My Beautiful Stalker (9)

981 70 6
                                    

RPOV

Ilang bwan na ang nakakalipas ng magising ako isang araw na para bang ibang tao na ako.  I used to love wearing pink dress but now ?  parang mas type ko na yung mga dark colors.  Mas Active na din ako ngayon sa gabi, hindi gaya dati na mas gusto kong matulog ng maaga.

"uy Rhian, tulala ka na naman dyan. " Natatawang puna sa akin ni lovi habang kumakain kami sa isang restaurant. "Nasa loob na tayo ng restaurant kaya ihubad mo na yang shades mo .. anyway, kelan ka pa naging fan ng pagsusuot ng shades ? "

"hah? " Wala sa loob na tanong ko. Natatakam ako sa amoy na nagmumula sa kusina. Actually di lang sa kusina eh, kahit saan ako magpunta pakiramdam ko napapalibutan ako ng mga pagkain.

"hayst. Ewan ko sayo. epekto ba yan ng pagiging inlove? " Tumatawa nyang sabi . "Ano pa gusto mong kainin? "

"raw meat.. "

"what? " Takang tanong nya.

"raw meat. Gusto ko ng hilaw na karne. "

"hoy rhian, ako ba pinaglololoko mo? nung isang bwan ka pa ganyan. last time, kinain mo ng hilaw yung karne sa ref. mo, tapos muntik mo ng maubos yung dugo ko nung sinipsip mo yung bandang nahiwa sakin. " Nakataas ang kilay na pahayag nya.

"nagbago ba ako? "Naguguluhang tanong ko.

"yung totoo? yes, nagbago ka.. sobra. the way you dress, the way you eat and talk.. tell me, epekto ba yan sayo ni Boss G? "

"boss G?  sino yun? " Balik tanong ko.

"Rhian isa pa, sasapakin na talaga kita. May amnesia ka ba o  ano? di mo matandaan si boss G?  eh Girlfriend mo yun. " naiinis na sabi ni Lovi kaya bigla akong nacurious.

"Girlfriend ?  baliw ka ba ?  bat naman ako papatol sa babae ? " Takang tanong ko sabay subo sa pepper & garlic pizza . "whoah !!!  what's this ?! " Gulat na tanong ko sabay tayo.

"excuse me ?  favorite mo yan. tsk. you know what?  you're acting really weird. ano ba nangyayari sayo? "

"favorite ?  iyan ?  yuck !  ang sama ng lasa !  pati ng amoy. tsk"

Nakatingin sa akin si Lovi.
Curiousity was written all over her face.

"what? " Tanong ko.

"May something talaga sayo eh. " Sagot nya habang sumisipsip ng lemon juice. "nga pala, kamusta na yung love letter na pinapadala sayo dati?  nadagdagan na ba ? "

"sulat ?  anong sulat ? "

"duh.. sulat !  as in love letter.  Ano ba nangyayari sayo ?"

"ewan ko. di ko matandaan. tara na, may pasok pa tayo. " Aya ko sa kanya ng may maramdaman akong kakaiba. May nakatingin sakin, nararamdaman ko yun. Luminga ako sa paligid. "wait.. May nakatingin sakin. "

"hah? "

"Someone's staring at me. I can feel it. " Seryosong sagot ko ng huminto ang paningin ko sa isang babae. Nagsalubong ang mgat mata namin. Nakatingin lang kami sa isa't isa sa loob ng halos dalawang minuto.

"yieeeh !  staring contest. " Kinikilig na tukso ni Lovi kaya nagkibit balikat ako. "Magkaaway ba kayo? "

"magkaaway ? i dont even know her. "

"sus !  alam mo beshy.. Tampuhan lang yan, pag usapan nyo okay? tsaka yang si Boss G. suplada lang yan pero super bait nyan. "

"boss G ?  Boss natin sya? " Tanong ko bago muling sumulyap sa babae pero wala na sya. Ang bilis naman nyang mawala ?. "Nasan na sya ? "

"see ?  hinahanap mo pa rin. haha"

"seryoso, di ko sya kilala. "Sagot ko.

"hayaan mong magpakilala ako sayo binibini. " Napalingon ako sa nagsalita. Sya yung babae sa table kanina. "Glaiza De Castro ang aking ngalan. "

Napataas ang kilay ko.
ano naman ang pakialam ko sa pangalan nya ?

"i dont care. " Mataray na sagot ko sabay iwas sa pakikipagkamay nya. "Lets go Lovi."

"Ipagpatawad mo ang hindi ko agad pagpapakita sa kadahilanang natatakot ako. "Napahinto ako sa paghakbang dahil sa sinabi nya.

"Beshy, una na ako sa office ha.? " Paalam ni Lovi bago nagmamadaling umalis. Naiwan ako sa babaeng pangahas.

"Anong sinasabi mo? " Tanong ko.

"Maari bang pumunta tayo sa lugar na tayong dalawa lamang ang naroon ? " Demanding na sya ngayon huh? "Nais kong masolo ka upang ipaalala sayo ang lahat. "

"ipaalala ang ano? " May mga nakalimutan ba ako?  wala naman ah.

Hinawakan nya ako sa kamay.
Gusto kong palisin ang kamay nya, Tumakbo palayo at iwanan sya pero hindi sumasang-ayon ang aking katawan lalo na ang puso ko.
Anong nangyayari?

Sa isang iglap lang ay nasa tuktok na kami ng isang burol kung saan may nag iisang punong nakatayo na syang nagbibigay ng lilim.

"Marahil ay nagtataka ka kung paano tayo nakarating dito. Hayaan mong ipaliwanag ko ang lahat. " Tahimik lang ako. "Isa akong Bampira. "

"ako ba pinaglololoko mo? " Inis na tanong ko.

"Isa kang Bampira. "Lalo akong napasimangot. "Bago ka mawalan ng malay ilang bwan na ang nakakalipas at dalhin ng hangin sa kung saan ay may isang bagay kang hiniling sa akin. "

Bigla akong nacurious sa pinagsasasabi ng babaeng to kaya lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi nya.

"Ipaalala ko sayo ang lahat.. yun ang hiniling mo sakin Rhian. "Pahayag nya bago ako sulyapan. "Gusto mong ipaalala ko sayo ang lahat mula sa akin hanggang sa anak natin. "

"Anak ?!  May anak tayo ?! " Gulat na tanong ko. "ako ba talaga pinagttripan mo ? Paano ako magkakaanak eh wala naman akong asawa, Okay.. kunwari asawa kita.. paano naman tayo magkakaanak?  Babae ako, babae ka.. Not unless.. nagpapanggap ka lang na babae ka ? "

Natulala ako ng tumawa sya.
Bakit ngayon ko lang napansin na napakaganda pala ng babaeng ito.?
May bilugang mata, Matangos na ilong, mapulang labi, maputing balat.. at malamig?

"bakit ang lamig mo? "

"Haha !  alam mo bang ganyan din yung tinanong mo sakin nung una mong mahawakan ang balat ko.? " Natatawang sagot nya. Nakakahawa yung mga ngiti nya.

"Nagkita na tayo? " Tanong ko.

"yes.. " Nakangiti nyang sagot, maya-maya ay bumuntong hininga sya. "Nakakalungkot isipin na nakalimutan mo ang lahat.. "

Napakunot-noo ako.
Ramdam ko ang lungkot sa boses nya.
Hindi ko alam pero parang bigla akong naawa at wala sa loob na hinawakan ko yung kamay nya.

"totoo ba ? i mean.. totoo ba yang mga sinasabi mo? " Tanong ko.

"Sana kaya kong ipaalala ang lahat, O ibalik sa dati ang lahat o ang oras. "Sagot nya bago ipatong yung kamay nya sa likod ng palad ko. "You're my great love .. My wife.. the mother of my child.. "

"Nasaan sya ?  " Tanong ko. Para akong nakaramdam ng excitement sa sinasabi nya.

"Nasa Mansion sya . Ipapakita ko sya sayo sa susunod na araw. "

"Boss G--i mean, Glaiza.. Glaiza right ? Sabi mo Bampira ako.. How come ? "

Pero ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko inaasahan.
Mabilis nyang sinakop ang bibig ko.
Nararamdaman ko ang pag galaw ng labi nya sa bibig ko asking me to respond.. And so i did.
I responded in the same intensity.
The same Passion, the same excitement..

"i love you so much Rhian. "

And with that, tuluyan na syang naglaho.
Naglaho sya na parang bula.

TO BE CONTINUED..

RaStro StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon