Someday (3)

541 36 4
                                    

RPOV

"hoy Glai..cha !" Bulol na sambit ni Kath habang kinukumpas ang kamay sa ere. "Ikaw..ayam mo. *hik* Ang tanga mo."

"Sinabi ko na yan sa kanya,Isip ka ng iba." Sabat ni Chynna. Ano ba pinag-uusapan nila ? " Sabi ko *hik* sa kanya..Ang tanga nya kasi *hik* lagi nyang inuunawa si *hik* Solenn."

Okay Solenn Again.
Napatingin ako kay Glaiza na halatang lasing na rin dahil sa namumungay nitong mga mata.
Pero kahit namumungay na iyon ay hindi pa rin nito kayang itago ang lungkot at pangungulila sa taong kanina pa nya hinihintay.

"Sabi nya may dadaanan lang sya *hik* ..chan ba sya dumaan?" Dugtong ni Chynna pagkatapos ay para itong bata na nagbilang sa mga daliri. "5..6.. Anim na Oras nya ikaw pinaghintay sa wala.."

"Gaga !*hik* Di ka mayunong magbiyang *hik* " Okay fine wala na akong naiintindihan sa language na ginagamit nila.😅 "11:38 na kaya ng gabi..wayong oyas na tayo naghihintay..Lasing ka na Chyns." Tatawa-tawang dugtong ni Kath habang sinasalinan ng alak yung baso ni Glaiza.

"I can wait .. forever.." Natatawang kanta ni Glaiza habang nag su-sway pa. "Alam nyo..Kayong dalawa..Ang daldal nyo..*hik* Di nyo gayahin tong bestfriend natin..Tahimik lang." Nakangiti nyang sambit sabay akbay sakin,muntik na tuloy akong mapasubsob sa hinaharap nya. "Di ka pa ba inaantok ha ?"

Umayos ako ng upo bago nagsalita.

"Hindi pa naman. Sanay na ako sa puyat.." Tahimik na sagot ko. Sanay na akong magpuyat kaiisip sa kanya.

"alam mo *hik* kundi lang kita bestfriend..liligawan...*hik*"

"Hah?"

"liligawan ka sana ni chynna.Haha" Tumatawang dugtong nya kaya napasimangot ako. "Pero syempre dahil bestfriend ka namin..*hik* ayoko naman na ipaubaya ka sa butiki na yan."

"Oy anong butiki ? Namumuro ka na tsong." Kunwari ay nagtatampong sumbat ni chynna. "Wag ka maniwala dyan whiwhi..*hik* teka tayo tayo na lang naman ang *hik* ang gising ..Bat di tayo mag-open forum? Sabihin lahat ng gustong sabihin..Aminin ang dapat aminin.."

"Chige..Game ako dyan." Sakay ni Kath kaya natawa kami ni Glaiza. Para kasi silang mga batang bulol😂. "Ako muna..Argh ! Ayam nyo ba..*hik* Na ang ganda ko----

"Sows ! Sabi ko open forum hindi kasinungalingan..Puro ka kalokohan." Putol ni Chynna sa mga sasabihin ni Kath kaya napasimangot ang huli. "Ako na lang *hik* rhian..Ayam mo crush kita..pero syempre crush lang naman dahil may mataas kang bakod dyan sa tabi mo..Chabi ko kay Tsong mas maganda ka pa kay Solenn pero ayaw nyang pumayag..*hik* "

"Ako ! Ako ! May sasabihin ako.." Sabat ni Kath. "Yang Soyenn Na yan.. Kapag nakita ko yan ..Hahambalusin ko yung pagmumukha nya..Pinaghintay tayo sa wala..Di man lang naalalang tumawag o magtext kahit sabihin man lang nga na Hoy mamga ungas di ako dadating dahil busy ako sa ex ko,Busy kami kasi anniversary din namin..*hik* Gaga sya ! Akala mo kung sinong santa .."

Napatingin ako kay Glaiza.
Tahimik lang syang nakikinig.
Ano ba ang wala sya at bakit kailangang itrato sya ng ganito ni Solenn?

"Tumahimik ka nga..Ang lakas ng bunganga mo akala mo ang bango ng hininga mo." Inis na sabat ni Chynna sabay takip ng ilong. "Oy Rhian,Kausapin mo nga yang katabi mo..baka mamaya bigla na lang yan magwala..*hik*."

"Ano ba ang dapat kong gawin ?" Sambit ni Glaiza matapos ang mahabang pananahimik. " Mahal ko sya,Alam nyo yan. Kahit na ayaw nyo sa kanya Gusto ko pa rin sya,kahit na mas inuuna nya pa yung ibang tao kesa sakin,mahal ko pa din sya.." Unti-Unting sumungaw yung luha sa mata nya. Tahimik lang kaming nakikinig at naghihintay sa mga susunod nya pang sasabihin.

"All i want to do is spend my life loving her and making her happy..Kahit madalas ay inaaway nya ako sa mga walang kakwenta-kwentang bagay ..Mahal ko pa rin sya.." Dugtong nya kaya napapikit ako. Ano ba ang meron si Solenn na wala ako ?

"Tsong..lashing ka ba ?" Out of nowhere ay tanong ni Chynna. Panira naman to ng moment.

"Tara tulog na tayo..lashing na kayo eh." Kakamot-kamot na gumapang si Kath papunta sa tabi ni Sheena pagkatapos ay nahiga.

"Oy Rhi..ikaw na bahala dyan. Di ka naman lasing eh .Antok na din ako." Dagdag ni chynna pagkatapos ay nahiga na sa kung saan. "Aaaaaahhhh Heaven.." Dugtong nya bago tuluyang hilahin ng antok.

Naiwan kaming dalawa ni Glaiza.
Katahimikan ang bumabalot sa pagitan namin.Nakayuko lang sya.

"Glai..

"Ano ba ang kulang sakin?" Tanong nya kaya natigilan ako. Matalino,mayaman,at maganda naman ako. Binigay ko na lahat sa kanya pero bakit sinasaktan nya pa rin ako ?" Malungkot na tanong ni Glaiza. Napayuko ako..iyon din kasi yung eksaktong salita na gusto kong itanong sa sarili ko. "Ikaw Rhi ? Nagmahal ka na ba ?"

"Yes."

"And He Loves you ? Right ?" Tanong nya.

Its not a He ..Its a She 😩

Natahimik ako. Di ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.

"Napaka-swerte ng lalaking minahal o mamahalin mo. You're sweet,Kind,Gorgeous..All in one." Nakangiti nyang dagdag.

"Hindi lalaki ang gusto ko Glaiza..Ikaw,Ikaw lang ang bukod tanging minahal ko mula noon hanggang ngayon.Nagpunta ako sa ibang bansa dahil gusto kong makalimot,Gusto kong kalimutan ka at yung nararamdaman ko para sayo. Pero wala eh..Masyado na kitang mahal para layuan pa,Hindi ko na kaya..Hindi ko na kayang lumayo sayo----Sh*t !" Palatak ko dahil sa muling pagsulyap ko sa babaeng pinag-aalayan ko ng pag-ibig ay tahimik ng nakahilig sa wall
abg ulo nya at malumanay na itong naghihilik.

Ang Galing Huh ?
Ilang taon kong prinaktis yung dialog ko tapos tutulugan mo lang pala ako.😒
Pinagmasdan ko ang mukha nya na natatabingan ng iilang hibla ng buhok.
Bakit ba kasi sa ibang tao ka napamahal ?

"I wish i could explain your eyes,and how the sounds of your voice gives me butterflies. How your smile makes my heart skip a beat and how everytime im with you..I feel complete..I love you so much Glaiza.." Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang maamo nyang mukha. Inalalayan ko syang mahiga pagkatapos ay kumuha ako ng kumot at kinumutan sya.

"Ich hoffe,das ist es..." Bulong ko bago ko sya hagkan sa pisngi pagkatapos ay tuluyan na akong lumabas ng Unit nya.

TO BE CONTINUED...

RaStro StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon