My Beautiful Stalker (2)

866 49 1
                                    

2/10

"Bullshit Glaiza ! Bakit mo ba sya sinusundan ?! Paano kapag may nakakita sayo ? Alam mong hindi normal ang mga katulad natin. Takot ang mga tao sa katulad natin !"

Tahimik akong nakaupo sa sofa habang pinagmamasdan ang babaeng kaytagal ko ng hinahanap.
Katapat ng Mansion namin ang Building na pinagtatrabahuan nya.
Paano ko sya nakikita ? Kayang tumagos ng paningin ko sa kahit saan at 10 milya ang kaya nitong abutin. Naririnig ko kahit ang paghinga ng isang tao mula sa malayo,nakakapagteleport din ako at higit sa lahat ay umiinom ako ng dugo.

"Glaiza,nakikinig ka ba ?"

"Alam mong maririnig kita kahit gaano ka pa kalayo." Inis na sagot ko pagkatapos ay tumayo ako." Aalis na muna ako."

"No ! Stay here ! Susundan mo na naman sya ! Ilang gabi ka na bang natutulog sa kwarto ng babaeng yon ?! Isang linggo ? Dalawa ? My God !😣 wag mo akong pilitin na patayin sya--

"Wag na wag mo syang hahawakan kung ayaw mong baliin ko yang leeg mo at ibaon yang tingga ng bala sa dibdib mo." Nanlilisik ang matang sabi ko at kusang lumabas ang mga pangil ko."Gusto mo bang ubusin ko yang dugo mo ?" Sabay amoy ko sa leeg nya." Mabango ang dugo mo kaibigan.."

Shock was written all her face.
Minsan lang ako maglabas ng pangil.
Isa kami sa mga nalalabing angkan ng mga Collins. Isa akong Bampira na nagtatago sa sikat ng araw upang hindi masunog.Madalas ay nakasuot ako ng shades at hoodie para lang masundan si Rhian sa kung saan.

"Bakit ka ba pa nakikipagtalo sa kanya Max,alam mo naman na hindi ko kaya si Glaiza. Bakit ba gusto mo palaging masaktan ?"

Binitiwan ko si Max at humarap ako kay Vlad. Hindi pa rin naaalis sa labi nya ang mapanuksong ngiti.

"Glaiza,bakit hindi mo imbitahan ang babaeng nais mo dito sa atin para naman makilala namin sya ng personal."

Natahimik ako.

"Hindi sya nagpapakita sa babae kaya hindi nya kayang dalhin dito. Maaring natatakot sya na baka layuan sya ng babaeng iyon kapag nalaman kung anong klaseng halimaw si Glaiza." Nakangising sabi ni Max kaya sinampal ko sya. Tumilapon sya ng ilang metro at walang malay na sumadsad sa estante ng mga libro.

"Sa susunod ay turuan nyo ng leksyon ang babaeng yan dahil mukhang nakakalimutan na nya kung sino ang kinakausap nya." Masungit na sabi ko sabay hablot sa hoodie ko at isinuot." Aalis na ako."

Wala pang isang segundo ay nasa loob na ako ng opisina ni Rhian.
Busy sya sa pagtatype at pagkopya ng kung anuman. Minsan ay may kinakausap sya sa telepono nya.Sisimangot,kukumpas ang kamay,tatawa ng bahagya at ngingiti.
Tumingin sya sa gawi ko kaya agad akong nagtago sa likod ng pinto

"Nandito sya." Bulong nya sa sarili nya.
I was wondering kung paano nya nalalaman na nandito ako.😒 ang lakas ng pandama nya.

"Lunch time na ! Yoohoo !" Tuwang tuwang sabi ng babaeng kasama nya,marahil ay kaibigan nya dahil ito ang madalas na kasama nya. "Tara na Rhian,mamaya mo na tapusin yan."

Itiniklop ni Rhian yung folder sa harap nya tumayo.

"Tara." Nakangiting sabi nito.

Habang naglalakad sila ay nakasunod ako. Alam kong nararamdaman nya ako dahil panay ang lingon nya.
Dere-deretso akong naglakad at nilampasan sila. Alam kong nakatingin sya sakin kaya nauna na akong pumasok sa elevator. Pipindutin ko sana yung button ng Ground ng magtama ang mga kamay namin. Napatingin sya sakin.

"Im sorry ." Hingi nya ng paumanhin.

Hindi ako sumagot at pinindot ko na yung Ground. Tahimik lang kaming tatlo sa loob ng magsalita yung kasama nya.

"Miss,Well im sorry but i assumed na babae ka dahil ang kinis ng balat mo,ang puti at mukhang malambot ang kamay mo.😊 Nagwowork ka ba dito ?" Tanong nya sakin.

"Hindi." Tipid na sagot ko.

"Hah ? Paano ka nakapasok dito kung hindi ka pala nagtatrabaho dito ?" Takang tanong nito." Tsaka bakit ka nakashades ? Mataas ba ang sikat ng araw ?"

"Lovi,bakit mo ba sya pinapakialaman ?" Saway ni Rhian sa kaibigan. "Miss,pasensya ka na sa kaibigan ko hah."

"Ayos lang." Sagot ko.

Paglabas namin ng elevator ay dere-deretso sila sa Cafeteria ng Building kaya sumunod pa din ako at nagkunwaring kakain.

"Kakain ka ? Halika sumabay ka na sa amin." Aya ni Rhian sabay hawak sa kamay ko. " Sinisipon ka ba ? Ang lamig ng kamay mo."

"Hindi." Tipid na sagot ko.

Pumunta kami sa Counter at pumili ng makakain kahit ang totoo ay hindi naman ako nagugutom.

"Bakit hindi mo ginagalaw yang pagkain mo ? Ayaw mo ba ng luto nila ?" Tanong ni Lovi. "Ano nga palang pangalan mo ?"

"Glaiza."

"Glaiza ? Glaiza ano ?"

"De Castro,Kailangan ko ng umalis. Ako ay may kailangan pang gawin." Paalam ko sa kanila at mabilis na akong lumayo.

***

RPOV

"She reminds me on someone." Bulong ko kay Lovi habang nakatingin sa papalayong babae.

"Who ? Alam mo kahit nakashades sya,feeling ko ang ganda ganda nya. Ang puti nya,grabe. Siguro kahit sa banyo nila may aircon."

"The way she talks. Ganon yung mga salitang nababasa ko sa sulat ni G." Sabi ko kaya napahinto sa pagkain si Lovi. " Glaiza..G.."

"Grabe ka naman besh ! Seryoso ? Babae si Glaiza,bakit ka naman nya ii-stalk ?" Tanong ni Lovi.

"Ewan,tara na nga. Busog na ko."

She's really weird..
And familiar yung boses nya.
At isa pa,bakit ang lamig ng balat nya ?
Lumingon ako sa nilabasan nya pero wala na sya. Ang bilis naman nya.

Pagpasok namin sa loob ay muli na kaming nagkanya-kanya ng trabaho hanggang sa matapos ay office hour.
Dere-deretso lang ako palabas hanggang sa pagtawid ay lumulutang yung isip ko,huli na para makaiwas ako sa nakaambang disgrasya.
Pumikit ako at hinihintay na lang na lumapat sa katawan ko ang bumper ng truck.ilang minuto na ang nakakaraan pero tanging sigawan na lamang ng mga tao ang naririnig ko.
Unti-unti akong nagmulat ng mata.

"Glaiza ?!" Tawag ko ng makita ko si Glaiza na nakahawak sa unahang bahagi ng truck. Nayupi iyon. " oh my God ! Glaiza ! Ayos ka lang ba ?!"

"Im good." Walang emosyong sagot nya pagkatapos ay naglakad na palayo. Nawala sya sa karamihan ng mga tao.

"Miss ? Ayos ka lang ba ?" Tanong ng driver ng truck bago sinipat yung harapan ng truck nya." Grabe ! Bumakat ang kamay nya. May super power ba yung kaibigan mo ? Tignan mo oh,bumakat yung kamay nya. Alam mo bang nakafull speed ako kanina ng bigla kang tumawid ? Tapos biglang sumulpot yung kasama mo at hinarang tong truck,umangat talaga yung likurang bahagi ng truck ko dahil sa lakas ng pagpigil nya." Napakamot pa sa batok yung driver.

Napatango na lang ako at mabilis na umalis na lugar na yon.
She's Up to Something. I know.

TO BE CONTINUED..

RaStro StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon