GPOV
"oh ano tsong ? Kamusta naman ang pagpapanggap mo bilang bestfriend ng taong gusto mong maging Girlfriend ?" Natatawang biro ni Chynna habang inaayos yung drum set nya.
Napailing ako.
"Mahirap. Puro palpak nga yung binibigay ko sa kanyang date para wala syang magustuhan eh." Napakamot ako sa kilay ko.
Sino ba naman kasi ang gugustuhing ma-inlove sa bestfriend nya. Malabo na,kumplikado pa.😣
Babae ako,pabebe sya. Este babae din sya,Straight pa. Tsk.!"So ano ? Ipapakilala mo talaga sya kay Jason ? What if nagustuhan nya si Jason ? Eh di nganga ka. Alam mo,sabihin mo na sa kanya hanggat maaga pa. Para malaman mo kung hanggang saan ka lang. Malay mo gusto ka rin nya,kaya hindi nya mahanap sa mga lalaki yung gusto nya kasi sayo nya pala mahahanap." Natatawang biro nito.
"Eh paano pag inamin ko,tapos nilayuan nya ako. Ang saklap non." Sagot ko.
"Diba nga sabi mo,tinanong mo sya kung lalayuan ka nya ? Anong sagot nya ? Ang cool non.😁.. Ako na lang kaya manligaw sa kanya ?" Biro nito.
"Eh kung hampasin kaya kita ng gitara ko ?" Ganting biro ko sa kanya. " alam mo,ayusin mo nalang yan. May rehearsal pa tayo."
"Sige na tsong,payagan mo na ko." Pangungulit ni Chynna. " ang ganda ng bestfriend mo eh."
"Sinong maganda ?"
"Rhian ?! . Uy,bakit nandito ka ? " Takang tanong ko. " diba may photoshoot ka ngayon ?"
"Yeah, hinatiran lang kita ng lunch. I know kasi na nakakalimutan mo ng kumain kapag may gig kayo. Here." Sabay abot nya sakin ng paperbag na may lamang mga pagkain. " kainin mo yan,kundi sasabunutan kita."
"Grabe ka naman. Opo ,kakainin ko po. Makakahabol ka ba sa gig namin ?" Tanong ko.
"Uhm,ill try. May date kasi kami ni Miggy." Nakangiting sagot nya.
"Miggy ? Sinong miggy ?" Takang tanong ko.
"Ahm,Yung Dancer sa GMA. In-invite nya kasi akong magdinner mamaya. Pero susubukan kong humabol sa gig nyo,ok ? You take Care. I have to go." Paalam nya pagkatapos ay humalik sa pisngi ko.
"Wow naman..ang sweet. May pahatid hatid pa ng lunch. May kiss pa." Pang aasar ni Chynna. " pakiss nga din !"
"Shut up." Inis na sabi ko. " kakain muna ko. Baka lumamig pa to."
"Naku. Sige Glaiza,magtago ka dyan sa suot mong Crop top. Ang ganda mo dyan.😁" Dugtong pa ni Chynna kaya napailing na lang ako.
Eksaktong alas otso ng mag-umpisa yung set namin. I am the lead guitarist and also the vocalist. Drummer si Chynna kaya ang astig nyang tignan. Bass guitarist si Jason at pianist naman si Benjamin. Back up singer si Arci.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagtugtog ng may makita akong pamilyar na imahe.
She came 😁 lalo akong ginanahan sa pagtugtog at pagkanta.
Pagkatapos ng set namin ay mabilis ko syang pinuntahan sa table nya dahil pinagtitinginan na sya ng mga tao."Hey, you made it ;)" nakangiting bati ko sa kanya sabay beso. " how's the music ?"
"You're Great as always 😊" nakangiti nyang tugon.
"Thanks. Tara,ipapakila kita sa mga ka-banda ko." Aya ko sa kanya.
Agad naman syang sumunod sakin.
"Ahm,Guys. This is Rhian. My Bestfriend." Pakilala ko sa kanya. "This is Chynna our drummer,Benjamin..kilala mo na sya di ba ? . This is Jason,Bass guitarist namin and this is Arci. Backup singer. Bago lang sya sa Banda."