RPOV
Tahimik akong nakahalukipkip sa isang sulok habang pinagmamasdan sila Glaiza.
May rehearsal sila para sa gig nila this coming weekend.
I was wondering kung ano ang status nya ngayon. Masyado silang close ni arci at naiirita ako dahil doon.😒"Hey,Rhi..tapos na kami and balak sana namin kumain muna. Gusto mo bang sumama ?" Tanong ni Glaiza habang inilalagay sa guitar Case yung gitara nya.
Obvious ba ? Kaya nga ako nandito para makasama sya eh.😒
"Pwede ba ?" Kunwari ay tanong ko. Isang taon lang ako nawala naging manhid na to.
"Oo naman." Nakangiting sagot ni Glaiza.
"Sakin ka na sumabay,i brought my car. Saang restaurant ba ?" Tanong ko.
"Sa R.K." Tipid na sagot nya.
"Glaiza !" Tawag ni Arci sabay irap sakin. "Sakin ka na sumabay :)"
"Hah ? Ah eh---
"Sakin na sya sasabay. Wag ka ngang ano." Inis na sabi ko. " kung gusto mo,tabi na lang kayo sa upuan mamaya,ihahatid ko lang naman sya."
Napatingin sakin si Glaiza.
"Ihahatid mo lang ako ?" Takang tanong nya.
"Okay sige.!" Sagot ni Arci at dere-deretso ng sumakay sa kotse nya.
Napangiti ako sa kalokohang naiisip ko.😂
"Rhian ? Huy ? Sure ka ba ? Di ka na bababa ? Kumain ka muna. Lunch na oh." Sabi ni Glaiza bago buksan yung pinto ng kotse.
"Hindi na 😊 sige na,bumaba ka na baka naghihintay na si arci." Nakangiting taboy ko sa kanya.
Tumango nalang sya bago bumaba.
Pagsara nya ng pinto ay agad kong kinuha yung cellphone ko.To: Glaiza My ♡'s (secret lang natin yung name nya sa phone ko.)
Bff,balik ka dito.
Nakita kong napahinto sya sa paglalakad at alanganing tumingin sa kotse ko.
Yieeeh ! Sabi na nga ba,kapag naging lesbian sya ang cool.😍Ibinaba ko yung bintana ng kotse.
"Get in." Utos ko.
"Ha ? Kababa ko lang ah. Ano ? Siguro gutom ka noh ? Kaya pinabalik mo ako. Tara na kasi." Aya nya habang nakapangalumbaba sa bintana.
"Pasok ka,may sasabihin ako eh."
Alanganin syang pumasok ulit sa loob pagkatapos ay mabilis kong kinabit yung seatbelt nya.
"What are you doing ?!" Sita nya.
"Roadtrip !!!!!" Nakangising sagot ko sabay start sa kotse at mabilis na pinasibad.
"You're Crazy. We need to go Back,nandoon na sila Chynna." Sabi ni Glaiza habang nagdadial. Inagaw ko yung phone nya at nilagay sa loob ng blouse ko para di nya makuha.😂 " rhian ! What are you doing. Akina nga yan. May tumatawag oh."
"Kunin mo. Nagddrive ako eh." Nakangisi kong sabi . Inirapan nya ako. " haha ! I miss you bff 😂 Namiss ko yang pagsimangot mo.
"Saan ba tayo pupunta ? Dapat nagpaalam tayo ng maayos para di na sila maghintay." Singhal ni Glaiza." Tsaka nasaan ba yung boyfriend mo ?"
"Relax..dadalhin lang kita sa lugar kung saan kita masosolo. And about kay Miggy..well,we broke up month after ako umalis."Sagot ko sabay kindat sa kanya.