ko syang hinawakan kaya huminto sya.

"Dito ka muna,Please ? Wala kasi akong kasama. Monthsarry namin ngayon pero sabi nya busy daw sya sa office kaya mag-isa lang ako ngayon." Naiiyak na sabi ko sabay yakap sa mascott. I got surprised ng yakapin nya ako pabalik pagkatapos ay tinapik nya yung pisngi ko at sumensyas na kailangan na nyang umalis.

"My name's Rhian. Secret lang natin na may Girlfriend ako hah?" Sabi ko bago sya pakawalan,and once again naiwan na naman akong mag-isa.

Nang ma-bored ako sa Park ay nagpasya akong kumain sa Jewell Restaurant.
Nasa parking lot na ako ng makita ko ang isang pamilyar na kotse.

Bakit nandito si Glaiza ?
Akala ko ba busy sya ?

Tumuloy ako sa loob at pinilit ignorahin ang nakita ko. Baka magkapareho lang brand at kulay.

"Rhian ? Hey..long time no see. Kamusta ?" Tanong ni Abby nang makita nya akong naupo sa isang vacant table.

"Hi 😊 yeah,medyo busy rin kasi. May project kasi akong tinatapos." Sagot ko. " Nakita mo ba si Glaiza ? Nakita ko kasi sa Labas yung kotse nya.

"Si Glaiza ? Yes,Nandito sya. Kasama nya si Solenn. Sila ba ?" Pang-iintriga ni Abby sabay upo sa tabi ko.

"Hah ? Bakit mo naman nasabi yan ?" Kunwari ay natatawang tanong ko.

"Eh kasi,Ang sweet nila. May payakap yakap pa ngang nalalaman si Solenn eh." Natatawang sagot ni Abby. " ay wait lang ! May gagawin pa pala ako. Umorder ka na lang. Balikan kita mamaya."

"Go ahead." Pilit ang ngiting pinakawalan ko.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko.
They friends. Siguro ay nagbibiruan lang sila.
Maya-maya ay nakita kong naupo sa sulok sila Glaiza. Ang sakit nila sa mata. Kung hindi siguro ako ang girlfriend,iisipin kong may relasyon nga sila. They look so happy together. Mukha na pala akong tanga.😣😣😣

I dialled Glaiza's Number.
Nakita ko na nagulat sya ng biglang magring yung phone nya.
Sandali syang lumayo kag Solenn at sinagot yung tawag.

"Hello ? Rhian,di ba sabi ko busy ako dito sa office ? " Pabulong na sabi nya.

"I just wanted to greet you. Happy 1st Monthsarry. Mukha kasing nakalimutan mo." Naiiyak na sagot ko habang nakatingin sa kanya.Napahawak sya sa noo nya.

"Rhian,Kasi..

"Its okay Glaiza. I understand. Naiintindihan ko na Busy ka sa ibang tao kaya nakakalimutan mo na ako. May i ask you something ? " Tanong ko habang pinupunasan yung luha ko.

Nakita ko kung paano sya humarap sa direksyon ko.

"Is our Relationship is just a matter of Pride ?" Tanong ko ulit sabay baba sa phone ko.

Para syang na estatwa sa kinatatayuan nya.
Her face was flushed.
Guilty was written all over her face.

Nilapitan nya ako.

"Rhian,Im sorry. Please dont cry. Please.." Malungkot na sabi nya sabay hawak sa kamay ko.

Napayuko ako.
This is the first time that she held my hands.

"Let me explain.." Pagsusumamo nya.

"Its okay Glaiza. I--i can make it without you." Umiiyak na sabi ko sabay hablot sa bag na dala ko at dere-deretso na akong lumabas.

This will the last time na iiyakan kita .
Makikita mo kung ano ang sinayang mo.

TO BE CONTINUED..

RaStro StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon