Until I Lied (7)

851 44 3
                                    

7/10

Arci POV

"Hoy,babae. Ano ba ? Kanina ka pa lakad ng lakad eh. Ano bang problema mo ? Hindi ako makapagconcentrate sayo." Reklamo ni Chynna.

"Hindi ako mapakali eh. Di pa daw umuuwi si Glaiza. Saan na naman kaya yun dinala ni Rhian ? Naka-off din yung phone nya." Inis na sabi ko sabay dial ulit kahit alam ko na wala naman akong mapapala.

"Hayaan mo muna yung magbestfriend. Baka nagbobonding pa. Alam mo na,sinusulit nila yung araw para sa mga lost time." Nakangising sagot ni Chynna sabay tawa ng mahina.

"Kasalanan mo to eh. Bakit ba tinawagan mo pa yung babaeng yun ? Okay naman si Glaiza kahit wala sya eh."

"Okay ? Anong okay ? Eh nakita mo naman yung itsura ni Glaiza simula ng mawala si Rhian diba ? Kulang na lang kusa na syang pumasok sa kabaong para mapagkamalan na talaga syang bangkay." Sermon ni Chynna kaya napairap ako.

Hindi pwede.
Hindi nya pwedeng angkinin yung girlfriend ko.

"Hoy ? Ano na naman yang binabalak mo hah ?" Tanong ni Chynna ng bigla akong tumahimik.

"Glaiza is my girlfriend. At may karapatan ako para bakuran sya." Inis na sabi ko.

Tumayo si chynna at lumapit sakin.

"Arci,pabayaan mo muna sila. Alam ni Glaiza kung ano ang ginagawa nya. Siguro naman hindi nya makakalimutan na comitted na sya sayo." Chynna.

"Paano kung makalimutan nya  ? Knowing Glaiza,she's inlove with Rhian Back then."

"At inlove pa rin sya kay Rhian hanggang ngayon."

"You're not helping Chynna." Nakasimangot na sabi ko." I have to go."

"Saan ka pupunta ?" Tanong ni Chynna.

"Sa bahay nila Glaiza,doon ko na lang sya hihintayin.

"Ano ka ba..wag na. Baka masakal naman sayo si Glaiza. Pagdating nya,tsaka mo sya kausapin. Yung usap na matino hah ? Wag mong talakan. Maupo ka dyan." Utos ni Chynna.

Si Chynna at ang parents lang ni Glaiza ang nakakaalam kung ano ang status namin ni Glaiza ngayon.
Glaiza is my Girlfriend. 3 months to be exact at hindi ako papayag na basta na lang sya mawawala ng ganon nalang.
Kahit alam kong si Rhian talaga ang mahal nya ay sumugal pa rin ako na mahalin sya. Dahil siguro sa kakulitan ko kaya sya pumayag na maging girlfriend ako.😂

Flashback..

Glaiza,bilin mo na to. 5000 lang. Dali na."  Pangungulit ko sa kanya habang inaabot yung rubber shoes na kulay itim.

"Mahal naman !" Reklamo nya kaya natawa ako.

"Bakit mahal ?" Nakangising tanong ko.

"Siraulo ka talaga." Natatawang sabi nya sabay kurot sa braso ko.

"Ouch ! Mahal naman eh,ang sakit mong magmahal." Biro ko ulit.

End of flashback...

"Hoy ? Bakit ka nakangiti dyan ?" Takang tanong ni Chynna.

"Wala.,may naalala lang ako. Hehe " natatawang sabi ko. "Magpropose na kaya ako kay Glaiza ? What do you think ?"

"Hala ! Seryoso ka ? 3 months pa lang kayo di ba ? Tsaka bakit ikaw ang magpopropose ? Di ba dapat sya ?"

"Hindi naman importante kung sino ang magpopropose..tsaka kahit 3 months pa lang kami,sigurado na ako na sya na talaga ang gusto ko." Nakangiting sabi ko." Alis na ako. Uwing uwi na ako eh."

"Huh ? Oh sige,tara hatid na kita." Alok ni Chynna.

"Naku wag na. May dadaanan pa kasi ako." Tanggi ko. "Sige na. Babush ! Bukas na lang ulit."

Nagmamadali akong lumabas ng studio at  pumunta sa parking lot. Agad akong sumakay sa kotse ko at mabilis na umalis.

"Oh arci,iha..what's bring you here ?" Nakangiting salubong sa akin ng mommy ni Glaiza sabay beso sakin.

"Good evening po tita,nandyan na po ba si Glaiza ?" Tanong ko.

"Wala pa,akala ko ay magkasama na kayo,sandali lang,susubukan ko syang tawagan--

"Ay wag na po. Hindi naman po sya ang ipinunta ko dito.---actually,gusto ko po kayong makausap.."

Mataman akong pinagmasdan ng ina ni Glaiza pagkatapos ay inanyayahan akong maupo.

"Tungkol saan ? May ginawa ba sayo si Glaiza ? Hayaan mo at pagsasabihan ko."

"Hindi po. Gusto ko po sanang hingin ang blessing nyo..Gusto ko pong pakasalan si Glaiza." Nakangiting sabi ko. Napaawang ang bibig ng mommy ni Glaiza pagkatapos ay hinawakan ako sa kamay.

"Sigurado ka ba ? Baka nappressure ka lang? Tinakot ka ba ng anak ko para pakasalan mo sya ?--

"Haha si tita talaga. .hindi po,Gusto ko po talaga syang pakasalan..sigurado na po ako sa anak nyo." Sagot ko.

"Alejandro !!!" Natatarantang tawag ni Tita sa asawa nya. "Honey ! Halika rito."

"Sandali lang..." Sagot ni tito.

Maya-maya ay nakita ko ng pababa si Mr.De Castro habang ibinubutones ang suot na polo shirt.
Agad akong tumayo para magmano.

"Kaawaan ka ng dyos." Nakangiting sabi ng daddy ni Glaiza pagkatapos ay tumingin sa asawa. " napakabait na bata nito. Maswerte ang anak natin sa kanya."

"May gustong sabihin si Arci satin." Excited na sabi ni Tita Minerva.

Tumingin saakin si Tito alejandro.

"Ano yun iha ?"

"Ahm,tito..gusto ko po sanang hingin ang kamay ni Glaiza. Gusto ko pong pakasalan ang anak nyo..kung maaari po sana ay makuha ko ang blessing nyo." Marahang sabi ko.

"Sigurado ka ba ? I mean.. Ang bata nyo pa,at hindi legal ang same sex marriage dito sa Pilipinas."

"Pakakasalan ko po sya kahit saang simbahan." Desididong sabi ko.

Nagkatinginan ang mag-asawa.

"Okay,you will have our blessing. Kailan mo ba planong magpropose sa anak namin ?" Tanong ni Tito.

"Next week po. Pagdating ng 4th monthsarry namin. Nasa ibang bansa po kasi yung parents ko. I want them to witness kung paano magpropose ang anak nila.😊" Nakangiting sabi ko.

"Haha ! Sigurado akong maaamaze sila,iha. Bakit parang bigla mong naisipan yang bagay na yan ? Natatakot ka ba na baka mawala ang feelings mo kay Glaiza ?"

Napayuko ako.

"Hindi po. Natatakot po ako na baka mawala yung feelings sa akin ni Glaiza." Sagot ko.

"Malabong mangyari yun. Nakikita ko naman kay Glaiza na mahal ka nya."

"Pero hindi po katulad ng pagmamahal nya kay Rhian." Natigilan sila.

"Wala na si Rhian. Ang pagkakaalam ko ay umalis sya matapos magtapat ni Glaiza sa kanya." Napabuntong hininga si Tita Minerva. " Iniwan nya ng ganon ganon na lang ang anak ko. Hindi man lang nya binigyan ng chance na magpaliwanag si Glaiza."

Flashback

"Mom,Dad..im a lesbian."  Naiiyak na amin ni Glaiza ng abutan sya ng parents nya sa sala.

"Iha,walang masama sa pagiging lesbian. Matagal na naming alam na ganyan ka." Nakakaunawang sabi ni Mrs. De Castro.

"Mom..i love her.. Mahal na mahal ko po si Rhian.😭 but-- ayaw nya po sakin dahil ganito ako,dahil babae ako at bawal akong magkagusto sa kanya..Mom..bakit ba naging abnormal ako ? Bakit ako naging ganito ? Wala na sya mom..ayaw na nya sakin..she hates me to death.."

End of flashback.

"Kung nakita mo lang kung paano nagdusa ang anak namin.." Mababakas mo ang inis sa boses ni tito alejandro. "Salamat dahil dumating ka sa buhay nya."

"Bumalik na po si Rhian." Malumanay na sabi ko kaya nagulat sila. " actually,magkasama po sila ngayon."

Pagkatapos ng pag uusap namin ay masaya na akong umuwi sa Condo na tinutuluyan ko para tawagan sila Mommy at masabi ko na ang plano ko.

IM SO EXCITED.😀

TO BE CONTINUED..

RaStro StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon