RPOV
Inabala ko ang sarili ko sa trabaho
Halos hindi na rin ako lumalabas ng opisina.
Lagi akong nakatutok sa laptop at pag-guhit ng mga plano. Nakatambak na rin yung mga blue print sa table ko.
Minsan ay nakakaligtaan ko na ring kumain."Ma'am Rhian,May bisita po kayo." Tawag sa akin ng sekretarya ko.
"Sino daw ?" Takang tanong ko. Wala naman kasi akong inaasahang bibisita sakin ngayon.
"Hi.." Bati ng isang babae na nasa likod ng secretary ko.
Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ng makita ko si Glaiza.
Halos mabali na rin yung lapis na hawak ko sa tindi ng pagkakahawak ko."What are you doing here ?" Mariing tanong ko. "Hindi ka na dapat pa nagpunta dito."
"Gusto lang sana kita dalhan ng flowers tsaka aayain sana kitang maglunch. Sabi kasi ng secretary mo hindi ka pa daw--
"Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sakin ?" Sarcastic na tanong ko habang hinahaplos yung binigay nyang bulaklak." Akala mo ba madadaan mo pa ako sa ganito ?" Sabay tapon ko sa bulaklak na dala nya. " akala mo ba mapagtatakpan ng bulaklak yung sakit na binigay mo sakin ? " Pigil ang paghikbi ko habang sinasabi yon.
"Rhian,im sorry. Hi-hindi ko lang kasi talaga alam kung paano iha-handle yung relasyon natin--
"Hindi mo alam ?! Eh di sana hindi ka pumayag na maging tayo !😠 pinaasa mo ako Glaiza ! Binigay ko ang lahat." And with that tuluyan na akong nagbreakdown. "Sana hindi mo ako pinaasa na matutunan mo rin akong mahalin ! Umaasa ako Glaiza ! Wala akong itinira para sa sarili ko."
"Please,Hayaan mo akong magpaliwanag. Ayokong tumanggi dahil ayokong nakikita kang umiiyak. Hindi ko alam pero natatakot akong masaktan kita--
"Nasaktan mo na ko Glaiza ! Now,leave me alone." Utos ko sa kanya,nanggigil ako sa kanya ngayon. Baka masaksak ko sya ng lapis ng wala sa oras.
"Rhian please--
"GET OUT !!!😠" Sigaw ko.
Napayuko si Glaiza at alanganing lumabas.
Napaupo ako sa swivel chair.
Oo mahal ko sya,pero hindi ko hahayaang bilugin nya yung utak ko.
Hindi ko hahayaang paglaruan nya yung damdamin ko.
Hinding hindi na."Ma'am Rhian,Nandito na po si Ms.Smith." Tawag ng Secretary ko.
Agad kong inayos yung sarili ko.
Nakalimutan kong may Appointment nga pala ako ngayon .
Kalma Rhian.
Inhale-Exhale..😣
Ok im Ready."Sige,papasukin mo na sya." Sagot ko.
Pumasok ang isang babaeng sa tantya ko ay kaedad ko lang. Matangkad sya at reserbado kung kumilos. Maputi,sexy in short maganda.
"Rhian Ramos,Right ?" Tanong nito sabay lahad ng palad. "Im Jasmine Smith." She gave me her sweetest smile.
"Have a seat." Alok ko sa kanya. "What can i do for you ?"
"Girlfriend mo ba yung nasa labas ?" Takang tanong nito at binalewala yung tanong ko.
"Hah ? Girlfriend ?" Takang tanong ko. Wala namang may alam na may gf ako.
Natawa sya ng bahagya na dahilan para lumabas yung pantay pantay na ngipin nya.
"Oo nga pala,wala nga palang nakaaalam na may girlfriend ka. But i know so ☺." Nakangiting sabi nito kaya lalo akong naguluhan. Maganda sana sya kaya lang nakakainis.😒 "Ang ganda ng girlfriend mo tapos pinapaiyak mo lang. Akala ko ba mahal mo?"
"Wait,i dont get it ! Ano bang pinagsasasabi mo ? Naka-drugs ka ba?" Inis na tanong ko.
"My name's Rhian,secret lang natin na may girlfriend ako hah ?" Natatawang sagot nya.
"Oh my god !!! Ikaw yung ..ikaw yung mascott !" Gulat na sabi ko sabay hawak sa kwelyo ng damit nya.
"Hey,easy. Wag mong panggigilan tong damit ko." Sabay alis nya sa kamay ko.
"Arte." Bulong ko." So Ano bang maipaglilingkod ko sayo,Ms. Bear ?😂"
Glaiza's Calling...
Napasimangot ako.
"Excuse me,sagutin ko lang." Tumango naman sya kaya lumayo ako ng kaunti. "Ano bang kailangan mo ?!" Inis na sigaw ko ove the phone. "Ayoko ! Wag ka na ngang tawag ng tawag ! Istorbo ka eh ! Bye !"
Kainis !😣
"If you're mad at her, just end the call, or stop texting back. Turn your phone to airplane mode so you wouldn't receive any texts/calls from each other anymore." Sabi ni Jasmine kaya napatingin ako sa kanya.
"What are you talking about ? Im not mad at her. I HATE HER !" Inis na sagot ko.
"Kapag galit tayo, there is a point that we cannot control our impulses. Ginagawa natin yung mga bagay na makakasakit sa damdamin ng isa't isa then titigil lang tayo kapag may umiyak na or may sumuko na. Without thinking na yung mga words na nasasabi natin is sobrang below the belt na." Patuloy nya. "Saying "Sorry" in the end is not enough to heal all the wounds in each other's heart. Tatatak at tatatak sa isip ng isa't isa ang mga binitawang salita."
"Nauna sya eh ! Nakita ko sya na may kasamang iba !" Nakairap na sabi ko sabay halukipkip.
" Just fix the problem if you feel that you are both calm and in the right state of mind to talk about it.Mahal ka nya. Just give her a chance." Nakangiting sabi nito.
"Nagpunta ka ba dito para sermunan ako ? Architect ako at hindi some sort of love experts." Mataray na sabi ko.
"Fine fine fine. Balak ko kasing magpatayo ng bahay,at gusto ko maganda yung design. Nabalitaan ko magagaling daw yung mga architect dito sa Ramos Construction Firm kaya nagpunta ako.. Akalain ko ba na ikaw pala yung makakausap ko.😂 feeling ko talaga pinagtatagpo tayo ng tadhana eh. Hindi kaya..Destined to be together tayo ?" Natatawang sabi nito.
"Yuck ! Kadiri ka ! Umayos ka nga !" Singhal ko.
"Haha 😂 Ang cute mo." Dagdag pa nito.
"Shut up ! Si Glaiza lang ang gusto ko. Okay,lets talk about business ..ano bang---
TOK ! TOK ! TOK !
Napalingon ako.
Si Ana talaga ! Alam ng may kausap ako.
Tumayo ako at binuksan yung pinto."Hi,its me again.." Alanganing bati ni Glaiza. " i brought you some foods."
Rhian magalit ka !
Wag kang mahuhulog sa pinapakita nya.
Lokokohin ka lang nyan !Inirapan ko sya.
"Thanks." Tipid na sagot ko sabay abot sa dala nya." Sige na. May kausap pa ako."
"Ahm Rhian,Pwede bang hintayin na kita ? Ahm--aayain sana kitang--mag dinner date ?" Nahihiyang alok nito.
Para gusto kong matawa sa itsura nya.
Ngayon nya lang to ginawa.
Pero hindi pwede. Kailangan kong magmatigas 😣 maghintay sya kung gusto nya."Ikaw bahala." Sagot ko.
She smiled and turn around.
"Wait." Awat ko kaya humarap sya ulit. " dito ka na sa loob maghintay." Alok ko sa kanya.
"Are you sure ??"
"Oo na,pumasok ka na. May kinakausap ako eh." Inis na sabi ko .
Pumasok sya sa loob at naupo sa sofa.
Binalikan ko naman si Jasmine at idinicuss sa kanya yung mga magiging designs.
Panay ang sulyap nya kay Glaiza..may balak pa ata.😒TO BE CONTINUED..