Someday (2)

582 49 4
                                    

GPOV

"Oh ? anyare ? bat ang tagal mo ?" Bungad na tanong ni Chynna sabay kuha sa mga dala ko. "Ayy nga pala tsong, Remember Rhian ? Oo tsong si Rhian Ramos.." Patango-tango nya pang dagdag na para bang hindi ko kilala kung sino ang tinutukoy nya.

"yeah,nakita ko sya kanina .." Tipid na sagot ko habang inaayos yung mesa.

"Talaga ? Haha ! So ano ? kamusta sya ? Bat di mo pa inaya dito ?! " Pasigaw na tanong nya kaya inirapan ko sya. Kailangan ba talaga nyang isigaw yun sa pagmumukha ko?

"Inaya ko sya okay ? Kaya lang may aasikasuhin pa daw sya." Sagot ko.

"Eh ano ? Ano itsura nya ngayon ?" Excited na tanong nya. Alam ko naman na crush nya si Rhian at kung minsan ay ako na ang naririndi sa katatanong nya.

"As if naman na hindi mo nakikita mga latest picture nya sa fb. Syempre maganda pa rin. " Pero mas gumanda sya ngayon..Dugtong ng isip ko.

"Mas maganda pa nga yun sa jowa mo eh." Napasimangot ako sa sinabi nya. "Joke ! hehe ! Asan na ba si Solenn ? ang tagal naman nya. tsk !"

Sabay kaming napalingon sa pinto ng may kumatok. Excited ko iyon binuksan.

"Congrats !!!!" Napatakip ako ng tenga dahil sa sobrang lakas ng mga boses nila. My God ! Kung alam ko lang na sila Sheena lang pala to,Sana si Chynna na lang pinagbukas ko ng pinto. "Uy ! papasukin mo naman kami." Ungot ni Mike kaya napilitan akong tumabi at bigyan sila ng daan.Si Rhian na lang talaga ang kulang para makumpleto kami. Napailing ako sa naisip ko.😅

"Ang tagal naman ni Solenn ! Gusto ko ng kumain eh !" Maktol ni Chynna. Bakit ba palagi na lang syang gutom ? " Tsong .. Please .. gusto ko ng kumain." Nagmamakaawa nyang dugtong kaya nakatanggap sya ng mahinang suntok kay Kath.

"Kain ka ng kain payat ka naman. Ilang pulgada ba ng ahas ang alaga mo at panay kang gutom?!" Asik ni Kath sabay hikab.Sa aming pito,Sila ang madalas na may pinagtatalunan.

"Sus ! eh ikaw nga tulog ka ng tulog puyat ka pa rin !" Balik sagot ni Chyns sabay tingin sakin. "Anong oras na oh.. 6:45pm na..Kanina pa ako naghihintay na dumating yung prinsesa para lang makalamon na ako. "

Napatingin ako sa wall Clock na nakasabit sa di kalayuan. 6:45 na nga.. tatlong oras na akong naghihintay sa tao na hindi ko naman sigurado kung dadating pa ba o ano.

"Uhm sige na nga..Mauna na kayong kumain." Sagot ko kaya napahiyaw sa tuwa si Chynna ganon din ang iba. Nag-umpisa na silang magkainan dahil mamaya ay mag iinuman naman kami. Nakakamiss yung ganitong kasiyahan tulad ng nililikha naming ingay noong Highschool pa lamang kami. Napangiti ako. ☺

Nasa Ganoong tagpo ako ng muling tumunog ang doorbell. Lahat sila ay napatingin sa akin na para bang ako yung doorbell na lumikha at sumapaw sa kaingayan nila.😒
Agad kong tinungo yung pinto,Mabilis ang pintig ng puso ko dahil alam ko na sa wakas ! Dumating na ang babaeng kanina ko pa hinihintay.

"You're here !!" Excited akong yumakap kay Solenn. Ang bango talaga ng Girlfriend ko hehe. Lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. "Akala ko hindi ka na dadating,kanina pa ako naghihintay. " Naiiyak na sambit ko habang inaamoy amoy yung buhok nya na tumatabing sa leeg. Naramdaman kong niyakap nya rin ako pabalik.

"Im Just here..Glaiza." Sa wakas ay sambit nya. Napakunot noo ako bago kumalas sa pagkakayakap. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi,Nanlaki ang mga mata ko na dati ng malaki,Pinawisan ako ng malamig at nag-init ang lahat ng sulok ng katawan ko.

"Rhi--Rhian.." Wala sa loob na nabigkas ko. Ngumiti sya ng mapakla pagkatapos ay walang sabing inangat ang kanyang kanang kamay at pinahid ng hinlalaki nya ang luhang kanina ay naglandas sa pisngi ko. Napayuko ako sa sobrang hiya.

"Rhian !!!!!" Nagpulasan ang lahat ng kasama ko sa loob palapit kay Rhian dahilan para matakpan ang hiya na kanina pa kumakalat sa pagkatao ko. Kanya-kanya sila ng yakap at halik kay Rhian,Kulang na lang ay luhuran nila ito at sambahin.

"pasok ka,pasok ka." Excited na anyaya nila kay Rhian na para bang sila ang may ari ng bahay ko.Tsk ! "Tumabi ka nga dyan Glaiza,nakaharang ka sa daan eh." Sita sa akin ni Chynna kaya pinanlakihan ko sya ng mata.

Sige,Ako na ang Out of Place.😒😒😒

"Buti at nakahabol ka." Narinig kong tanong ni Luis habang pinaghahain ng pagkain si Rhian. "Kahapon ka pa namin gustong puntahan sa inyo kaya lang ay busy daw tong mga to.Nakakahiya kung ako lang ang pupunta."

So Ako lang pala ang hindi nakakaalam na nakauwi na pala ng Pilipinas si Rhian ?😠

"Something came up kasi kanina buti na lang at natapos ko agad. Kamusta ba kayo ?" Nakangiting tanong ni Rhian.

Ang Ganda talaga ng babaeng to.
Yung kilay nya na para bang nakaguhit na talaga simula pagkabata nya,Yung mata na nagpapatunay na nag-e-exist talaga yung mga anghel,Yung ilong na may katamtamang tangos..At yung labi..tsk !
Mamula-mula at parang ang sarap halikan.

"Glaiza okay ka lang?" Napaigtad ako sa tanong na yun at parang bigla akong bumalik sa katotohanan. "Alam mo,kumain ka na. Baka Busy pa si Solenn kaya late na darating."

Napabuntong hininga ako.
Busy na naman ?
Lagi naman syang ganon.
Kundi sya busy,Wala sya sa mood.
Kung nasa mood naman sya,Ex naman nya yung pag-uusapan namin.
Tahimik akong naupo sa hapag kainan at wala sa loob na naghain ng pagkain.

Bakit ba kasi patay na patay ako sa babaeng hindi ko naman alam kung mahal o minahal ba talaga ako ?
Pero mahal naman daw nya ako eh.
Mahal ko din sya,Pinili ko syang mahalin.

"Glaiza..enough." Naramdaman kong hawak na ni Rhian yung kamay ko at lahat sila ay nakatingin sa akin.

"Babasagin mo ba yang plato ? tignan mo yang food mo,Durog na durog na." Dugtong ni Mike.

"Im Sorry." Hinging paumahin ko.

"Cheer up ! Kung ayaw magcelebrate ng jowa mo de tayo na lang,I mean..tayo tayo ang magcelebrate dahil kumpleto tayo." Sabat ni Kath.

"Sa wakas ! may nasabi ka rin na tama." Chynna.

Napangiti ako. Buti na lang at nandito sila.
Napatingin ako sa kamay ni Rhian na ngayon ay nakahawak pa rin sa kamay ko,wala sa loob na ipinatong ko doon yung kamay ko at ngumiti sa kanya.
She Smiled back like she always do back then.

TO BE CONTINUED...

RaStro StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon