Someday (7)

563 49 10
                                    

GPOV

"Alam mo tsong,matagal ko ng ramdam si Rhian eh. Alam mo yung Nakatingin sya sayo kapag hindi ka nakatingin sa kanya.Nung Highschool tayo palagi syang nag-eeffort na igawa ka ng project,palagi syang dumadating kapag kailangan mo sya,di ko nga alam kung bakit ang manhid mo eh." Mahabang lintanya ni Chynna. Tahimik lang ako na nakikinig sa mga sinasabi nya.

"Ay hindi ! Siguro may idea ka na talaga dati pa,natatakot ka lang na aminin  sa sarili mo." Dugtong nya.

"Aminin ang alin?" Takang tanong ko.

"Aminin sa sarili mo na pareho lang kayo ng nararamdaman." Napailing ako. Imposible. Wala akong nararamdaman na kahit ano para kay Rhian kundi pagiging kaibigan lang. "Wag mong ideny tsong.Niloloko mo na nga sarili mo idadamay mo pa ko. O sige ganito bibigyan kita ng idea..Ilang months mo niligawan si Solenn ?"

"1 month ?" Alanganing sagot ko. Wala pa nga yatang 1 month yun eh.

"Ilang taon na kayong magkaibigan ni Rhian ?"

"Since fetus magkaibigan na kami eh." Natatawang sagot ko. Napapangiti ako sa mga flashbacks na naglalaro sa isip ko.

"Ano yung una mong naramdaman nung makita mo si Solenn ?" Ano ba to ? The Buzz ? May mga camera yata sa paligid kaya kung ano ano tinatanong ni Chynna eh.

"Nung una kong makita si Solenn..Feeling ko nag slow motion ang lahat,Tumigil yung buong paligid tapos pakiramdam ko nakalutang ako sa sobrang kilig ..basta." Kinikilig na sagot ko.

"Pero nung close pa kayo ni Rhian---ay hindi,close pa rin pala kayo nagkaroon lang ng malisya haha !" Inirapan ko sya. "So ayun na nga,Di ba dati naglalaro kayo ni Rhian ng kasal-kasalan ? Sya yung Bride at ikaw yung nagpapanggap na groom ?" Muli akong napangiti.

"Tsong..Love is a long process. Hindi yun nangyayari ng biglaan.Hindi yun slowmotion na titigil yung paligid kapag nakikita mo sya kasi kapag inlove ka sa isang tao magiging advance ka mag-isip na tipong future nyo na agad yung nakikita mo. Love is being familiar with someone,it takes a while to develop,it takes intimacy which requires a connection." Natahimik ako. Tumayo si Chynna pagkatapos ay inilapat yung kamay nya sa balikat ko.

"Ikakasal na kami chyns.." Basag ang tinig na sabi ko. Hindi ko alam pero parang may kung ano sa isip ko na pinapaalala sakin na hindi na pwede ngunit yung puso ko..Iba ang kinikilala ng puso ko. 😢

"Wag kang magmadali tsong. Ang mga bagay na minamadali ay hindi maganda ang nagiging resulta. You want solenn to commit to you,to love you and be your one and only dahil natatakot ka na mawala sya sayo kapag hindi mo sya kaagad pinakasalan. But Love doesn't work that way. Love takes time to build." Iyon lang at tuluyan na akong iniwan ni Chynna.

Napasandal ako.
Pilit tinitimbang ang mga sinabi nya.
Deeper Connection..😔😔
Nasa Ganoong ayos ako ng bumukas muli ang pinto at iluwa si Solenn.
Agad itong yumakap sakin at hinalikan ako.

"How's your day ?" Tanong ko sa kanya habang nilalaro yung mga daliri nya.

"Great ! Nakita ko pala sila Rhian kanina sa restaurant na malapit dun sa wedding botique na pinuntahan ko,kasama sila Kath tsaka may isa pa silang kasama na babae..I dont know friend siguro ni Rhian kasi parang close sila." Napasimangot ako. Close ? Ang ibig kasing sabihin ni Solenn sa close ay yung tipong magkaholding hands at hindi mapaghiwalay.

"Ilang bwan pa lang sya dito sa Pilipinas,may bago na sya ulit kaibigan ?" Nakabusangot na tanong ko. "Baka naman nagffeeling close lang sa kanya."

"Babe,Alam mo naman yung karisma ng kaibigan mo. She's sweet in her own way tsaka friendly naman talaga yun di ba ? Sakin lang yata nagpapaka-bitter yun eh." Sagot ni Solenn.

"Buti Hindi ka nadevelop dun ? Ilang taon na kayong magkaibigan." Dugtong nya kaya lalo akong napasimangot.

Never akong madedevelop sa pasaway,madaldal,hindi masarap magluto,mahilig sa karera at higit sa Lahat sa isang Rhian Ramos.

"Bat naman ako madedevelop sa kanya ? Malabong mangyari yun,Parang panahon yung ugali ng isang yon. Pabago-bago." Nakangusong sagot ko kaya natawa si Solenn. "What's funny ?"

"Pabago-bago pero iyon ang dahilan kung bakit magkaibigan pa rin kayo." Natatawang sagot nya. " Kahit hindi maganda yung una naming pagkikita,Nasesense ko na mabuti syang tao."

"Ano ba itsura nung kasama nila ? Maganda ba ?" Curious na tanong ko.

"Maganda sya.Matangkad. Kung lesbian lang si Rhian,iisipin ko na magjowa sila." Sa Lahat ng sinabi ni Solenn,ngayon lang ako nabadtrip sa mga lumalabas sa bibig nya.😒 "Haha ! Yang mukha mo babe,Nagseselos ka na naman..Mas Maganda ka dun okay ?"

Hindi na lang ako kumibo.
Maganda.
Matangkad.
Lesbian.
Magjowa.
Napatayo ako bigla ng wala sa oras kaya nagulat si Solenn.

"What ?" Takang tanong nya habang nakatingala sakin.

"I--im..uhh..Naalala ko kasi na may lakad pala kami ni Chynna ngayon..Ano..ahm..late na ko." Nauutal na sabi ko.

At ngayon nagsisinungaling na ako sa babaeng pakakasalan ko.
Mataman nya akong pinagmasdan bago sya tumango.Agad ko syang hinalikan sa pisngi pagkatapos ay dinampot ko agad yung pouch at susi ng kotse ko.
Humanda sakin kung sinuman yung babaeng yun.😡

Mabilis pa sa alas kwatro na nakarating ako sa restaurant na sinasabi ni Solenn.
Kaagad kong natanaw yung sasakyan ni Rhian at ni Kath sa parking lot kung saan ko pinarada yung kotse ko.
Close pala hah ?😒😒😒
Deretso ang lakad ko na nagtungo sa loob ng restaurant,Nakita ko kung saan sila nakaupo pero nagkunwari ako na hindi sila nakikita para sila ang makapansin sakin.😰

"Uy Glai !" Tawag ni sheena. Syempre lumingon ako agad at ngumiti. "Bakit nandito ka ?" Tanong nya.

Lumapit ako sa mesa nila at magiliw na nagsalita habang nakatingin ng deretso kay Rhian.

"Wala naman,balak ko sana kumain ng RIBS." Pagdidiin ko. "Yung ako lang ang makakakita kung paano ito mabali."

"Ang weird naman nun." Sabat ni Kath. "Maupo ka na nga dito." Anyaya nya kaya naupo ako sa tabi ni Luis. "Si Lovi nga pala,new found friend ni Rhian.Ganda nya noh?"

So Lovi pala ang pangalan ng tampalasang umaagaw ng atensyon ngayon ni Rhian ?

"Hi,Im Glaiza." Pekeng ngiti ko sa lovi na pinakilala nila. "Rhian's bestfriend."

Blangko ang ekspresyon ni Rhian habang nakatingin sa akin.Wala na yung dating kislap ng mata nya kapag tinititigan ako at hindi na rin gumuguhit yung mga mapaglarong ngiti sa labi nya.
In Short tumatagos na yung tingin nya sakin at para bang hindi ako  nag eexist.😠

TO BE CONTONUED..

RaStro StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon