My Beautiful Stalker (6)

949 63 11
                                    

Sa nakalipas na Limang bwan ay nasanay na ako na palaging may aninong nakasunod saakin kahit saan.
May rose na nakapatong sa bedside table ko kasama na ang isang note.
Nakagawian ko na rin na hintayin si Glaiza sa bintana at pagkatapos ay papagalitan dahil nagnakaw na naman sya ng dugo sa Hospital.
Madalas ay pinagtatabi ko sya ng hilaw na karne para hindi na sya manguha ng baboy ng may baboy.

"Glaiza,Di ba sabi mo manghihina ka kapag hindi ka nakainom ng dugo ?" Tanong ko sa kanya habang nakahiga kami.

"yes. Why ?"

"Yung dugo ko na lang kaya yung inumin mo ? kasya na siguro sayo yung isang basong dugo." Sabi ko habang nakayakap sa waist nya.

"are you sure ? i mean..pag kinagat kita--alam mo na.."

"magiging katulad na kita ?"

"oo. Hindi ka na tatanda. makakasama mo na ako habang buhay.Araw araw mong makikita ang pagmumukha ko,gabi gabi mong mararamdaman ang paghinga ko at higit sa lahat--

"ang dami mo naman sinabi. Take it or leave it. Oo o hindi. Gusto mo o ayaw mo ?" Inis na tanong ko. "like what you've said,ako ang magiging ina ng mga anak mo so gusto kong makasama sila hanggang sa pagtanda ko noh."

Tumagilid sya humawak sa balikat ko pagkatapos ay umakyat yung kamay nya papunta sa leeg ko.

"wait !" Awat ko dahil kinakabahan ako. "ngayon na ba ?"

Natawa sya.

"Haha ! you're Crazy Rhian. Ayaw mo ba o Gusto mo ?" Tumatawang tanong nya. "Kukuha na lang ako sa Hospital or kakagat ng ibang tao."

"No ! sige na. kumagat ka na."

She's about to bite me ng biglang--

"wait !"

"ano na naman ?" Naiinis na tanong ni Glaiza sabay kamot sa kilay.

"pwede bang wag sa leeg ? ahm..sa Balikat na lang ? or kaya sa hita ? or sa--

Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla nyang sakupin yung labi ko.
i was caught offguard.

"its okay Rhian. Hindi naman kita kakagatin .Maybe some other time na lang o kaya pag emergency. hehe lets sleep."

"sleep ? Umaga na kaya."

"Natutulog ako sa umaga Rhian. Let me sleep,okay ? Pumasok ka na sa opisina. ill be good Here." Sabi ni Glaiza pagkatapos ay pumikit na.

***
GPOV

Naalimpungatan ako dahil sa lakas ng katok na nanggagaling sa sala.
Tumingin ako sa Alarm Clock ni Rhian.
11:30 pa lang ah.

"Nandyan na.." Inaantok na sigaw ko mula sa kwarto at mabilis na nagbihis."istorbo. tsk."

Binuksan ko yung pinto at bumulaga sakin ang isang babae na medyo may katangkaran.Oo na,ako na ang kinulang sa height 😒 bawi naman sa karisma at ganda.😀
May bitbit itong Bulaklak.

"what is it ?" Tanong ko sa babae na mukhang nagulat din ng makita ako. "what ?" Mataray na tanong ko dahil nakatulala lang sya sakin.

"i--am..Nandyan ba si Rhian ?" Tanong nya sabay silip sa likod ko.

"she's not here. Bakit ?" Balik tanong ko sabay tingin sa bulaklak na dala nya." Para sa kanya ba yan ?" Tukoy ko sa tulips na dala nya.

"yes,pwede ko ba syang hintayin na lang ?"

Napataas ang kilay ko.

"pwede naman. Hintayin mo sya sa lobby. sige,inaantok pa ako." Akmang isasara ko na yung pinto ng humarang sya.

"wait !--ahm,pwede bang dito ko na lang sya hintayin ? Nakakahiya kasi kung sa lobby pa ako maghihintay."

Nagcrossed arm ako at sumandal sa gilid ng pinto.

"Mahal mo pa ba ang buhay mo ? alam mo ba kung ilang minuto na ang nasasayang sa oras ng pagtulog ko dahil sayo ?" Tinignan ko syang mabuti.

"ah..im sorry. ok sige. sabi ko nga sa lobby na lang ako maghihintay." Namumutlang sabi nung babae.

"by the way,About sa flowers..Hindi sya mahilig sa tulips."Nakangising sabi ko sabay talikod.

Manigas sya sa kahihintay.
Susunduin ko si Rhian para di nya makita 😂.
Mabilis akong naligo at nagbihis pagkatapos ay nagmamadaling bumaba para pumunta sa opisina.
Mas okay sana kung sa bintana na lang ako dadaan para mabilis kaya lang baka may makakita.

Pagbaba ko ay inabutan ko pa doon yung babae na matyagang naghihintay.😁

"Miss ! wait. ahm itatanong ko lang sana kung anong oras uuwi si Rhian ?"

Hinubad ko yung sunglass ko pagkatapos ay tumingin sa kanya.

"di ko alam. actually pupuntahan ko sya ngayon dahil may lunch date kami." Nakangiting sagot ko.Napaawang ang bibig nya." Rhian is my Girlfriend so Back off."

"wait ! pwede bang sumama ako ?" Alanganing tanong nya sabay kamot sa batok nya.

Ang tigas din ng mukha nito eh.

"why ?" Mataray na tanong ko. "Gusto mo ba talaga ng gulo ? i said Rhian is my--

"i heard it loud and clear. Im Solenn,Rhian's Bestfriend."

Napaawang ang bibig ko.
i thought si Lovi ang bestfriend nya.

"oh. im sorry. hindi sinabi sa akin ni Rhian na may maganda pala syang bestfriend. im sorry for being rude and for every moment after." Hinging paumanhin ko.

"no,Its okay. Hindi rin nasabi sa akin ni Rhian na May hot pala syang Girlfriend." Nakangiti nitong sabi sabay lipbite.

I sigh.
It wont works on me.😒

"so ano ? sasama ka ba o maiiwan ka na ?" Tanong ko.

"sasama." Sagot nya at sumunod na sakin.

***

RPOV

"Solenn this is Glaiza,My Girlfriend..And Glai ..This is Solenn,My bestfriend." Pagpapakilala ko sa dalawa.

Nakangiti lang si Solenn habang nakatitig kay Glaiza kaya napairap ako.

"Sol,Para kanino ba yang dala mong bulaklak ?"Putol ko sa pagddaydream nya.

"Hah ? ahm para sana kay Lovi. nandyan ba sya ?"Tanong nito.

"akala ko ba kay Rhian ?".Glaiza.

"joke lang yun." Solenn.

"wala . Absent. may lagnat daw." Sagot ko sabay tingin kay Glaiza na ngayon ay nilalaro lamang ang pagkain. "Glai,May problema ka ba ? bakit hindi ka kumakain ?" Tanong ko sabay apak sa paa nya mula sa ilalim ng table.

"Ouch ! ." Daing nya sabay tingin sakin. Inirapan ko naman sya. "eto na po,kakain na." Alanganin nyang kinutsara yung soup at sinubo. "happy ?"

Inirapan ko lang sya.

"ang cute nyong dalawa." Nakangiting puna ni Solenn habang nakapangalumbaba at nakatitig kay Glaiza." Lalo ka na."

"ok." Cold na sabi ni Glaiza.

"ahm Bestie,baka late ka na sa work,Pasok ka na ..ako na bahala dito sa jowa mo.Baka mapagalitan ka pa ng boss mo." Solenn.

"No,May Lakad pa kami kaya di sya papasok ngayon." Kontra ni Glaiza.

"Glaiza,Magkikita din naman kayo mamaya. Tara na."

"Ako ang boss nya. So i can take her anywhere,anytime without asking permission to anyone." Nakairap na sabi ni Glaiza.

Gusto kong matawa sa itsura ni Solenn.
First time may nagsungit sa kanya,at Girlfriend ko pa.😂

TO BE CONTINUED..

RaStro StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon