Until I Lied (4)

886 49 6
                                    

GPOV
YEAR PASS

"Tsong ? Nandyan ka ba ? Papasok na ko ha ?" Tawag ni Chynna mula sa labas." Ano ba yan ?! Bakit ba ang dilim dito sa Unit mo.😒" Reklamo ni Chynna pagkatapos ay hinawi nya yung kurtina kaya nasilaw ako.

"Chynna naman eh ! Ano ba ?! Isara mo nga yan. Nasisilaw ako." Inis na sabi ko sabay talukbong.

"Gaga ! Panong hindi ka masisilaw ? Eh kulob na kulob tong unit mo. Ilang bwan ka na bang nagkukulong dito ?." Tanong ni Chynna. "6 months ? 7 ? Alam mo yung araw ? Oo yung araw as in Sun. . Nagtatampo na sayo kasi hindi ka nagpapakita sa kanya."

"Chynna,wag mo akong sermunan. Ang aga aga." Inis na sabi ko. " ano bang kailangan mo ? Hindi ako sasama sa gig." Nakatalukbong na sabi ko.

Lalo akong nainis ng hilahin nya yung kumot na nakabalot sakin.

"Naman eh ! Ano ba ?😒😣" Singhal ko.

"Nananalamin ka ba ? Alam mo yung suklay ? Try mong gumamit non.😒 tsaka pwede ba,kumain ka naman,ang payat mo na oh !  Tignan mo yang balat mo,lalo na yang lips mo. Ang putla !" Sermon ni Chynna.

Tumayo ako at humarap sa salamin
Totoo nga. Ang putla ko na.
GEEED ! Ang laki ng eyebag ko,pwede ng lagyan ng lapis at papel..at yung buhok ko,mukha ng pugad ng lawin.😣

"Si rhian lang ang nawala,hindi ang mundo. Kaya pwede ba ? Ayusin mo yang sarili mo." Sermon ulit ni chynna habang may kinakalkal sa paperbag na dala nya. "Dinalhan kita ng pagkain. May rice dito,pinakbet,pritong isda tsaka sabaw ng nilagang baka. Nilagyan din ng 2 pirasong mansanas ni Arci yan para naman magkaroon ng sustansya yang katawan mo."

"Si arci ?" Takang tanong ko.

"Oo si Arci. Yung backup singer mo. Iniwan ka lang ni Rhian,nagka-amnesia ka na.Kumain ka na." Utos nya.

"Wala akong gana." Matamlay na sagot ko. " iwan mo na lang dyan."

"Glaiza naman eh ! Hindi pa end of the world okay?." Sigaw nya.

"She's my world." Bulong ko.

"Yan ang hirap sayo eh ! Ginagawa mong mundo ang dapat ay tao lang. Dyan ka na nga !" Inis na sabi ni Chynna bago dere-deretsong lumabas ng unit ko.

Napabuntong-hininga ako.
Naiinis na rin siguro si Chynna dahil sa katigasan ng ulo ko.
Kinuha ko yung picture frame sa bedside table ko at matamang pinagmasdan ang mukha ni Rhian.

"Akala ko ba okay lang kahit ganito ako ?" Malungkot na tanong ko. " sabi mo okay lang kahit ganito ako,kahit lesbian ako..pero bakit umalis ka ?"

Dahan dahan kong inilapag yung picture frame.
Lumabas ako ng unit at dere-deretsong nagpunta sa rooftop.

"Busy City.." Bulong ko pagkatapos ay tinanaw ko ang paligid. "Please Bumalik ka na ! Hindi ko naman talaga sinadya na mahalin ka eh ! Nagkataon lang talaga na sayo ako naging masaya,i tried very hard para itago to.. Pero habang tinatago ko kung ano yung nararamdaman ko sayo ay lalo lang itong lumalago !😭 please, bumalik ka na..pangako hinding hinding hindi na ko lalapit sayo. Gusto lang talaga kitang makita." Ubod lakas na sigaw ko mula sa rooftop. Wala na akong pakialam kahit may mabulabog pa ako." Bumalik ka na Rhian..miss na miss na kita.." Umiiyak na sabi ko. "Kakalimutan ko na yung feelings ko sayo.."

"Sure na ba yan ?"

Natawa ako.

"Haha! Ayan na naman,naririnig ko na naman sya." Tumatawang sabi ko.

"So totoo pala yung sinasabi ni Chynna na nababaliw ka na ?"

Unti-unti akong napalingon.

"Rhian ?!" Gulat na sabi ko sabay sampal sa sarili ko."ouch !"

Natawa si Rhian.

"What are you doing Glaiza ? Look at yourself. Ang payat mo na. "

"Rhian. ." Tinawid ko ang pagitan namin at agad syang niyakap. " ikaw nga. Saan ka ba nagpunta ?" Umiiyak na tanong ko.

Lumayo sya sakin ng kaunti.

"Im sorry." Hinging paumanhin ko.

"Nagpunta ako sa france,Sa pag aakalang sa ganoong paraan ay makakalimutan mo yung feelings mo sakin..But i was wrong. Sa paglayo ko sayo..isa lang ang natutunan ko." She paused. " Hindi ko kayang lumayo sayo Glaiza. Para tayong may special bond at nakatali tayo ng mahigpit sa isa't isa. Pilit kong hinanap ang sarili ko at kung ano ba talaga ang gusto ko.." She look at me." Dito ko natagpuan ang sarili ko,sa tabi mo. Ngayon lang ako ulit nakumpleto ng ganito..it feels so good. Having you near.."

"Rhian..."

"I like the smell of your hair,the taste of your skin..and everything about you. I miss you so much Glaiza." Nakangiting sabi nya. " am i too late ?"

Flashback

Just please..please,wag ako..

End of flashbacks.

Napaatras ako.
She doesnt like me,and if she does..kailangan nyang patunayan yon.

"No,yes..i mean. .we're bestfriend 😊. Namiss kita Rhian." Alanganing sabi ko. Dahilan para mapakunot yung noo nya.

"Glaiza ? What's wrong ?" Takang tanong nya. " ang weird mo." Akmang lalapit sya sakin kaya humakbang ako ng isa paatras.

"Glaiza !"

Napalingon kami pareho ni Rhian.

"Arci ? What are you doing here ?" Takang tanong ko.

"I brought you some fresh milk 😊 nakalimutan kong ilagay sa dinala ni Chynna eh. Kumain ka na ba ?" Tanong nya habang nakangiti.

Napatingin ako kay Rhian.
Nakataas ang kilay nya,at bilang bestfriend nya,alam ko ang ibig sabihin non.

"Ah,hindi pa. Kakain pa lang ako." Nauutal. Na sagot ko. "Tara ? " aya ko kay Rhian dahil ang sama ng tingin nya.

Magkakasunod kaming pumasok sa Unit ko.

RHIAN-AKO-ARCI
     TABLE
         TV

"Gusto nyo bang manood ng movie ?" Alanganing tanong ko dahil nararamdaman ko yung tensyon sa pagitan nila.

"Bakit nandito ka ?" Tanong ni Arci kay Rhian kaya nagulat ako.

"Bakit ? Bawal na ba ako dito ?" Balik tanong ni Rhian.

"Sinabi ko bang bawal ka ? Tinatanong ko lang kung bakit nandito ka." Mataray na sagot ni Arci.

What are they doing ?😣

"Bakit ikaw ? Nandito ka ." Rhian.

"Dinalhan ko ng pagkain si Glaiza." Arci.

"Wow. Bff,di mo naman sinabi sakin na may tagahatid ka na pala ng pagkain ngayon. Yaya mo ?" Natatawang tanong ni Rhian. " namiss ko tong bestfriend ko kaya nandito ako ngayon."

"Whoah ?! Namiss ? Pagkatapos mong iwanan babalikan mo ? Ano tingin mo kay Glaiza ? Pagkain na kapag nagsawa ka ilalagay mo sa ref tapos kapag nagutom ka babalikan mo ?" Mataray na sabi ni Arci kaya pumagitna na ako.

"Enough ! Napapano ba kayong dalawa ? Kung may personal issue kayo,lumabas kayo pareho ng unit ko." Inis na utos ko sa kanila.

"Glaiza,pwede ba kita mainvite mamaya ? Nood tayo ng movie." Anyaya ni Rhian sabay yakap sa braso ko.

"Ahhh--

"Glaiza,sama ka sa gig mamaya. Namimiss ka na ng mga tao eh." Arci.

Napahilamos ako sa mukha ko.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanila.😣

"You two. Get out !" Singhal ko sabay kaladkad sa kanila palabas.

Pabagsak akong naupo sa sofa ng muling bumukas ang pinto at pumasok si Rhian.

"Paano ka nakapasok ?" Tanong ko.

"I had your key 😂. " Tumatawang sagot nya pagkatapos ay naupo sa tabi ko.

That so her.
Walang pinagbago.😣

TO BE CONTINUED..

RaStro StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon