My Beautiful Stalker (7)

854 60 8
                                    

"What's wrong with you ?! Hindi ba sinabi ko na bawal tayong magmahal ng tao ?" Dumadagundong ang boses ni Barnabas sa kabuuan ng Mansion ni Glaiza." Ano ba ang mahirap intindihin doon ?!"

"lahat ! Bakit hindi pwede ?! bakit bawal ? i love her !" Galit na sigaw ni Glaiza sa Ama.

"Bigyan mo ako ng isang dahilan kung bakit ka nagmahal ng tao. Alam mong bawal.Masasaktan ka lang. Tumatanda ang mga tao,maiiwan kang mag isa."

"Ang dahilan kung bakit mahal ko sya ay ang dahilan kung bakit bawal ko syang mahalin. Hindi sya natakot sa akin ! Oo tao sya ! kaya ko sya minahal. " Galit pa rin na sigaw ni Glaiza. "Ayos lang kahit masaktan ako,ayos lang kahit maiwan akong mag isa,Ang importante ay may taong nagmahal sa akin ng totoo !"

"Oras na magbuntis sya,Bilang na ang mga araw nya. Hindi mo iyon mapipigilan." Malungkot na sabi ni Claudia (ina ni Glaiza).

"i know..." Naiiyak na sagot ni Glaiza dahil alam nyang nagdadalang-tao na si Rhian."She's 5 months pregnant."

Natutop nila Max at Katrina ang bibig dahil sa sinabi ni Glaiza.

"Ibinigay mo sa kanya ang pagkababae mo ?!" Barnabas shouted.

"yes ! at hindi ko pinagsisisihan yon. i love her so much..." Glaiza exclaimed.

"Kung mahal mo sya,dapat hindi mo sya ginalaw ! Mamamatay sya Glaiza !--

"No ! kakagatin ko sya. Mamumuhay sya ng matagal. Hindi sya mamamatay." Walang gatol na sagot ni Glaiza.

"you're kidding..Alam mong mawawalan sya ng alaala oras na kagatin mo sya."

"its way better kesa mawala sya sakin ng tuluyan. i can love her from afar."Bumuntong hininga si Glaiza." I have to go."

Walang lingon likod syang naglaho na parang bula. Napailing na lang ang mga magulang at kaibigan nya.

***
GPOV

Tahimik akong nakaupo sa sofa habang nanonood ng T.V., 6:00 pm na. Naririnig ko na yung footsteps ni Rhian mula sa Lobby.

Ting ! Nandyan na sya !😂
Kaagad kong binuksan yung pinto at sinalubong ko sya ng yakap.

"hey.." Natatawang sabi ni Rhian sabay yakap sakin." Namiss mo ko agad no ?"

"sobra.." Nakangiting sagot ko. I cupped her face and kissed her on the lips.

Napangiti sya sa sinabi ko bago isara yung pintuan.
Naupo sya sa sofa pagkatapos ay tinanggal yung sapatos nya.
Mukhang pagod na pagod sya.

"are you okay ? Napagod ka ba ? madami bang pinagawa sayo si Mr.Benitez ?" Sunod sunod na tanong ko habang minamasahe yung balikat nya.

"No .." Nakapikit na sagot nya." Its just..Lately parang ang bigat ng pakiramdam ko. And madalas ay nahihilo ako at naghahanap ng kung anu-anong pagkain..At piling ko parang tumataba ako,look ang laki na ng tummy ko."

Napabuntong hininga ako pagkatapos ay pinatong ko yung ulo ko sa balikat nya at niyakap sya sa tagiliran.

"Rhian.."

"hmmm ?"

"you're preganant."

"i know..---What !?" Gulat na tanong nya sabay tayo kaya napasubsob ako sa arm rest ng upuan." Paano nangyari yun ?! eh di naman tayo--i mean hindi naman tayo nag undergo ng--

"sshhh.." Putol ko sa sasabihin nya. " i know na naguguluhan ka..But its true. you're 5 months pregnant."

"ha-how ? paanong...paano nangyari yun ? babae ako at babae ka.."

"because i am a Vampire. Ganon samin..Oras na makipagsex kami at makuha o maibigay namin ang virginity namin,automatic na mabubuntis na yung naka-s*x namin o kami." Paliwanag ko.

"so it means..Magiging mommy na ko ?" iyak tawang tanong nya." Magiging mommy na tayo !" Tuwang sigaw nya sabay yakap sakin.

Niyakap ko sya pabalik.
Nararamdaman kong tuwang tuwa talaga sya.

"wait ! anong gusto mong gender ? girl or boy ?" Excited na tanong nya sakin.

"hmm..Girl ? kahit ano basta kamukha mo. hehe" Nakangiting sagot ko sabay buhat sa kanya papunta sa kwarto. Inihiga ko sya sa kama pagkatapos ay tumabi ako sa kanya. "ikaw ? ano bang gusto mo ?"

"hmm..Girl ? at Althea Jade ang ipapangalan natin sa kanya. Althea Jade De Castro.Naks ! lakas ng dating. " Tumatawang sabi nya habang nakahawak sa tummy nya.

Napangiti ako.
Masaya ako dahil natanggap nya agad na nagdadalang-tao na sya at nalulungkot ako at the same time dahil mawawala sya sakin.Makakalimutan nya ako.😞

"hey..Glai ? Bakit parang malungkot ka ? di ka ba natutuwa ?" Tanong nya sakin." Dont tell me..Oh my god !" Sigaw nya sabay layo sakin kaya nagulat ako.

"what ?"

"Wag mong sabihin na may iba ka pang nabuntis bukod sakin ?" Gulat na tanong nya habang nakaturo pa sakin. Natawa tuloy ako.Hinapit ko sya sa bewang at pinaupo sa lap ko.

"wala akong ibang nabuntis, okay? "

"then bakit ka nalulungkot?  hindi ka ba masaya na magkakaanak na tayo? "

"no, its not like that. Of course im happy.. but--

"but what ? " putol nya sa sasabihin ko.

"Mamamatay ka oras na isilang mo yung bata.. Pero pwede naman kita kagatin pra madugtungan yung buhay mo--

"oh?  yun naman pala eh ! 😀 Anong inaarte mo dyan ngayon? "

"makakalimutan mo ako Rhian. " Malungkot na sabi ko kaya natigilan sya. "mabubura ang lahat ng alaala mo. Mula sakin hanggang sa magiging anak natin. Makakalimutan mo na nagmahal ka ng isang bampira. "

"why?  bakit kailangang makalimutan kita ?  i mean.. hindi ba pwedeng kagatin mo na lang ako tapos walang magbabago bukod sa magiging Vampire na din ako? " Naguguluhang tanong ni Rhian.

"ganon samin Rhian.. kaya hindi kami basta basta kumakagat ng kung sino.  Its either mapapatay namin yung Victim or magiging kalahi namin sya. "

"paano ka ? "

I smiled.

"im gonna be fine. I can Love you from afar. Babantayan kita mula sa malayo. "

Yumakap sakin si Rhian.
Ramdam kong ayaw nya ng ideyang iyon.
i hugged her back.

"Glaiza.. pwede bang wag ko na lang ilabas tong nasa sinapupunan ko? " Naiiyak na tanong nya kaya natawa ako. Pwede ba yun?

"silly !  haha Alam mong hindi pwede yun. Tsaka kahit anong pigil mo, kusa silang lalabas. "

Hindi sya kumibo kaya niyakap ko na lang sya at hinagkan sa sentido.
Malapit na syang mawala sakin, i can feel it.

TO BE CONTINUED..

RaStro StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon