9/10
RPOV
Week Passed"Okay na ba to Glai ? I mean hindi pa masyadong revealing ?" Tanong ko kay Glaiza habang paikot-ikot sa harap nya.
"Rhian,stop it. Baka ma-rape pa kita. Tara na,7 daw mag-i-start yung party eh." Sagot nya sabay hapit sakin palapit." You're beautiful,kahit magsuot ka pa ng garbage bag." Nakangiting bulong nya kaya napangiti ako.
Inalalayan nya ako pasakay sa kotse nya.
"Nilalagnat ba si Arci ? Nakakapagtaka lang kasi na in-invite nya ako sa party na ginawa nya samantalang ang sungit nya sakin. Siguro may binabalak na masama sakin yung babaeng yun." Bintang ko habang nakaupo sa front seat at kinukulit si Glaiza.
"Wag ka ngang paranoid. Baka gusto nya lang maging friend ka kasi nga bestfriend kita---
"At girlfriend. I was wondering kung bakit hindi mo pa ako pinapakilala bilang girlfriend mo. Kinakahiya mo ba ako.?" Bintang ko kay Glaiza sabay simangot.
Natawa sya at hinawakan yung kamay ko gamit yung kanang kamay nya.
"Of course not. Bakit naman kita ikakahiya ? Pangrampa kaya yang ganda mo,at bukod pa doon ay sobrang proud ako dahil naging girlfriend kita. Ayoko lang madaliin ang mga pangyayari kaya gusto kong umakto muna tayo bilang magkaibigan kapag may iba tayong kaharap." Paliwanag nya.
Napabuntong-hininga na lang ako hanggang sa makarating kami sa venue.
Punong puno ng bulaklak at mga balloons ang area at sobrang liwanag dahil sa iba't ibang lights projector na ikinabit. Marami na ring tao sa loob karamihan ay mga kaibigan ni Glaiza. Naroon rin yung parents nya kaya nagtataka ako.
"Babe ! You came !" Excited na bati ni Arci kay Glaiza sabay halik sa pisngi nito kaya napasimangot ako." Hi Rhian,im glad na nakapunta ka."
"Yeah Right." Mataray na sagot ko sabay irap. "May ano ba ? Mamamatay ka na ba ?"
"Rhian.." Saway ni Glaiza kaya humalukipkip ako.
"Ah hindi naman. Baka nga mauna ka pa sakin eh." Nakangising sagot ni Arci sabay hapit kay Glaiza at may ibinulong dito. Alanganing ngumiti si Glaiza.
Isa pang lapit ng babaeng to,sasaksakin ko na to ng tinidor 😠.
Maya-maya ay lumayo na si Arci at nakihakubilo sa parents ni Glaiza.
Wow huh ? Close na sila ?😒."Kuha lang ako ng maiinom natin." Paalam ni Glaiza kaya naiwan ako sa table.
"Rhian ! Hey. Its nice to see you here." Bati ni Chynna sakin sabay beso pagkatapos ay naupo sa chair na kaharap ko. " what are you doing here ? Sinong kasama mo ?"
"Its nice to see you too Chyns. Kasama ko si Glaiza." Nakangiting sagot ko. " oh,ayan na sya."
Inabot sa akin ni Glaiza yung inumin pagkatapos ay naupo sa tabi ko.
"Hi Clingy lizard. Nice outfit.!" Tumatawang bati ni Glaiza kay Chynna. "Alam mo ba kung bakit nagpaparty si Arci ?"
Namutla si Chynna.
"Hah ? Ah ano kasi..di ko alam. Sasabihin naman siguro nya mamaya.hehe.😅"
"Okay ka lang ?" Tanong ko." Namumutla ka."
"Im good."
Nagkwentuhan pa kami ng kung ano-ano ng magsimula yung party. Umakyat sa stage si Arci.
"Good evening everyone ,thank you so much for coming.😊 i know nagtataka kayo kung anong meron.hehe." natatawang sabi ni Arci. Para syang ewan. Hmp. "May i call to Miss Glaiza De Castro ? Ang pinakamagandang vocalist ng Banda namin."
Nagpalakpakan ang mga tao.
Alanganing tumingin sa akin si Glaiza bago nagpunta sa stage."Hi everyone. Good evening." Nakangiting bati ni Glaiza pagkatapos ay may ibinulong kay Arci."Everyone,Marami na siguro sa inyo ang nakakakilala sa kanya dahil super galing nya kumanta at tumugtog ng gitara. But i want you to meet her as a different person." Hinawakan nya sa kamay si Glaiza. " She's Glaiza,My Proctector,My Best singing Buddy and the love of my Life. My Girlfriend. :)"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Lahat ay masaya para sa kanila,bukod sa akin. Ako lang ang bukod tanging naestatwa sa kinauupuan. Nanlalamig yung palad ko.
Namatay ang ilaw at tumapat ang spotlight sa dalawang taong nasa stage.
Naghiyawan ang mga tao ng lumuhod si Arci sa harap ni Glaiza."Babe..i know bago palang tayo at marami pa tayong pagdaraanan,pero gusto kong malaman mo na sigurado na ako sayo,mahal na mahal kita Glaiza. Will you marry me ?"
Nakatitig lang ako sa stage at sa nangyayari. Gusto kong tumakbo palayo.
Gusto kong umalis at magpunta sa lugar na malayong malayo sa kanila. Malayo kay Glaiza.
Wala na akong naiintindihan sa mga nangyayari,nanlalabo na ang paningin ko.Muling bumukas ang ilaw.
Nagtama ang mga mata namin ni Glaiza.
Guilt was written all over her face.
Napailing ako at buong lakas na inubos ang natitira ko pang Pride para tumakbo at umalis sa venue."Rhian ! Wait ! Please..pag usapan natin to !" Tawag sa akin ni Glaiza na hindi ko namalayan na sumunod pala sa akin.
Humarap ako sa kanya.
"Ito ba ang plano mo para makaganti sakin ? Ito ba yung kabayaran dahil sa ginawa ko sayo.?" Umiiyak na tanong ko.
"Rhian,no ! Hindi ko alam to." Kontra nya
"F*ck you ! Hindi mo alam ?! Hindi mo alam na dalawa pala ang girlfriend mo ?! Na pinagsasabay mo pala kami ?! I love you so much Glaiza..i love you so much na halos nakallimutan ko na na masasaktan ko ang pamilya ko,na madidisappoint ko sila ! But what did you do ?! You broke my heart ! Hindi mo lang dinurog,inapakan mo pa !"
Lumapit sya sakin at niyakap ako.
"Dont touch me !" Sabay tulak ko sakanya. " wag kang lalapit sakin ! Ngayon alam ko na kung ano yung naramdaman mo noon ! Masaya ka na ba na nakaganti ka ? Masaya ka na ba hah ?!"
Napayuko sya.
"Bitch !" Sigaw ko at mabilis na sumakay sa kotse ko.
Nakafull-speed ako at hilam na rin ng luha ang mga mata ko.
I hate you Glaiza.😣😭"Rhian ! Slowdown !"
Lumingon ako. Nakita ko si Glaiza na nagmamaneho at pilit sinasabayan yung bilis ko.
"F*ck you !" Singhal ko sa kanya sabay kabig sa manibela. Nanlaki ang mga mata nya ng maggitgitan ang sasakyan namin.
A loud clang of metal is all i heard and everything went blank.***
GPOV
"Time of Death 21;15 in the evening." Sabi ng doctor habang may isinusulat sa isang papel. Abala naman sa pag-aalis ng mga aparatos yung isang Nurse.
Nakawheelchair ako at malungkot na nakasilip sa pintuan.
Its all my fault.😭Loss of Blood at nabali ang leeg ni Rhian dahil hindi sya nakaseatbelt ng maggitgitan yung kotse namin. Humampas ang ulo nya sa manibela at yun ang naging dahilan kaya namatay sya.
Iyak ako ng iyak ng takpan na sya ng kumot.
"Glaiza..im sorry.." Umiiyak na sabi ni Arci ng bumisita sya sakin sa hospital dahil hindi ako makalakad.
"What can a sorry when damaged has been done ?" Walang emosyong tanong ko.
"Hindi ko sinasadya.." Humahagulhol na sabi nya.
"Nakiusap ako sayo. Sinabi ko sayo na wag mong ituloy dahil si Rhian talaga ang mahal ko..sinadya mo to lahat ! Sinadya mong masaksihan nya yung gagawin mo ! Sinadya mo syang masaktan!" Gigil na sumbat ko.
Iniwan ko syang umiiyak sa patio habang tulak ni Chynna yung wheelchair ko.
Wala na si Rhian at hindi na sya mababalik ng kahit anong sorry.TO BE CONTINUED..