My Beautiful Stalker (8)

794 61 2
                                    

Year Later

GPOV

Isang taon na ang anak namin ni Rhian, At ganon katagal na ring nawala sa akin si Rhian.
She lost her memory at wala akong magawa kundi ang tanawin na lang sya mula sa makakapal na pader ng bahay namin.

"Glaiza !!  yung anak mo sinunog yung Gown ko ! " Sigaw ni Katrina habang pababa ng hagdan.

Natawa ako.
Sunog nga yung damit nya. 😂

"anong magagawa ko ?  she's a fire Vampire Katrina. Siguro ay pinaiyak mo na naman kaya nasunog yang damit mo. Buti nga damit lang eh. " Natatawa kong sagot.  "Anyway, aalis muna ako.. pakibantayan si A. J.  okay ? "

"Glaiza !  ayoko. Baka mamaya ako na mismo ang sunugin nun! tsaka pwede ba ?  tigilan mo na yang kasusunod sa Rhian na yan !  Hindi ka nya na makikilala. Tsaka san mo sya hahanapin ngayon?  ang lakas ng ulan, im sure na di mo sya makikita kasi nga di ba, Naging Elements Vampire sya. "

"Mahahanap sya nito. " Sabay turo ko sa kinalalagyan ng puso ko, bago naglaho na parang bula.

Dinala ako ng mga paa ko sa Condo ni Rhian. Wala pa ring nagbago sa lugar na saksi sa pag ibig naming dalawa.
Nakakalungkot isipin, bakit kailangan pa naming magkahiwalay. 😔
Nahiga ako sa kama nya na minsa'y naging pahingahan ko rin.
Napakakomportable talaga sa lugar na ito.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may taong naglalakad sa gilid ng kama.

"Mabuti naman at gising ka na. "

"Rhian ! " Gulat na sambit ko sabay upo. Napatingin ako sa orasan. 8pm na pala. tsk!

"Bakit ngayon ka lang nagpakita ? "

Naguluhan ako sa tanong nya.

"Nasaan ang anak natin ? Nasaan si Althea Jade ?  Bakit mo sya nilayo sakin? " Puno ng hinanakit na tanong ni Rhian. Unti unti na ring nagbabaga yung katawan nya. tsk!

"teka !  Kalma. " Saway ko sa kanya. "Paano mo nalaman yun ? Paano mo nalaman na---

"Sagutin mo ang tanong ko Glaiza, Nasaan ang anak ko ?! " Galit na sigaw nya kasabay ng tuluyang pagsiklab ng apoy sa katawan nya. Maging ang mga mata nya ay naging pula na.

Pinipilit kong kumawala sa pagkakasakal ni Rhian ngunit sadyang malakas ang pagkakahawak nya sa leeg ko.
Feeling ko talaga mamamatay na ko ngayon. 😣😣😣

"Rhian !  Rhian.. Stop... it.. " Hinihingal na sabi ko kasabay ng panlalamig ng buong katawan ko. Teka.. Tubig ?  bat basa ako?
Unti-unti akong nagmulat ng mata.

"whew !  akala ko di ka na gigising dyan eh. " Kunwari ay nagpupunas ng pawis na sabi ni Katrina.

"what the ?!  what did you do ?!" Inis na sigaw ko, panaginip lang pala lahat. argh !

"Duh ?! Manganganak na yung asawa mo ! " Balik sigaw nya kaya napatayo ako. Si Rhian ! Mabilis akong nagpunta sa kwarto.

"be strong baby.. " Bulong ko kay Rhian habang hinahaplos yung buhok nya.

"Glaiza.. please, wag mong ilalayo sakin ang magiging anak natin.. " Naiiyak na bilin nya habang tinitiis yung kirot na nararamdaman nya.  "Ipaalala mo sya sakin, ipaalala mo sakin lahat Glaiza.. "

Sunod sunod na pagkatango ang ginawa ko kasabay ng pag-alingawngaw ng boses ni Rhian sa buong kabahayan pagkatapos ay sumabay ang pag-uha ng isang malusog na babaeng sanggol. Napangiti ako.

"Ipaalala mo sya sakin... " Iyon ang huling sinabi ni Rhian bago sya tuluyang mawalan ng malay. Nataranta ako. Agad kong chineck yung pulso nya. Wala na. 😣

"Bite her, before its too late. " Utos sa akin ni Ama.

Unti unti kong hinawi yung buhok na tumatabing sa leeg nya.
Huminga ako ng malalim at walang anumang ibinaon ang mga pangil ko sa leeg nya. Sinipsip ko lahat ng lason na maaaring maiwan sa katawan nya dahil sa pagdadalang tao nya.

"she's a Fire Vampire Glaiza.. Look at her 😊" Excited na sabi ni Ina habang hawak ang anak namin ni Rhian pagkatapos ay binitiwan ito. Kusang lumutang ang sanggol. Napangiti ako.  Muli kong sinulyapan si Rhian pero wala na sya sa kama.

"Nasaan si Rhian ?! " Tarantang tanong ko.

"Dont worry about her. She Became an Air Vampire kaya nawala sya, marahil ay humalo ang katawan nya sa hangin at dinala sa kung saan. "

"pero kapapanganak lang nya, mahina pa sya " Nag aalalang sabi ko.

"Iha, Bampira na sya. Kailan pa naging mahina ang mga bampira ? " Balik tanong ni Barnabas kaya lalo akong napasimangot.

Sinulyapan ko yung anak namin ni Rhian.
Lumapit ako at kinarga sya.
Kamukha nya ko 😁.

"Kamukha ko sya ☺" Nakingiting sabi ko.

"pano mo naman nasabi ?  eh kalalabas lang nyan?  tignan mo nga namamaga pa yung mata. " Natatawang sabi ni Max. "Baby .. Kamukha mo daw si Mommy Glaiza ? " Kausap nya sa anak ko. "di ba ako ang kamukha mo? "

Nagulat kami lahat ng biglang magliyab yung katawan ni A. J.
What the ?!  Ganito kalakas ang anak ko ?!

"Bakit nagliliyab sya ?  baby pa lang sya ah ! " Takang tanong ko. Ramdam ko yung init ng balat nya at anytime ay mabibitawan ko na sya dahil napapaso na ako.

"half human/half vampire.. She's the chosen one ! " Pahayag ni Ama.

"the chosen one ? " Takang tanong ko.

"yes, She's the chosen one . Sya ang magbubuklod sa lahat ng angkan ng mga bampira. Sya ang pinakamakapangyarihang bampira Glaiza. "

Lahat kami ay napatingin sa Sanggol na hawak ko.
Nakadilat ang mga bilugang mata niti at titig na titig sa akin.
Maya-maya ay ngumiti ito kaya lumabas ang dalawang pangil nya.

"Ikuha nyo sya ng malinis na dugo." Utos ni Minerva.

Agad naman na sumunod sila Max at katrina.

"anong plano mo ngayon?  ipapakilala mo ba sya kay Rhian ? " Tanong ni Ama.

"Hindi ko alam. Natatakot ako na baka hindi nya matanggap na may asawa at anak syang Halimaw. " Malungkot na sabi ko. "ako muna ang mag aalaga sa anak namin. "

"Naiintindihan ko. Ipahahanda ko na ang kwarto nyo para makapagpahinga ka na rin. "

Naiwan kaming dalawa ng anak ko.
She's smilling from ear to ear.
Nakalimutan ko na mabilis nga pa lang lumaki ang mga bampira. tsk!
At mukhang pilya ang naging bunga ng pagmamahalan namin ni Rhian dahil mapanukso ang mga tingin sa akin nito.
Maging ang mga ngiti ay kababakasan ng pagiging mapanlinlang nito.

TO BE CONTINUED..

RaStro StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon