My Beautiful Stalker (4)

823 56 4
                                    

Kanina pa ako pabalik balik sa paglalakad. Malapit ng mag alas dose ng gabi at sigurado akong ganitong oras sya nagpupunta.

"waiting for me ?"

Napalingon ako sa bintana.
nakaupo doon si Glaiza at parang hindi alintana ang taas na kinalalagyan nya ngayon.
Agad akong lumapit sa kanya at hinila sya.

"kung balak mong magpakamatay,wag dito. Magpasagasa ka na lang sa Edsa." Mataray na singhal ko sa kanya sabay sandal sa gilid ng bintana. "Why are you here ? Bakit ka nagpupunta dito ?"

Napangiti sya dahil sa mga tanong ko pagkatapos ay naglakad papunta sa kusina at walang anumang binuksan yung ref. Kinuha nya yung binili ko kaninang karne ng baboy sa palengke.

"Dahil lagi kang may stock na karne sa ref.  Sa mansion kasi namin ay walang ganito. " Sagot nya at akmang kakagatin yung karne pero pinigilan ko sya.

"Hilaw pa yan.  Patay gutom ka ba ?" Nakairap na tanong ko. "Alam ko na kung ano ka. You're a vampire ."

Tumingin sya sakin.
Malalim syang tumitig.
Yung pakiramdam na nanunuot sa pagkatao ko yung mga titig nya.
Pakiramdam ko ay biglang lumamig sa loob ng unit ko.
Hinawakan nya ako sa braso.
Ang lamig ng kamay nya, tapos ay nag  iba yung kulay ng mata nya.

"alam mo ba kung ano ang iniinom ko ?" Malamig na tanong nya habang naglalakad papunta sa kwarto ko. "Dugo,Rhian."

Sa isang isang iglap lang ay nasa harap ko na sya at hawak nya ang leeg ko.

"napakabango ng dugo mo.." Seductive na bigkas nya at bahagya pang inamoy ang leeg ko." Alam mo bang matagal na akong natatakam sa dugo mo ? Yung bawat tibok ng puso mo..Nakakaengganyong dukutin."

"then bakit hindi mo pa ginawa ?" kinakabahang tanong ko.

"i can't.." Sagot nya sabay bitaw sa akin." Because i love you."

"you're what ?.." Gulat na tanong ko. " i mean..you dont even know me."

Oo nagulat talaga ako.
Lesbian ako pero hindi ko alam na may Lesbian Vampire din pala ? at Boss ko pa ?!😱

"i know everything about you,Rhian." Bulong nya habang iniikutan ako. "every mole,Every strand of your hair.."

"will you please stop ? nahihilo ako sayo eh." saway ko sa kanya. "ilang taon ka na ?"

"22."

I rolled my eyes.

"ilang taon ka ng 22?"

"Matagal na. almost 500 years ?" Sagot nya bago naupo sa kama ko." Nakakalungkot mamuhay ng mag-isa. Ang tagal kitang hinanap."

"hinanap ? anong pinagsasasabi mo dyan ?i dont even believe na vampire ka,unless---

"Ipapakita ko ang mga pangil ko at sisipsipin ko ang dugo mo. iyon ba ang nais mong gawin ko.?" Putol nya sa sasabihin ko."I can do that if you allow me to do it."

Muli nyang inamoy yung leeg ko at dinilaan kaya napasinghap ako.
Napapikit ako at hinihintay ang pagdiin ng pangil nya sa leeg ko pero tanging ang panghinga nya lang ang nararamdaman ko kaya tumingin ako sa kanya.
Nagtagpo ang mga mata namin.
Ilang segundo lang ay magkalapat na ang mga labi namin at nagsasayaw sa sarili nitong ritmo.
Mapangahas syang humalik,she was exploring every inch of my lips and mouth. I Cant help but to moan.
She's Making me Crazy.😣

"Be mine,Rhian.." Malamyos na utos nya.

Hindi sya nakiusap,talagang inutos nya yon. At parang wala ako sa sarili na sumang-ayon sa gusto nya.
para akong hinihipnotismo ng mga salita nya.

Ng Magising ako kinabukasan ay wala na sya sa tabi ko.
Tanging Isang Tangkay ng Rosas at isang note na lamang ang inabutan ko.
Kinuha ko iyon at binasa.

Rhian
   Kinakailangan ko ng umalis kaagad sapagkat baka ako ay abutan ng liwanag. Kumain ka ng agahan at hwag magpapalipas.
                                       Nagmamahal,
                                              Glaiza.

Napangiti ako.
ang lalim nyang magsalita.😊
At kahit sa sulat lang ay nararamdaman kong mahal nga nya ako.
Inabot ko yung rose at inamoy amoy.

1 message received

Napatingin ako sa phone ko.
Sunday ngayon,walang pasok kaya imposible na iteteks ako ni lovi at sasabihing late na ako.

Get up. Breaskfast is Ready sleepyhead. im waiting.

Napaigtad ako sa higaan at agad tumayo. I was about to run towards the kitchen ng biglang may magsalita.

"dont forget to wear your clothes. Ayaw mo naman sigurong ma-rape ng wala sa oras."

Napatingin ako sa sarili ko.
sh*t ! Wala nga pala akong saplot.
Agad akong naghalungkat ng masusuot sa drawer at patakbong nagtungo sa kitchen.
Inabutan ko doon si Glaiza na abala sa paghigop ng kape.

"Magandang Umaga,Binibini." Bati nya sakin habang naka-smirk.

I smiled at her.
Feeling ko ang ganda ganda ko dahil may stalker akong hot .😍
Naupo ako sa upuan na Kaharap nya.

"Paano mo nalaman na nakahubad ako ? naninilip ka ba ?" Bintang ko sa kanya.

Natawa sya.

"Bakit naman kita sisilipan ? eh nakita ko na lahat ng parte ng katawan mo." Nakangisi nyang sagot.

"then paano mo nalaman na nakahubad pa ako kanina ?" Takang tanong ko.

"Im A Vampire Rhian.Im not normal."

"You're normal kaya. Umiinom ng kape,Nagbabasa ng dyaryo,kumakain--

"who told you na kape tong iniinom ko ?" Takang tanong nya sabay dila sa labi nya kaya napalunok ako."Its Blood Rhian."

"Blood ? as in Dugo ?! teka saan ka kumuha nyan ?" Tanong ko sabay takbo papunta sa harap ng salamin para tignan kung may kagat ako sa leeg.

"Dugo to ng baboy Rhian kaya wag kang maghanap ng kahit anong bakas sa katawan mo dahil wla ako planong kagatin ka. Nagugutom na ako kaya naghanap ako ng baboy dyan sa tabi tabi. Mamayang gabi ay pupunta ako sa Hospital para magnakaw ng Bag of blood." Sagot nya sabay higop ulit sa Iniinom nya. Gusto ko tuloy masuka.

"Magnanakaw ka talaga ? Kawawa naman yung mga nangangailangan non." Sabi ko sabay tingin sa mga nakahain sa mesa. "luto ba yan ?" Tukoy ko sa Ulam na nakahain.

"yeah,luto yan.try this." Sabay abot nya sakin ng baso na may lamang mapulang likido.

"Glaiza ! Hindi ako bampira at hindi ako umiinom ng dugo." Inis na sabi ko.

"its not a blood. Tomato juice yan na hinaluan ko ng honey." Nakasimagot na sagot nya. " and besides,hindi ako nagsshare ng dugo."

Inirapan ko sya pagkatapos ay inabot ko yung baso ng tomato juice na sinasabi nya at walang anumang nilagok iyon.

"Masarap. San to galing ?"

"Sa kabaong ng tiyuhin ko. Tinikman ko kasi yan kanina. akala ko dugo. Sabi ni tito tomato juice daw yan,pampaganda daw ng kutis kaya pinainom ko sayo."

Muntik na kong mabulunan sa sarili kong laway dahil sa sinabi nya.
Sa kabaong talaga ?!
Yuck !

TO BE CONTINUED..

RaStro StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon